Chapter 15: Battle Cry

149 12 1
                                    

--Marie--

Ngayon ang simula ng laban sa pagitan ng Normal stone holder na si Calem at kay Xin, sa ngayon ay hindi namin alam kung anong tyoe ang nasa kaniya, ang aura rin sa kaniyang paligid ay paiba-iba at hindi namin malaman kung anong kulay ito. Kung ako ang tatanungin, gray ang nakikita kong kulay.

''Simulan na natin.'' Panimula ni Calem at lumabas na ang kaniyang guardian na si Areus.

''Yay! Start na! Rhainix!'' Sigaw ni Xin, Rhainix! Iyon ang pangalan ng kaniyang guardian.

Maya maya, sa pagitan ni Xin ay lumindol at lumabas ang isang dambuhalang nilalang, ang balat nito ay umuusok at umaapoy, Fire?, hindi, hindi ito fire.

''Normal stone holder versus Rock stone holder!'' Sigaw ni Xin kay Calem, isa pala itong Rock guardian at ang pangalan ay Rhainix.

''Simulan ko na! Rise! Weather Ball!'' Sigaw ni Calem at lumikha si Areus ng isang bolang gawa sa hangin at tubig at ibinato kay Rhainix.

Walang kahirap-hirap na sinalag lamang ito ni Rhainix at mukhang hindi nasaktan, kitang kita sa mukha ni Calem ang pagkagulat.

''Ang lakas! Ang galing! Ako naman, Rhainix Rise!, Stone Edge!'' Sigaw ni Xin at nagpalutang si Rhainix ng mga batong matutulis ang dulo at ipinatama kay Areus, hindi ito nakailag at natamaan ito.

''Areus ayos ka lang?'' Nag aalalang tanong ni Calem.'' Ayos lang ako, huwag mo akong isipin.'' Sagot ni Areus.

''Ayos lang ako, huwag mo akong isipin, next move na.'' Sabi ni Areus, puno ng determinasyong manalo ito.

''Rise! Minimize!'' Sigaw ni Calem at si Areus ay biglang lumiit, kasing laki nito ang palad ni Calem.

''Woah! Ano iyon?, di dapat tayo patinag, Rise! Zen Headbutt!'' Sigaw ni Xin at akmang susugod na sana ito ngunit hindi niya ito natamaan dahil sa sobrang liit, kaya nakondena na ang atake ni Rhainix ay missed.

''Ngayon na! Areus! Full Mode!'' Sigaw ni Calem, full mode?, ano iyon?, hindi niya naman sinabi ang rise.

''Nagbago ang anyo ni Areus!'' Sigaw ni Eri at manghang mangha sa kaniyang mga nakikita.

''Kyo, ano yung Full Mode?'' Tanong ko kay Kyo, wala akong ideya sa mga nangyayari ngayon.

''Full Mode, isa itong ability na tanging ang mga guardian lang ang mayroon, nabubuksan nito ang pinakamalakas na enerhiya na mag gagrant kay Areus ng extreme speed, pure power attacks at ang kaniyang hidden power.''pagpapaliwanag sa akin ni Kyo, ganun pala ang full mode, ibig sabihin mas malakas pa si Milulun.

''Full mode?!, di ko alam iyon!, Rhainix Ris---'' di natuloy ni Xin ang kaniyang sasabihin nang biglang nakuryente ang kaniyang guardian.

''Rhainix?'' Takang tanong nito. ''Hindi pa siya lumilikha ng move niya, penalty ang kuryenteng iyon.'' Sabi ni Rhainix, dapat fair ang bawat isa.

''Areus! Rise! Octazooka!'' Sigaw ni Calem at naglikha si Areus ng malaking ring at napaligiran nito si Rhainix. ''Ilang segundo nalang.'' Dagdag ni Areus.

Naglaho ang bilog na nakapaligid kay Rhainix at biglang nagliwanag ang buong field, hindi maaari..

''Oy!, maglalaro na kami.'' Sabi ng lalaking may hawak na raketa.

''Tsk! Andun na ! Makikita ko na e!'' Pagmamakatol ni Calem dahil sa naudlot na paglalaban.''una kay Nuel dahil assistant niya, ngayon kay Xin at sa, at sa.'' Ayaw pa paawit ni Calem at hinahatak na ni Kyo palabas ng court.

''Maganda ang duel, ang sarap sa pakiramdam.'' Narinig namin na sabi ni Xin, habang naglalakad kami pabalik ng orphanage.

''Sama ka na sa amin para makasama ka sa mga duels.'' Sabi ni Calem, sabi mo lang iyon dahil ayaw mo siyang pumanig kay Bia, mautak kang bata ka.

''Ayoko.'' Tipid na sabi ni Xin, na ikinagulat naming apat.

''Huh?!, bakit naman?!'' Tanong ni Eri, ang mukha nito'y parang nalugi.

''Mayroon ako dapat gampanan dito sa orphanage, may mga bata, at natutuwa akong nakakasama mo sila.'' Sabi ni Xin sa amin, katanggap tanggap naman ang dahilan niya.

''Xin! Gutom na sila!'' Sigaw ng isang katrabaho niya, at kumakaway na.

''Paano ba iyan, Calem, Eri, Marie at Kyo, una na ako.'' Pagpapaalam ni Xin at umalis na.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon