--Ren--
''Natalo? Ako? Paano?'' Tanong ni Calem sa kaniyang sarili.
''Hay!'' Sigaw ni Lin at naguunat ito. ''Pagod na si Linlin kaya magpapahinga na siya.'' Sabi naman ni Electo.
Hinatak ni Calem ang kamay ni Lin kaya napatingin ito sa kaniya.
''Ah!, masakit! Aray!'' Sigaw niya, ngunit ayaw niya parin itong bitawan.
''Calem!'' Hawak hawak na ito ni Kuya Kyo, at ayaw parin nito mag paawat.
''Light Ball!'' Sigaw ni Electo at nagbato ng isang maliit na bolang gawa sa kuryente at ibinato sa kaniya kaya nabitawan nito ang kamay ni Lin.
''Lin! Ayos ka lang?'' Nag aalalang tanong ko, nagkapasa ang kamay nito.
''Oo ayos lang ako.'' Sabi ni Lin at hinimas himas ang kamay nito.
''Sabihin mo sa akin! Sabihin mo sa akin! Paano mo nagawa iyon! Ako, ginawa ko ang lahat sa laban natin! Pero ikaw! Paano?! Paano?!'' Sigaw ni Calem, paulit ulit niyang sinasabi ang paano, kaya nakaramdam napg takot si Lin at hinawakan ang kamay ko.
Lalapit pa sana ito kay Lin nang biglang humarang si Kuya Kyo sa kaniyang dinaraanan, kaya nagkatinginan silang dalawa.
''Tabi!'' Sigaw ni Calem, parang kinalimutan niya nang Kuya nito si Kuya Kyo.
''Ta----'' hindi na natuloy ni Calem ang kaniyang sasabihin nang bigla siyang suntukin ni Kuya Kyo sa tiyan kaya nawalan ito ng malay.
Tahimik lang naming pinagmasdan ang ginawa ni Kuya Kyo, binuhat niya si Calem at inihiga sa isang sofa, kinuha niya ang normal stone kay Calem.
''Kyo, bakit?'' Tanong ni Ate Eri.
''Hindi yata matanggap ni Calem ang kaniyang pagkatalo at ganoon na lamang ang aksyon niya kay Lin kaya Lin, pasensya na sa nagawa ni Calem sayo.'' Paghingi ng tawad ni Kuya Kyo kay Lin kaya natango na lamang ito.
''Hindi ko na inaasahan ang nangyari kaya naiintindihan ko.'' Sabi ni Lin habang binabalutan ni Ate Eri ang kamay nito.
''Ako na muna magbabantay kay Calem, kakausapin ko siya.'' Sabi ni Kuya Kyo.
Nagtungo kaming tatlo sa isang tahimik na lugar at nagsindi si Lin ng apoy at naupo kami sa paligid nito, pinalabas ni Ate Eri si Aquos at ako nama'y pinalabas ko si Piriluk, tahimik na pinagmamasdan ng Water at Psychic guardian si Electo.
''B-bakit ganyan kayo makatingin?'' Tanong ni Electo na ikinatuwa ko.
''Wala.'' Tipid na sagot ni Piriluk.
Umkwas ng tingin si Electo at umalis, dahan dahn naman siyang sinundan nila Aquos at Piriluk.
''Huwag nyo akong susundan.'' Sabi ni Electo, ngunit parang walang narinig ang dalawa.
Nahihilo na ang mata namin kakatingin sa kanila, paikot ikot kasi sa likod namin ang tatlo. Nagtawanan nalang din kami.
''Ahh, Lin, paano mo nalaman ang duel?'' Tanong ni Ate Eri kay Lin.
''Ahh, si Electo ang nagturo sa akin, pinaliwanag niya sa amin ang lahat.'' Sabi naman ni Lin.
Nakita namin pinagpapasahan ni Piriluk at Aquos si Electo na parang bola.
''At sino naman po ang nakalaban niyo?'' Tanong ko.
''Ahh si....teka sino ba yun? Hindi ko matandaan e.'' Naguguluhang sagot ni Lin at napakamot ng ulo, gayun nalang din ang nagawa namin.
''Time-out! Time-out!'' Sigaw ni Electo, nakita naman namin si Piriluk at Aquos na tawa ng tawa.
''Mukhang naenjoy nyo yan.'' Sabi naman ni Ate Eri sa tatlo.
''Hindi ko talaga matandaan, irerecall ko muna ha, kayo naman magkuwento.'' Sabi sa amin ni Lin.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...