--Calem--
''So... Eri, anong ginagawa natin dito?'' Awkward na tanong ko kay Eri, mahigit kalahating oras na kasi kami dito at walang balak ni isa sa amin ang magbukas ng topic.
''Ahh, ano.. Isa rin akong..'' nauutal niyang sabi, hindi niya rin matuloy dahil may nginunguya siya, ano ba kasing balak nitong babaeng ito.
''Kung wala naman tayong pag-uusapan, sige pala, aalis na ako.'' Sabi ko sa kaniya at akmang aalis na sana ako ng bigla niyang hiantak ang aking kaliwang kamay.
''Sandali lang, stone holder.'' Sabi niya sa akin, stone holder?, iyon ba ang tawag sa mga may hawak ng parte ng Crimson Stone?
''So, alam mo pala?'' Diretso kong tanong kay Eri, naupo ako muli sa aking upuan at hinarap siya.
''Oo, alam niya.'' Sabi ng isang boses na malapit sa amin.
Kaninong boses iyon?, e kami lang naman ang tao dito, maya maya'y may parang nilalang na mukhang aso ang lumitaw sa tabi ni Eri, kulay asul ito purong itim ang mga mata.
''Aquos, ang pangalan niya, isang Water guardian, nasa akin Water stone.'' Sabi ni Eri habang pinapaamo ang nilalang na nasa kaniyang tabi na nagngangalang Aquos.
''Ibig sabihin mayroon din niyan ako?'' Tanong ko sa kaniya,''nasa akin ang Normal stone, ibig sabihin ba niyan ay may guardian din akong tulad ni Aquos.?'' Dagdag ko.
''Ikaw pala ang Normal stone holder, oo naman meron, hindi pa ba nagpapakita sayo?'' Tanong ni Eri, hindi pa nagpapakita sa akin ang guardian nitong Normal stone, at wala akong ideya na mayroon palang ganoon, hindi naman nabanggit sa akin ni Kuya Kyo ang tungkol dito.
''Sasabihin ko na ang dahilan kung bakit kita pinatawag sa lugar na ito, Calem, may sasabihin akong importante sayo.'' Paliwanag ni Eri, at ngayon nama'y handa na kong makinig.
''May plano kami ni Aquos upang mapadali ang pagbuo ng Crimson Stone, ang plano nami'y hanapin ang mga kapwa nating stone holder, kailangan nating silang mahanap dahil sa oras na magsama-sama tayo, babalik sa dating anyo ang Crimson Stone ngunit may isang problema, nabanggit na siguro ng protector ukol sa kung bakit nasira ang Crimson Stone at ang dahilan kung bakit gumuho ang Excalibur tama?, dahil iyon sa Dark Stone, kahit papaano'y naging parte parin ito sa balanse ng uniberso, napunta ang Dark stone sa isang taong nagngangalang Bia, ang kapangyarihan nito ay kinain ang pagkatao noon, naging masama ito at may balak puksain ang buong sangkatauhan at ang misyon rin nito ay hanapin ang ibang stone holder upang magamit ang mga kapangyarihan ng ibang bato sa kasamaan upang mapadali ang pagsira nito sa buong sangkatauhan.'' Paliwanag ni Eri habang umiinom ng kape.
''Ibig sabihin kailangan natin mahanap ang iba para mabuo ito at ang kapangyarihan ng bawat bato ay maging sapat ang kailangan kapangyarihan para mapuksa ang Dark element.'' Dagdag ko.
Maya maya'y biglang pumasok sa Cafe si Kuya Kyo, maayos ang suot nito para mag blend in sa society namin.
''May isang stone holder akong nararamdaman na malapit lang dito, umalis na tayo ngayon din at, Aquos?, ikaw pala ang Water stone holder, Eri.'' Sabi ni Kuya at bati nito kay Eri.
Nagmadali na kaming tatlong umalis at lumabas ng Cafe para hanapin ang stone holder na sinasabi ni Kuya Kyo.
''Anong kulay ng nasa kwintas?'' Tanong ko kay Kuya.
''Kulay asul.'' Matipid na sabi ni Kuya.
''Asul,?, hindi ba Asul ang sumisimbolo sa Water?, may iba pa ba?'' Tanong ko sa kanila, may iba pa bang sumisimbolo sa asul, ang alam ko wala na e.
''Kailangan natin iyang alamin, Kyo, nasaan mo naramdaman ang stone holder?'' Tanong ni Eri.
''Sa isang shrine temple.'' Sabi ni Kuya, ibig sabihin ang stone holder ay nandoon sa templong iyon, ang Evereltice Temple.
--Kyo--
Hindi ko alam kung bakit kulay asul parin ang kulay nanilalabas ng aking kwintas, samantalang ang Water stone holder ay si Eri, ibig sabihin ay may kakulay ang tubig at hindi ko alam kung ano iyon, sabi ng kwintas, matatagpuan daw namin iyon sa may templo na kung tawagin nilay ay ang Evermeltice Temple.
''Malapit na ba tayo Kuya?'' Tanong ni Calem.
''Oo malapit na tayo.' Sagot ko.
Pero bago pa man kaming tatlo na makaapak sa unang palapag ng templonay mayroong makapal na usok na itim ang biglang lumutang.
''Oh, look who's here! The Water and the Normal stone holder and its protector.'' Isang babae ang lumabas sa makapal na itim na usok.
''Bia.'' Tanging nasambit ni Eri habang nakatulala dito.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...