--Calem--
''Kuya kita?,!'' Takang tanong ko sa lalaking nasa aking harapan na nagngangalang Kyo, nakangiti ito sa akin at nakaupo sa aking swivel chair.
''Oo naman, ayaw mo ba?'' Tanong niya sa akin, aba ang sarap ng buhay nito, nakataas pa ang dalawang paa sa study table ko, hindi makatarunagn ang ginagawa niya sa akin.
''Anong ginawa mo kay Mama?'' Tanong ko sa kaniya, ang mukha niya naman ay naging seryoso.
''Ginamitan ko ng isang spell ang Mama't Papa mo na kilalanin ako bilang Kuya mo.'' Pagpapaliwanag niya na may kasamang ngiti sa akin labi.
''Ano bang kailangan mo sa akin?, bakit ba dinadamay mo sila Kuya!'' Tanong ko sa kaniya, te-teka lang, sinabihan ko ba siya ng Kuya?!
Nakita ko ang nakangiti nanamang mukha ni Kuya at umiilaw ang hintuturo nito, wag niyang sabihing..
''Tatawagin mo akong Kuya simula ngayon.'' Sabi niya, at nakangisi sa akin.
''A-anong?, Kuya?!, bakit ko ba?!, paano nangyari?!'' Nauural na tanong ko, bakit bigla nalang lumalabas sa bibig ko ang Kuya?!.
''Ginamit ko ang Obedience Spell sayo, ako, ang iyong Kuya ay susunod sa lahat ng ipaguutos ko sayo.'' Sabi niya sa akin nang hindi parin nawawala ang ngiti sa kaniyang labi, mautak talaga siya. ''Naintintindihan mo ba Calem?'' Dagdag pa nito.
''Ooooooopooooo, K-kuuuuyaaaa.'' Pinipigilan ko talaga ang mga lumalabas sa bibig, parang may sarili silang pag iisip.
''Mahusay, kuhanan mo ako ng tubig, nauuhaw ako.'' Utos niya sa akin, at kaagad naman akong lumakad palabas ng kwarto, anong nangyayari, kusang gumagalaw mag is aang aking mga binti.
''Opo Kuya!, masusunod.'' Sabi ko, sana panaginip lang ang lahat ng nangyayari ngayon.
Gabi na ngayon at andito ako nakasalampak sa aking higaan, matapos ba naman ang sandamakmak na utos ng aking Kuya, gusto ko nang itape tong bibig ko kanina pa.
''Ikaw ang napili.'' Sabi ni Kuya nang biglang lumitaw ito sa aking harapan.
''Waah!, nakakagilat ka naman, anong ako ang napili?'' Takang tanong ko sa kaniya, ano ang ibig niyang sabihin?
''Ikaw ang napili ng Normal stone, pangalagaan mo ang kapangyarihan nito.'' Pagpapaliwanag ni Kuya sa akin, at maya maya'y nagliwanag ang batong sinasabi niya sa ibabaw ng aking study table.
''Ano ba ang batong iyon?'' Tanong ko sa kanya, nagiba bigla ang anyo nya at ito'y naging makaluma, parang ito yung suot nya nung naglita kami sa daan.
''Ang Normal stone, ay parte ng Crimson Stone, ang nagpapanatili ng balanse sa buong uniberso.'' Pagpapaliwanag ni Kuya, wala parina kong naiintindihan.
''Ang Crimson Stone ay nahahati sa labing walong parte, isa na rito ang Normal, ang iba naman ay Water, Grass, Fire, Fighting, Rock, Ground, Flying, Fairy, Dark, Poison, Bug, Ice, Dragon, Steel, Ghost, Psychic at Electric.' Dagdag pa nito, ngayon alam ko na, parte nbg Crimson Stone ang Normal na nasa pangangalaga ko.
''Bakit naman nagkahiwa-hiwalay ito?'' Tanong ko kay Kuay, bahala na kung iyon ang lumabas sa bibig ko.
''Nakalagay ang Crimson Stone sa Excalibur, isang kastilyo kung saan inilalagay ang mga makapangyarihang mga bagay. Ngunit isang gabi, ang Dark stome ay biglang naglaho dahilan upang ang balanse ng time and space ay masira at iyon narin ang dahilan ng pagguho ng Excalibur, ang ibang mga parte ay napunta sa iba't ibang parte ng mundo niyo, ang mundo ng mga tao.'' Pagpapaliwanag niya, ngayon ay alam ko na.
''Isa akong protector,ang nag iisang protector ng Crimson Stone.'' Sabi niya sa akin, kaya pala napakamistryoso ng isang to.
''Nararamdaman mo ba kung nasaan ang ibang parte ng Crimson Stone?'' Tanong ko kay Kuya.
''Oo, sa pamamagitan ng kwintas na ito.'' Sabi niya at ipinakita sa akin ang gawa sa gintonbg kwintas at may berdeng diyamante sa gitna.
Nang matapos na ang kaniyang paliwanag, nagulat kaming dalawa sa aming nakita, nag iilaw ang kaniyang kwintas pati narin ang Normal stone.
''Ibig sabihin..'' nauutal na tanong ko, mayroong..
''Malapit sa atin.'' Sabi niya at itinago ang janiyang kwintas.
Maya maya'y may kumatok, si Mama pala, agad ko naman pinagbuksan iyo.
''Calem, may bisita ka, swimming instructor daw siya.'' Sabi ni Mama at umalis na.
Swimming instructor?, wala naman akong tinawagan, at sino naman kaya iyon?
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...