--Calem--
Sabay sabay naming pinagmasdan ang mga guardians na naglalaho at nagsasama sama, naging isa itong bola at hinawakan ni Isla na at gunulong naman ito sa kaniyang palad.
"Ang Crimson Stone." sabi ni Isla.
Ang Crimson Stone pala ay kulay pula na katulad sa dugo, purong piro ang kulay nito.
"Paano nabuo ang Crimson Stone kung wala na ang Dark guardian?" tanong naman ni Ate Eri.
"Mayroon paring dark element ang bato, ngunit wala na ang nagmamay ari nito." sabi ni Isla at may ngiti sa kaniyang labi.
Nakakapagtaka at mukhang masayang masaya ngayon si Isla, maski naman siguro kami ay matutuwa din dahil tapos na ang mga masasamang pangyayaribsa tanan ng buhay namin.
"Magulo ang paligid, bago ako bunalik sa aking mundo ay aayusin ko muna ang lahat ng ito." sabi ni Isla.
Hinawi niya ang kaniyang mga kamay at sa mga lupang nasira ay may mga tumubong naglalakihang puno, ang nga nasirang mga gusali ay nabuo muli at ang mga daanang nasira ay tinubuan ng mga damo at naggagandahang bulaklak.
"Ito na ba ang huli nating pagkikitang lahat?" tanong ni Ate Eri kay Kyo. Teka? anong nangyari?
"Nagtataka ka ba Calem? inalis ko na ang spell sayo, malaya ka ng tawagin akong--" nahinto siya, "Kuya Kyo" sambit ko. Na ikinabigla sa mukha niya.
"Kahit wala pa yan ay ginagalang parin kita, tinuring kita na parang Kuya ko na kahit nag iisa lang ako." sabi ko sa kaniya , napangiti naman siya.
"Ako rin. Kahit ibang mundo ang kinalakihan nating dalawa ay napagkrus pa ang landas natin at ang turingan nating dalawa ay magkapatid, ikinagagalak kitang makilala Calem at nagpapasalamat ako na nakilala kita, Calem." sabi sa akin ni Kuya Kyo, ang mga katagang iyon ay tagos sa laman, at tatandaan ko ang nga salita niyang iyon.
"Nagpapasalamat akong lahat sa inyo, stone holders, mga tao na nag alaga sa mga bato at mga Guardians." sabi ni Isla.
"Hanggang sa muli" huli niyang sinabi at lumutang siya, naglaho na siya sa aming paningin dala dala ang Crimson Stone.
"Hindi na ako magtatagal pa, marami pa akong dapat ayusin sa Excalibur." sabi ni Kuya Kyo.
May kinuha siyang bato at ibinato iyon sa kalangitan, nagbukas ang isang malaking portal, pumasok siya roon at iwinagayway ang kamay bilang pamamaalam.
Naglaho narin ang ibang mga stone holders at nagsibalikan na sa kanilang mga lugar, tanging kami na lamang nila Ate Eri, Marie, Ren, Lin at Nuel.
"Magkikita parin naman tayo diba?" tanong ni Ren.
"Oo naman! magkakalapit labg tayo isa pa, iisang lugar lang tayo, bakit hindi?" sabi naman ni Ate Eri.
"Mauuna na ako sa inyo."/sabi naman ni Kuya Nuel. " Kami rin." sabi naman ni Lin at hinatak palayo si Ren.
"Ako---" uuwi na sana si Marie nang bigla siyang pigilan ni Ate Eri. "Mamaya ka na umuwi! Aga aga pa oh! kain tayo! doon!" sabi naman ni Ate Eri at wala nang nagawa ito kundi sumama nalang.
Sabay sabay kaming naglakad patungo sa aming pupuntahan, maraming napakasayang bagay ang nangyari sa buhay ko, buhay namin. Ngayon ay sisimulan ko muli ang panibagong paglalakbay patungo sa ibat ibang pagsubok,
Handa na ako.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...