Chapter 6: Facing Darkness

194 16 2
                                    

--Eri--

''Bia.'' Nasambit ko sa babaeng nasa aming harapan.

Si Bia ang Dark stone holder, at siya lang naman ang may dahilan kung bakit nawasak ang Crimson $Stone, kaya siguro siya narito upang mapasakaniya ang bato na naririto sa templo.

''Lubayan mo na ang lugar ma ito ngayon din!'' Sigaw ko sa kaniya, tumawa lang siya.

''Lulubayan?, saka ko lang ito lulubayan kapag nakuha ko na ang pakay ko sa lugar na ito.'' Sabi niya at nagpalinga linga sa paligid.

Inilabas niya na ang Dark stone, alam kong may masama siyang balak, kailangan kong malaman iyon kaya nilabas ko narin ang Water stone.

''Aquos!'' Sigaw ko at agad namang lumabas si Aquos mula sa bato.

''Aquos?, i see. Guardian eh?, hahahah! Deimata!'' Nang masambit niya ang oangalang iyon ay kaagad may lumabas na figura mula sa Dark stone at hindi ako nagkakamali, iyon ang dark guardian.

''Deimata, atakihin siya!'' Utos ni Bia.'' As you wish.'' Sagot ni Deimata bilang pagtigon rito.

Naglabas ng isang water sphere si Aquos at itinira ito kila Bia, ngunit nakailag sila, naglabas naman ng dark sphere si Deimata at natamaan si Aquos, malubha siyang nasugatan. Hindi pa ito nakungtento, kinagat ni Deimata sa may bandang leeg si Aquos at ibinalibag ito papunta sa kung saan ako nakatayo.

''Aquos!'' Sigaw ko habang palapit sa sugatang guardian.

''Ako na ang bahala sa kaniya.'' Sabi ni Kyo at sinimulang gamutin ang mga sugat ni Aquos.

''Masyadong malakas ang dark power, Eri.'' Sabi ni Aquos sa akin habang hinang hina ito.

''Iyan lang ang kaya mo, water guardian?, ang hina naman!'' Sambit ni Bia habang patuloy ang oagtawa nito.

--Calem--

Malubhang nasugatan si Aquos sa ginawang pag atake ni Bia, patuloy ang pagtawa nito at nahinto ito nang tumingin siya sa akin.

''Ibigay mo na ang batong hawak mo sa akin kungbayaw mong masaktan.'' Sabi ni Bia ng mahinahon at nakalapt ang kaniyang kamay.

''Hindi ako papayag, hinding hindi ko ibibigay ang batong ito sa mga taong katulad mo!'' Sigaw ko sa kaniya.

''Pwes! Deimata! Iligpit na iyan!'' Utos ni Bia kay Deimata.

Hindi na nagpaligoy ligoy ang Dark guardian at sinugod ako direkta, wala akong magawa dahil wala akong laban, hindi ko alam kung paano gamitin ang batong nasa aking kamay, malubhang nasugatan si Aquos, ginagamot naman ito ni Kuya Kyo. Ako nalang ang nananatiling nakatayo.

Malapit na siya, naglabas siya ng dark sphere mula sa kaniyang bibig at ito'y papunta sa akin, wala na akong magawa kaya naipikit ko nalang ang aking mga mata.

Napansin kong parang wala akong naramdaman, ni hindi ko napansin na may tumama sa akin kaya naisipan ko nang idilat ang aking mga mata, nagulat ako sa aking nakita.

''Calem! Ang guardian!'' Sigaw ni Ate Eri habang manghang mangha sa kaniyang mga nakikita.

Lumabas ang guardian mula sa bato, ang Normal guardian na kasalukuyang sinasalag ang ginawang pag atake ni Deimata.

''Areus, hindi maaari! Deimata! Umalis na tayo dito!'' Sigaw ni Bia at maya maya'y naglaho silang dalawa na parang bula.

Areus?, iyon yata ang pangalan ng Normal guardian, kulay puti ito at parang isang ulap na lumulutang at nakangiti sa akin.

''Areus, Normal guardian.'' Sambit ni Kuya Kyo sa nilalang na lumulutang sa aming harapan.

''Tama, huh?, Aquos?'' Tanong ni Areus kay Aquos na kasalukuyang nakahandusay parin sa sahig.

Lumapit si Areus kay Aquos at tinitigan ang kalagayan nito ng ilang minuto, maya maya'y umulan ng pagkalakas lakas dahilan upang sumilong kami sa templo.

Nakita naming nag iiba ang anyo ni Areus, nagiging kulay asul ito at nagliliwanag, maya maya'y tumayo si Aquos at napatingin kay Ate Eri.

''Magaling na ako.'' Sabi ni Aquos kay Ate Eri.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon