--Calem--
Hindi ko akalain na isa siyang stone holder, ang isang taong pibagkakatiwalaan ni Mama dito sa orphanage, walang iba kundi si Xin, saan siya nakapanig?, kay Bia?, huwag naman sana.
''Calem, isa kang Normal stone holder tama?, kayong dalawa ay ang Water at Poison stone holders, nakakatuwa naman.'' Sabi ni Xin habang nakangiting nakatitig sa aming tatlo.
''Anong kulay ng nasa kwintas?'' Tanong ni Ate Eri kay Kuya Kyo, nilabas nito ang kwintas mula sa kaniyang bulsa.
''Labo labo ang particles, hindi ko matukoy, sigurado akong stone holder siya, dahil sa liwanag na taglay nito.'' Sabi ni Kuya Kyo habang inoobserbahan ang kwintas.
''Gusto ko pang makilala ka ng lubusan, maari bang--'' di ko na pinatapos ang sasabihin ni Xin at bigla na akong tumayo.
''Kung isa ka sa alipores ni Bia, sumuko ka na.'' Diretso kong sabi sa kaniya.
''Huh?, Bia?, sino yun?'' Takang tanong ni Xin sa akin. Wala yata siyang alam sa mga nangyayari.
''Huh?, hindi mo alam?'' Takang tanong ko rin sa kaniya.
''Alam mo sa totoo lang, hindi ko nga alam kung ano ba ang purpose ng pagiging stone holder , di ko nga kilala kung sino yang Bia na sinasabi mo.'' Sabi ni Xin sa akin, mabuti at wala siyang alam, akala talaga namin major threat siya sa aming apat. ''Pero alam ko yung duel at iyon ang gusto kong sabihin sayo kanina pa.'' Dagdag pa nito.
''Ahh, kasi naman Calem di pa kasi tapos magsalita.'' Sabat ni Marie habang umiinom at kumakain ng tinapay.
''Pasensya na Xin ah, nabigla lang ako non.'' Paghihingi ko ng paumanhin sa kaniya, nabigla lang talaga ako.
''Ayos lang iyon, malakas naman ang Mama mo sa akin , haha!'' Sabi nito sa akin. Medyo maloko rin pala itong taong ito.
''Maganda siguro para ayos na ang isa't isa ay mag duel kayo.'' Sabi ni Kuya Kyo sa amin. Mukhang tama nga siya.
''Ehem, Ako si Calem ay niyayaya ang stone holder na si Xin sa isang duel na magaganap di--'' di ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang sumingit si Xin.
''Oy! Sandali lang, huwag naman dito, baka masira ang orphanage! Pagbabayarin mo pa ako!'' Sigaw nito sa akin, wala nga talaga siyang alam.
''Walang masisira, pero parang ang pangit naman kung dito, tsaka baka may makaistorbo sa atin, sa labas kaya?'' Pag aaya ni Ate Eri at hinatak kami papalabas.
''Tama, mayroong tennis court dito, doon tayo tutal wala namang tao doon.'' Galak at tuwang tuwa na sabi ni Xin na may patalon-talon pa.
Lumabas kami ng orphanage, at pinuntahan ang tennis court na sinasabi ni Xin, gaya nga ng inaasahan namin ay malaki ito at ang malawak, mukhang magkapareho lang yata ang sinabi ko.
''Simulan na natin!'' Natutuwang sigaw ni Xin. Mukhang magiging masaya itong laban na ito.
''Sige, OPEN!'' Sigaw ko at nagliwanag ang buong tennis court.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...