--Isla--
Kaming lahat ay pinagmamasdan ang pagkawala ng napakalaking halimaw sa aming harapan, katahimikan ang nangibabaw sa aming lahat at nakita namin si Bia na nakahandusay sa lupa.
"Si Bia!" sigaw ni Calem at lalapit na sana siya, ngunit hinarang ko ito.
"Ako na ang bahala." sabi ko sa kaniya.
Lumapit ako kay Bia, nagising siya, at nagpalinga linga sa paligid.
"Nasaan si Deimata?" tanong niya sa akin.
"Wala na siya." sabi ko sa kaniya.
Nanlaki naman ang mga mata ni Bia sa narinig at namuo ang mga luha rito.
"Bakit? bakit niya ako iniwan?" tanong ni Bia.
"Tinulungan ka niya, ipinaalam niya sa puso't isipan mo na hindi ka nag iisa, sinabi niya na huwag kang magalit sa mundong kinatatayuan mo, kailangan mong umusad at tuluyang makalimutan ang mapait mong nakaraan." sinabi ko ito sa kaniya.
"Naiintindihan ko na." sabi niya at tunayo ito.
Namumuti na ang kaniyang buhok at nangungulubot narin ang kabiyang balat.
"Ito na ang huling kasiyahan ng akibg mararamdaman dahil wala na ang aking mga emosyon at maya maya rin ay nabubura na ako sa mundong ito." sabi ni Bia.
Tumayo rin ako, niyakap siya na ikinagulat niya.
"Huwag kang mag alala Bia, nasa pangangalaga na kita." sabi ko sa kaniya.
Ngumiti ng mariin si Bia at naglaho, naging isang mga puting paro paro at lumipad ito sa kalangitan.
"Nakausad na siya." banggit ko.
Lumapit ako sa mga stone holders.
"Wala na siya." sabi ko sa kanila.
Abg iba nama'y napaiyak dahil sa pagkawala ni Bia,si Calem naman ay napayuko ngunit si Kyo ay nakangiti lang sa akin.
"Tapos na ang lahat." Sambit naman ni Kyo.
"Alam kong hindi na kami magtatagal, pero bibigyan ko kayong lahat ng oras para makapagpaalam kayo sa isa't isa." sabi ko, kailangan na naming bunalik sa mundo namin para maayos ito at bumalik sa dati ang lahat.
Kahit gulat ang iilan, naintindihan rin nila ito, ang iba'y nagyakapan, iayakan at iba nama'y nag usap.
--Calem--
"Areus. Maraming salamat sa lahat ng mga ala alang binigay mo sa akin, itatabi ko iyon, hinding hindi kita makkalimutan." sabi ko iyan kay Areus, at... hindi ko napigilang maiyak.
"Ako rin, maraming salmat din sa lahat ng mg masasayang panahon na magkakasama tayo, ako rin, hinding hinding hindi kita makakalimutan Calem tandaan mo yan." sabi naman sa akin ni Areus, napangiti naman ako doon.
Nagyayakapan na silang lahat, at hindi na ako nagpapapigil, niyakap ko nang mahigpit si Areus, sobrang higpit.
"Ca...Calem... H....hindi ako...makahinga!" sabi ni Areus, napatawa ako.
"Guardians. Bigkasin ninyong lahat ang Crimson Oath." sabi ni Isla, napatingin sa akin si Areus at ngumiti.
"Ito na ang paalam, Paalam Calem." sabi ni Areus at lunakad palayo sa akin, kahit naiiyak ako ay pinilit ko paring ngumiti.
--Isla--
Nakapwesto na silang lahat sa aking harapan, at muli ako'y nagsalita.
"Areus, the Normal guardian, Aquos, the Water guardian, Milulun, the Poison guardian, Granitio, the Steel guardian,
Piriluk, the Psychic guardian,
Glacieria, the Ice guardian,
Electo, the Electric guardian,
Huilen, the Fighting guardian,
Dustos, the Flying guardian,
Zygardier, the Bug guardian,
Ignitus, the Fire guardian,
Florensia, the Grass guardian,
Diantha, the Ground guardian,
Reguiem, the Ghost guardian,
Siriletto, the Fairy guardian,
Quakea, the Rock guardian
Hangus, the Dragon guardian."
"Isla." sambit nila.
"Crimson Oath, pinapawalang bisa ko na ang koneksyon ninyong lahat sa mga stone holders at babalik na kayo sa pagiging malaya." sabi ko sa kanila at nagliwanag silang lahat, naging iisang usok sila.
Ang mga hawak na mga bato nila Calem ay nabasag, at nilipad ng hangin.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...