Chapter 31: Four Months Later

41 5 1
                                    

--Marie--

Mahigit apat na buwan akong naninirahan na rito sa ospital, hanggang ngayon ay hindi ako makalabas dahil sa isang balitang aking natanggap mula sa doktor.

FLASHBACK

"Ms. Marie?'' Tanong ng isang doktor sa aking harapan.

''Ano pong nangyari?'' Tanong ko sa doktor.

''Ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na ang mga pinsala na natamo ng iyong binti ay malubha, ginawa na namin ang lahat, pero humihingi ako ng tawad.'' Tila nabingi ako sa sinabi sa akin ng doktor.

''Hindi kana makakalakad.''

Nang marinig ko iyon, halos gusto kong bumuka ng ang aking kinalalagyan at mahulog nalang.

END OF FLASHBACK

''Marie.'' Pagtawag ni Milulun sa akin.

Hindi ko sya oinapansin at madalas nakatingin langbsa bintana at pinagmamasdan ang mga batang masayang nagtatakbuhan at naglalaro sa labas ng ospital.

''Marie, kailangan ko nang gawin sayo ito.'' Sabi sa akin ni Milulun, nagtaka ako kaya napatingin ako sa kaniya.

''A-anong ibig mong sabihin?'' Tanong ko sa kaniya.

''Ipapangako mo sa akin na mag iingat ka, isasakripisyo ko ang buhay ko bilang isang guardian upang ikaw ay makalakad.'' Sabi nya sa akin ng mahinahon.

''H-hinde! Hindi ako makakapayag sa gusto mo! Ayos lang sa akin mawalan ng abikidad na makalakad! Wag lang mawala ang partner ko!'' Sigaw ko sa kaniya.

''Magiingat ka.'' Yun ang sagot niya sa akin.

Aabutin ko sana sya ngunit nadapa ako sa sahig, naglalaho na si Milulun, patuloy ang pag iyak ko habang sinisuntok ang sahig.

Patuloy lang ang aking pag iyak, nawalan na naman ako ng kaibigan, nahiwalay na ako kila Calem, Eri at Kyo, di ako makapaniwala na pati si Milulun, ang guardian ko ay iiwan ako.

Mayamaya'y nakita ko ang liwanag na kukay violet, nakita ko ito sa aking binti, at tila parang may mga kuryente ang bumabalot sa aking mga binti.

Iginalaw ko ito at himalang nakatayo ako.

''Pangako Milulun, magiingat ako sa mga desisyon na gagawin ko.'' Bulong ko at maya maya'y may isang sulat na lumitaw sa aking harapan.

Isang sulat na hindi ko maintindihan, kuniha ko ito, mukhang sukat ito galing kay Milulun.

Nakaramdam ako ng lakas, isang hindi pangkaraniwang lakas, aksidente kong nasipa ang aking hospital bed at laking gulat ko nang tumalsik ito sa pader, tumunog ang alarm. Hindi ko alam ang aking gagawin at nakita ko ang bintana, binuksan ko ito, nararamdaman ko na ang mga yapak paakyat sa aking kwarto ngunit dapat magtiwala ako sa aking sarili na kaya ko itong gawin.

Pumipihit na ang pinto, hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, tumalon na ako sa gusali.

Hindi ko mapgilan ang aking pagsigaw habang pababa ako sa gusali, at nagulat nalang ako nang malaman ko na nasa ibaba na pala ko, hindi ako makapaniwala na natalong ko ang ika siyam na palapag ng ospital.

Tumakbo ako palayo sa ospital nang na mas mabilis pa sa mga rumerespondeng ambulanysa.

''Pangako, Milulun.''

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon