Chapter 21: World Shift

138 11 0
                                    

--Calem--

Nagtungo kami sa malakastilyong kwarto ni Ren, ang gara ng mga gamit, parang lahat gawa sa ginto, nakita rin namin ang kaniyang higaan na kasya ang bente katao.

Naupo si Ren sa kaniyang higaan.

''Nananaginip ako ng mga misteryosong bagay.'' Sabi ni Ren sa amin.

''Misteryoso, tulad ng?'' Tanong ni Kuya Kyo.

''Ako, naglalakad sa isang lugar, lumilipad ako, minsan nasa ilalim ako ng dagat.'' Sabi ni Ren, nakakaramdam ako ng kilabot.

''At nakikita mo kang ito sa panaginip mo? Gabi gabi ba ito?'' Tanong ni Ate Eri.

''Hindi lang gabi, mapaaraw, bigla nalang ako nawawalan ng malay at magigising ako, nasa ibang lugar na ako.'' Sabi niya, at base sa itsura niya ay mukhang kakagising niya lang.

''Wala ka namang sakit?'' Tanong ko.

''Wala, malusog na bata ako, alagang alaga ko nga tong buhok ko e.'' Sabi niya na may halong pagmamalaki sa kaniyang mahabang gintong buhok.

''Ren, naniniwala ka ba sa astral projection?'' Tanong ni Kuya Kyo.

''Out-of-body experience, medyo.'' Sabi ni Ren.

Bumulong naman sa amin si Ate Eri.

''Hindi kaya related ito sa guardians?'' Tanong ni Ate Eri.

''Hindi tayo sigurado sa hula mo Eri, pero para talagang may mali dito.'' Sabi naman ni Kuya Kyo.

Natigilan kami ng biglang humikab si Ren, mukhang inaantok siya.

''Matutulog muna ako, inaantok na ako e. Pasensya na.'' Sabi niya ng mahinahon, inaantok siya ikeaga aga.

Nang makapikit na siya at bumulagta sa kaniyang higaan, namatay ang ilaw at may naririnig kaming mga kaluskos at tunog na nagbabalat.

''Ano iyon? Anong nangyayari?'' Nanginginig na tanong ko, wala kaming makita.

Kinuha ni Kuya Kyo ang bato sa kaniyang bulsa at nakita namin ang paligid, ang kwarto ni Ren ay namamalat, ang mga pader ay nangingitim at nabubutas, maging ang katawan ni Ren ay naaagnas, kaya napasigaw si Ate Eri.

Nang medyo lumiwanag na ang buong paligid, nakita namin na nakatayo kami sa isang abandonadong mansyon.

''Nasaan tayo?'' Natatakot na tanong ni Ate Eri.

''Nasa bahay parin tayo ni Ren.'' Sabi ni Kuya Kyo.

''Paano mo naman nasabi?!'' Tanong muli ni Ate Eri.

''Nandito tayo sa masasabi kong ''otherworld'' version ng mansyon, at ito yata ang sinasabing panaginip ni Ren.'' Pagpapaliwanag ni Kuya Kyo.

Inangat niya ang bato at ito'y nagliwanag.

''Tinatawag mo ba ako protector?'' Boses na nanggaling mula sa bato na hawak ni Kuya Kyo.

''Oo Sufire, kailangan kong malaman kung anong klaseng mahika ang nandirito sa paligid.'' Sabi ni Kuya Kyo.

''Maari mo ba akong bigyan ng ilang minuto para malaman ko?'' Tanong ng boses na nagngangalang Sufire kay Kuya Kyo.

Nagliwanag ito at ang sinag nito ay kumalat sa buong paligid, sinuri ng bato ang bawat madaanan ng kaniyang liwanag at ilang minuto ay nagbalik ito kay Kyo.

''Kagagawa ito ng isang guardian, isang makapangyarihan.'' Sabi ni Sufire.

''Anong guardian ito.?'' Tanong ni Kuya Kyo.

''Isang Psychic Guardian, kaya nitong gamitin ang kaniyang stone holder upang magawa ang kaniyang mga ninanais.'' Sabi ni Sufire.

''Ibig sabihin! Stone holder si Ren?!'' Tanong ni Ate Eri.

''Oo tama ka Eri, pero ang guardian mismo ni Ren ang kumokontrol sa kaniya, ang Psychic Guardian kasi ay may kapangyarihan na manipulahin ang puso't isipan ng mga tao. May kapareho ito sa Dark element, ngunit isipan lang ang kaya ng Dark.'' Pagpapaliwanag ni Kuya Kyo.

''Kung ganoon, nasaan na siya?!'' Tanong muli ni Ate Eri.

''Maganda siguro kung hahanapin natin siya dito, kasi parte ito ng panaginio ni Ren, alam kong nandito ang guardian niya.'' Sabi ni Kuya Kyo.

''Payo lang protector, huwag kayong maniniwala sa kung anumang bagay ang makikita niyo, tandaan niyong lahat ng iyon ay ilusyon lang na ginawa ng Psychic Guardian.'' Sabi ni Sufire at nagbalik na sa bato. Nawala narin ang liwanag nito dahilan upang muling magdilim ang buong paligid.

Naglakad lakad kami sa madilim na daan, may nakikita kaming mga nasusunog na bahay, at mga sumabog na establishimento, may mga hayop ding nagkakainan at may mga taong nagtatakbuhan, ang nakakatakot ay wala itong mga mukha.

''Ang sabi ni Sufire, lahat ng ito ay ilusyon lang.'' Sabi ni Kuya Kyo.

Habang naglalakad kami ay may nakita akong pamilyar na mukha, si Mama iyon.

''Calem! Ang papa mo! Patay na siya!'' Sabi ni Mama, habang nasa kaniyang lap ang aking Papa na wala nang buhay.

--Eri--

Lumalapit si Calem sa isang bato at ito'y umiiyak, anong ginagawa niya.

''Papa!'' Sigaw ni Calem habang humahagulgol.

''Calem! Eri! Nasa isang ilusyon siya!'' Sigaw ni Kyo.

Nakita naming dalawa ni Kyo ang katawan ni Calem na parang isang buhangin na nilipad ng hangin.

''Mahusay ang ginagawa mo, Piriluk.'' Sabi ng isang pamilyar na boses.

Paglingon namin, nakita namin ang mortal na kaaway, si Bia.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon