--Calem--
''Marie!'' Sigaw ni Ate Eri.
''Marie!'' Sigaw rin ni Kuya Kyo.
Kasama namin ang mga otoridad sa paghahanap ng mga ibang nawawala, kasama na roon si Marie, ilang beses ring nakatingin si Kuya sa kaniyang kwintas ngunitnwalang sign na ipinahihiwatig na malapit ang Poison stone holder.
''Kyo, hindi kaya..'' sabi ni Ate Eri at naluluha na.
''Ate, wag mong sabihin iyan, ayos lang si Marie, mahahanap rin natin siya.'' Pagtatahan ko sa kaniya, nginitian lamang ako nito, pero bakas parin sa kaniyang mukha ang pag aalala.
Maya maya'y may dumating na sasakyan ng bumbero at may mga tauhan na nagsipuntahan sa amin, ang iba'y nagbubuhat ng mga debris galing sa gumuhong tulay at ang iba nama'y isinisigaw ang pangalan ng mga nawawala.
''Mabuti pong doon muna kayo aming sasakyan para narin sa inyong kaligtasan.'' Sabi ng isang lalaking construction worker sa amin.
''Tara na, sundin nalang natin si Kuya, baka kung ano pa ang mangyari sa atin.'' Sabi ko at nagtungo na kami sa pampang kung saan nakapark ang malaking sasakyan.
Tumingala ang comstruction worker sa gumuhong tulay at may nilabas ito, hindi ko gaanong makita dahil balot ito ng tela at maya maya'y itinaas niya ito at ang sabi..
''Granitio! Labas!'' Sigaw nito at nagliwanag ang kaniyang hawak na bato, hindi kaya..
''Isa siyang..''
''Stone holder.'' Sabi ni Kuya Kyo at dinukot ang kwintas sa kaniyang bulsa, at nakita ang kulay nito, kulay gray ahg lumalabas na kulay.
''Teka, Kuya!'' Sigaw ni Ate Eri sa lalaki, agad namang napalingon ito.
''Bakit?'' Takang tanong niya, hindi niya yata kami napansin.
''Ikinagagalak kang makilala, Steel stone holder.'' Bati ni Kuya Kyo sa lalaki, nanlaki naman ang mga mata nito sa narinig.
''P-paano m-o n-nalam-an?'' Nauutal na tanong ng lalaki kay Kuya.
''Isa siyang protector Nix, alam niya kung anong klase ka dahil sa hawak niya ang Necklace of Nothingness.'' Sabi ng isang higanteng nilalang sa kaniyang likuran, iyon yata ang guardian niya.
''Oh!, Yoohoo! Higanteng nilalang, anong pangalan mo?'' Natutuwang tanong ko sa guardian ng lalaki.
''Granitio ang aking pangalan Normal stone holder, ako ang guardian ng Steel stone at ang tagapagbantay kay Yosh na aking stone holder.'' Sabi ni Granitio. Napakalaki niya talaga, kung susukatin, kasing laki siya ng isamg tennis court.
''Si Granitio ang pinakamalaking guardian sa Crimson Stone at si Areus naman ang masasabi kong pinakamaliit.'' Sabi ni Kuya Kyo habang kaming lahat ay nakatingala kay Granitio.
''Alam kong magkakilala na tayong lahat, pero may kailangan pa tayong hanapin, nawawala si Marie ok?''sabi ni ate Eri, biglang kaming bumalik sa realidad, tama siya, may kailangan nga talaga kaming hanapin at iyon ay si Marie.
''Ah, Yosh? May nawawala kasi kaming kasamahan, kaibigan namin, Marie ang pangalan niya, isa siyang Poison stone holder.'' Sabi ko kay Yosh, at gaya ng kanina ay nanlaki ang mga mata nito sa narinig.
''Tatlo na kayong magkasamang stone holder, makakaasa kayo, gagawin namin ni Granitio ang lahat mahanap lang siya.'' Sabi ni Yosh sa amin.
''Yosh, magismula na tayo.'' Sabi ni Granition at itinusok ahg buntot sa lupa, pumikit ito pinapakiramdaman ang buong paligid.
''May nararamdaman akong pulse.'' Sabi ni Granitio at dumilat.
''Buhay pa ang kaibigan ninyo.'' Sabi ni Yosh na ikinatuwa naman ni Ate Eri.
''Kung ganoon, nasaan siya?'' Tanong ni Kuya Kyo.
''Malabo pa ang pulse na nararamdaman ni Granitio, pero nakasisigurado siya na sa kaibigan ninyo galing iyon.''sabi niya kay Kuya Kyo.
''Ngunit may nararamdaman akong isang malakas na enerhiya.'' Dagdag ni Granitio.
''Anong ibig mong sabihin?'' Takang tanong ni Yosh.
''Isang makapal na enerhiya ang bumabalot sa kaibigan niyo dahilan ng paglabo ng pulse niya.'' Sabi niya.
''Isa ba itong masamang bagay o ano?'' Tanong ni Ate Eri.
''Isang mabuti, ang totoo nga ay, pinoprotektahan nito ang kaibigan ninyo.'' Sabi ni Granitio.
''Hindi kaya?, ang guardian iyon ni Marie na pumoprotekta sa kaniya?'' Tanong ni Ate Eri na may pagkagalak.
''Siguro nga.'' Sagot ni Yosh.
''Anong gagawin natin para matunton kung nasaan siya?'' Tanong ko, kay Yosh.
''Kailangan nating mabuhat ang mga debris na ito, at kailangan natin ng tulong ng mga guardians.'' Sabi ni Yosh habang buhat buhat ang malaking kable.
''Sige, Areus! Aquos! Labas!'' Sigaw naming dalawa ni Ate Eri, kaagad namang lumabas sila at tumulong kay Granitio na magbuhat ng mga debris.
Nagtulong narin kami magbuhat ng mga mabibigat na debris at kable, tumulong narin ang mga otoridad, nararamdaman din Granitio na bahagyang lumakas ang pulse ni Marie, at malapit lang ito sa lugar kumg nasaan kami.
''Nakaiistorbo ba ako?'' Isang boses ng babae ang umalingawngaw sa paligid.
''Sino ka?!'' Sigaw ni Ate Eri, masama ang kutob ko, hindi kaya nandito sya.?
''Hindi kaya--'' hindi na natapos ni Kuya Kyo ang kaniyang sasabihin ng biglang may lumabas na babae sa kung saan.
''Hindi kaya si Bia ito?'' Tanong ni Bia, na may ngiti sa kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...