Chapter 24: Idol

159 10 5
                                    

--Calem--

''Saan na tayo pupunta?'' Tanong ni Ren nakakagising lang.

Lumabas na kami ng kaniyang mansyon, sumama na siya samin sa kadahilanang gusto niyang lumabas at para maliwanagan ang kaniyang pag iisip, naunawaan niya naman agad ang misyon namin kaya naisipan niya naring tumulong.

''Ahh! May sikat na sikat sa internet, overseas yata siya, babae.'' Sabi ni Ren habang kami ay naghahanap ng masasakyan.

''Ahh? Anong pangalan?'' Taning ni Ate Eri.

Bago magsalita si ren ay may dumaan na isang dambuhalang truck, at ito'y biglang huminto dahil pumutok ang gulong nito.

''Ayan ang pangalan niya!'' Sigaw ni Ren sabay turo sa nakasulat sa gilid ng higanteng truck.

May isang babaeng nakatayo at may hawak na mikropono, singer yata ito at kaya niyang ayusan ang kaniyang sarili at may nakasulat, iyon yata ang oangalan niya.

''Lin? Lin ang pangalan?'' Tanong ni Kuya Kyo.

''Oo Lin, isa siyang idol at fashion designer narin na ang pangalan ay Electrose.'' Sabi ni Ren.

Napatango nalang kami sa kaniyang kuwento. Ang driver ng truck ay biglang bumaba at napatibgin sa amin. Lumapit ito at nagtanong.

''Qwertyuiop, asdfghjkl?'' Hindi namin maintindihan ang sinasabi ng driver, ibang lengguwahe ito.

''Uhm? Excuse me?'' Singit ng isang babaeng kakabab lang sa likod ng truck.

Isang babaeng mahaba at itim na buhok ang lumaoit sa amin, napakaputi ng balat at ang singkit ng mga nito.

''Where is the nearest gas station?'' Tanong niya, nakakapagsalita siya ng ingles.

''Lin! Totoo ka!'' Sigaw ni Ren at nagtatatalon sa tuwa, tumakbo ito at hindi pinansin ang nagkasabitsabit na buhok sa mabatong daan.

''Oh? Akala ko mga dayuhan kayo kaya napaingles ako, hahahha!'' Sabi ng babaeng nagngangalang Lin, siya pala ang idol na sinasabi ni Ren, maganda parin siya kahit walang ayos ayos.

''Wala namang malapit na mapapahanginan ang gulong ng truck niyo.'' Sabi ni Ate Eri.

''Ako nalang maghahanap ng paraan.'' Sabi ni Kuya Kyo at kinindatan ako.

''Wow. How?'' Tanong ni Lin.

''Pasok muna tayo, since naoakarare makalapit ang fan sa isang idol.'' Sabi ni Ate Eri at pumasok na silang tatlo kasama ang driver sa likod ng truck.

''Anong gagawin mo?'' Tanong ko kay Kuya Kyo.

Biglang lumitaw ang kaniyang staff sa kaniyang harapan, at itinapat ito sa butas ng gulong, ilang segundo lang ang nakalipas at sumara ang butas nito.

''Tara na.'' Pag aya niya sa akin at ang kaniyang staff ay naglaho na parang bula.

Pagpasok namin sa loob ay nakita namin si Ren na nakaupo at inaayusan ni Lin, ang ipinagtataka namin ay umigsi ang buhok nito, para itong katulad ng illusion form niya.

''Pumayag siyang gupitin ni Lin ang mahaba niyang buhok.'' Sabi ni Ate Eri at ang nakakagulat, bugbog sa makeup ang mukha nito.

''Kulutan pa natin para mailagay natin tong ribbon.'' Sabi ni Lin habang pinaplantsa ang buhok ni Ren

''Ang ganda mo pala Ren kapag maigsi ang buhok mo.'' Sabi ni Ate Eri.

''Ate, may outfit po dyan sa wardrobe ko, try niyo po sukatin.'' Sabi ni Lin sabay turo sa may isang pinto.

Pumasok doon si Ate Eri at ilang minuto ang dumaan ay lumabas ito, isang damit na kulay asul ang kaniyang napili na bumagay naman sa kaniya at sa bato na nasa kaniya.

''Tapos na.'' Sabi ni Lin at iniharap si Ren sa salamin, bakas kay Ren ang pagkagulat, at tuwa na kaniyang nadarama ngayon. ''Hindi pa tapos, may kukunin lang ako.''sabu ni Lin at umalis saglit.

Pagbalok nito ay may dala itong isang paperbag at ibinigay ito kay Ren at itinulak ito sa dressing room.

''At kayo naman.'' Sabi ni Lin sa amin.

Kumuha ito ng medida at sinukatan kami, isinulat sa papel at umalis din saglit.

''Manong, ayos na nga po pala yung gulong.'' Sabi ko at tumango siya at lumabas ng truck.

Naramdaman namin ang pag andar ng truck.

Maya maya'y lumabas na si Ren, kahawig na kahawig nito ang itsura niya sa kaniyang panaginip at humarap siya sa salamin.

''Ang galing.'' Yun lang ang tanging nasabi niya at umiikot ikot na parang bata.

Dumating na muli si Lin na may hawak na apat na paperbag at iniabot ito sa amin.

''Ang ganda. Nakakahiya naman Lin wala kaming pambayad.'' Sabi ni Ate Eri..

''Sa inyo na yan.'' Tipid na sagot ni Lin.

''HAAAAA?!'' Gulat kong sigaw.

''Oo, kayo palang ang una kong napasilip sa aking designs kaya suotin niyo nang dalawa yan.'' Sabi niya sa amin sabay tulak sa dressing room.

Komportable naman siya, at ang gaan ng pakiramdam, ano kayang klaseng tela ang ginamit dito?

''Maghanda na kayo sa isang magaganap.'' Sabi ni Lin na ipinagtaka naman namin.

''Ang ganda nito, isang sapatos.'' Sabi ni Ren habang hawak hawak parin ang kahon ng isapatos na nakuha niya sa paperbag na bigay ni Lin.

''Suotin mo na yan, para sa iyon yan.'' Sabi ni Lin.

Sinuot na ito ni Ren at tumayo, para na siyang isang prinsesa.

''Ano bang magaganap?'' Tanong ni Ate Eri.

''Sasabak tayong lima sa isang fashion show na magaganp ngayong gabi.'' Sabi ni Lin, katahimikan ang nangibabaw sa aming lima.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon