Chapter 19: That Gray World

206 9 0
                                    

--Eri--

Matapos magpakita ang misteryosong babae sa amin kasam si Bia, hanggang ngayon ay hindi pa namin alan kung nasaan si Marie, mahigit sampung oras na kaming naghahanap.

''Marie!'' Nanghihinang sigaw ko, nang pabagsak na ako, mabuti naman ay nasalo ako ni Kyo.

''Ipagpatuloy natin ang ating paghahanap sa inyong kaibigan bukas dahil malapit nang kumagat ang dilim.'' Sabi ng isang opisyal malapit sa amin, hindi ako susuko.

''Hindi pwede!, hindi nga natin alam kung anong kalagayan niya ngayon tapos ipagbpapabukas pa ang paghahanap?! Anong klaseng mga tao kayo?!'' Sigaw ko sa kaniya, napayuko nalang ito.

''Granitio.'' Sabi ni Yosh, biglang lumitaw si Granitio at nagliwanag ang mga mata nito, na siyang nagbigay ng ilaw sa buong paligid.

''S-saan, nanggaling ang liwanag na iyon?'' Nauutal na tanong ng isang opisyal at hinahanap ang pjnagmulan ng liwanag.

Tamging kami lang ang mga nakakakita ng guardians.

''Teka?, ano iyon?, may gumagalaw banda roon!'' Sigaw ng kasamahan ni Yosh sabay turo roon sa bandang kaliwa.

Nakita namin si Milulun, at binubuhat ang isang malaking debris na dahilan kung bakit sila natrap, nagtakbuhan naman ang iba at binuhat nila sabay sabay ang mahabang bakal na iyon, nang matagumap nang maalis iyon, si Milulun ay bumalik na sa loob ng bato na hawak ni Marie.

Nailagay na ang walang malay na si Marie sa isang stretcher at itinakbo sa ospital.

''Si Marie ang pinakahuling nakita sa site na ito, matapos ang sampung oras na paghahanap.'' Sabi ni Yosh, lahat kami ay nakahing ng malalim, salamat naman ay walang nasawi sa mga tao.

''Hali muna kayo sa apartment ko.'' Pagaaya ni Yosh sa amin, tutal wala naman kaming matutuluyan kaya pumayag na kami.

''Huwag kang mag alala Eri, oaggising natin bukas nang umaga ay magtutungo agad tayo sa ospital kung nasaan si Marie.'' Sabi ni Kyo sa akin at tinapik ang balikat ko.

Naglakad lang kami ng kaunti at nakarating kami sa apartment ni Yosh, ,ay kalakihan rin ito, at may dalawang kwarto, nagluto siya nang makakain samantalang kami ay tumlong na sa mga gawaing bahay.

''Yosh?, kailan ka naging isang steel stone holder?'' Tanong ni Kyo kay Yosh.

''Ahh, hindi ko na matandaan kung anong araw iyon, nadiskubre ko siya sa isang meteor crash site malapit lang din sa pinagtatrabahuan ko.'' Sabi ni Yosh.

--Yosh--

FLASHBACK

''May isang aksidente daw sa poste ng telepono, may isang bagay na kung ano ay tumama roon, kailangan na nating rumesponde!'' Sigaw ng katrabaho ko sa akin, nagtungo na kami agad kung saan nangyari ang trahedyang iyon.

Nadatnan namin ang mga nagtumbahang mga poste at mga nagkalat na kable ng kuryente kung saan, dahil dalawa lang kami ng katrabaho ko ang puwede roon ay nagsimula na kaming kumilos.

Maya maya'y pinatawag ang aking kaibigan sa opisina kaya ako ang naiwan sa scene.

''Psst..''

''Psst..''

''Psst..''

Isang sipol ang aking narinig, hindi kaya may natrap dito?!

''Nasaan ka?!'' Sigaw ko, ngunit wala na akong narinig.

May nakita akong isang maliit na burol na nagliliwanag, baka naman hindi na siya makapagsalita at pinailaw na niya ang cellphone niya, tumakbo na ako agad kung nasaan siya.

Binunat ko ang mga malalaking bato at nang maalis ko na, wala akong nakitang cellphone at wala ring katawan, kundi isang bilog na batong kulay gray, nagliliwanag ito.

Hinawakan ko ito, nang mahawakan ko ito, nakaramdam ako ng isang enerhiyang pilit pumapasok sa aking katawan, sa  sobrang lakas nito, nawalan ako ng malay.

Nagising ako, nasa isang di pamilyar na lugar. Nakahiga ako, ang buong paligid ay walang kulay, hindi ko ito maipaliwanag.

''Ikaw.'' Sabi ng isang boses.

Paglingon ko, osang dambuhalang nilalang ang nakatingin sa akin ng diretso.

''Aaaaaaaahhhhhh!'' Sigaw ko at tumakbo.

Patuloy akong tumakbo at pansin kong nasa likod niya ako, at napansin ko rin walang katapusan ang daan na ito.

''Huwag kang matakot bata.'' Kinakausap niya ako, nakatingin supiya sa akin ng diretso.

''S-sino ka?'' Nauutal na tanong ko sa kaniya.

''Ako si Granitio, ikinagagalak kitang makilala dahil sa aking kasipagan mo.'' Sabi niya sa akin.

Hindi na ako nakapagsalita muli anng bigla akong nawalan ng malay, at paggising ko, nasa ospital na ako, at nakita ko ang bato na hawak ko nang mahigpit.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon