Chapter 22: Battle Between Worlds

158 12 1
                                    

--Eri--

''Kung magsasanib pwersa tayong dalawa, ikaw at ako at ang Dark at Water. Matutupad ang mga minimithi natin.'' Natutuwang sambit ni Bia nang paulit-ulit, halatang kontrolado lamang siya ng Dark Guardian.

''Wala nang problema kung maglalaban tayo, Bia. Kung sabunutan, mas ayos pa!'' Sigaw ko sa kaniya, may naisip akong plano. At alam kong gagawin niya nanaman ang assassinate na tanging ang Dark guardian lang ang nakakagawa.

''Dei---'' di ko na pinatapos ang sasabihin niya nang sumingit ako. ''OPEN!'' Sigaw ko, at ang paligid ay naging makulay, ang asul at itim ay naglalaban.

Bumukas ang open field, kami ni Bia ay magduduel, tignan natin kung gaano ka kalakas Dark stone holder.

''Ohhh!, duel!, hanggang sa huli dapat Eri humihinga ka pa! Hahahaha!'' Sabi ni Bia.

Ilang segundo lang ang nakalipas ay lumabas na ang mga letra, nakahanda naring umatake si Aquos at Bia at Deimata ay seryoso lang na nakatingin sa amin.

''RISE! Aquos, Surf!'' Sigaw ko at si Aquos ay naglikha ng higanteng alon at itinira ito kay Deimata.

Nakaiwas naman si Deimata sa atake, at nakangiti lang si Bia.

''Ako naman, Rise! Deimata, Pursuit!'' Sigaw niya, pero napansin kong parang hindi man lang siya kumilos.

''Aquos! Rise!, Muddy Water!'' Sigaw ko, ngunit bago niya pa man matira iyon ay bumagsak na siya sa lupa.'' Aquos! Bakit?!'' Nag aalalang tanong ko, at napatingin ako kay Bia, nakangisi lang ito.

''Pursuit, isang atake kung saan umeepekto kapag tumira ang kalaban sa ikalawang beses ng oag atake nito.'' Sabi ni Bia, nautakan niya ako.

--Calem--

''Papa! Papa!'' Sigaw ko sa kanila, hinahabol ko sila paakyat sa isang hagdanan at oansin kong parang hindi nauubos ang mga baitang nito.

May nakita ako sa isang bintana, isang babaeng maiksi na kulot ang buhok, kilala ko siya! Siya ang babaeng nakasama ni Bia!

''Hoy!'' Sigaw ko, napahinto ako sa pagtakbo at ang paligid ay nag iba, isang lugar na puro salamin.

Tumakbo ako muli ngunit parang wala itong katapusan. Sa bandang dulo ay may nakta kong isang lalaking nakatalikod at kilala ko siya, si Nuel iyon.

''Nuel!'' Sigaw ko ngunit hindi siya lumilingon.

Lalapitan ko na sana siya nang biglang lumitaw si Areus sa harapan ko.

''Nakakalimutan mo na ba ang sinabi ni Sufire, ang lahat ng ito ay ilusyon lang.'' Sabi niya, nalimutan ko na iyon, nadala ako ng emosyon ko.

''Tulungan mo ako.'' Sabi ko kay Areus.

''Hihingi ako ng permisyon sayo uoang gawin ito, kailangan kong mag assassinate.'' Sabi niya. Napatango nalang ako bilang pagpayag.

''Refresh!'' Sigaw ni Areus at nag iba ang paligid, nagbalik kami sa mansyon ni Ren, nakita ko si Ate Eri at Kuya Kyo at si Bia na nakapikit, at mukhang nag duduel sila.

''Naglalaban kasalukuyan sila Eri at Bia, magandang hanapin na natin si Ren at ang Guardian niya.'' Sabi ni Areus kaya lumabas na kami ng kwarto.

Paglabas namin, ang mga kagamitan ng bahay ay lumulutang, nakita namin ang katulong ni Ren na tulala sa isang tabi.

''Nandito lang sa lugar na ito ang Psychic Guardian.'' Sabi ni Areus.

--Kyo--

''Ano na kayang ginagawa ni Piriluk ngayon?'' Sabi ni Bia, habang nakangiti sa nanghihinang si Aquos.

''Aquos! Rise! Aqua Sphere!'' Sigaw ni Eri ngunit kapag lumilikha si Aquos ng atake ay nauudlot ito, dahil hanggang ngayon ay nasa ilalim parin siya ng kapangyarihan ni Deimata na Pursuit.

Nasaan na ba kasi Calem, ano na ba nangyari sa kaniya?

''Piriluk, enjoy mo lang ang pakikipaglaro mo sa Normal stone holder.'' Narinig kong sabi ni Bia.

Parang may pumasok na idea sa isip ko, ang Dark guardian ay kayang kumontrol ng oag iisip ng iba, hindi kaya, kinikontrol niya ngayon ang pag iisip ng Psychic Guardian at inutusan niya itong kontrolin ang stone holder nya?, tama! Nabilog ng Dark Guardian ang Psychic Guardian. At gunagawa niyang instrumento sa mga masasamang bagay si Ren.

''Konti nalang makukuha ko na ang gusto ko, akin na, ang bato, Eri.'' Sabi ni Bia at papalapit si Deimata sa walang labang si Eri.

''Lumayo ka sa akin!'' Sigaw ni Eri habang tinataboy si Deimata, hindi ko siya matulungan dahil isa lamang akong protector, hindi ako pwedeng tumapak sa open field.

--Calem--

''Alam ko na! Areus! Pasabugin mo ang mansyong ito!'' Utos ko kay Areus.

Naglikha siya nakasisilaw na liwanag at isang malaking pagsabog ang aking narinig, ang liwanag masyado ng ilaw, inaayos ng aking paningin ang paligid. At nang luminaw.

''Ayun sya, ang Psychic Guardian.'' Sabi ni Areus sabay turo sa isang lumulutang na nilalang, ang Psychic Guardian ay walang emosyong nakatingin sa amin.

''OPEN!'' Sigaw ng isang babae at nagliwanag ang buong paligid.

Andito kami ngayon sa isang open field, nakikita ko ang kukay pink na aura sa Psychic Guardian at ang isang babae, siya ang nakita ko kanina, si Ren.

''Piriluk, Rise. Lucky Chant.'' Walang emosyong sabi ni Ren at si Piriluk ay naglabas ng isang nakakatakot na ingay na umalingawngaw sa buong paligid.

''Calem!''

''Calem!''

''Hindi ako yan!''

Isang bises ang aking narinig, isang boses ng babae na nagsasabi hindi ako yan, hindi kaya si Ren iyon.

''Narinig ko rin iyon Calem, nakakulong siya sa isang panaginip.'' Sabi ni Areus.

''Areus! Rise! Full Mode!'' Sigaw ko at nag iba ng anyo si Areus.

''Piriluk, Full Mode.'' Mahinahon ding sabi ni Ren at nag uba ang itsura ni Piriluk, mula sa maliit na nilalang hanggang sa naging isang malaking lumulutang na may usok na kulay pink sa kaniyang ulo.

''Calem.'' Isang boses ang bumulong sa akin.

''Ang Ren na kaharap mo ay ilusyon lang na ginawa ni Piriluk na nasa ilalim ng kapangyarihan ni Deimata. Talunin mo siya, at para makawala ako sa kapangyarihan niya.'' Sabi ng boses, ang kumakausap yata sa akin ay ang tunay na Ren.

''Piriluk. Psychic '' walang emosyong sabi ni Ren.

''Calem! Panangga! Iyan ang pinakamalakas na kapangyarihan ni Piriluk!'' Sigaw ni Areus at nakabalik na ako sa realidad.

Naglabas ng nakakatakot na aura si Piriluk at mabagal na lumalapit ito kay Areus.

''Areus! Rise! Defense Curl!'' Nang masabi ko iyon ay agad kumilos si Areus, pinaliit niya ang kaniyang sarili at matagumpay na nasangga ang atake ni Piriluk.

''Imposible!'' Sigaw ni Piriluk.

''Posible.'' Sabi naman ni Areus.

''Para sa kataousan nang laban na ito! Areus! Rise! White Hope!'' Sigaw ko, White Hope, ang pinakamalakas na atake ng Normal Guardian, isang nakakabulag na liwanag ang umatake kay Piriluk, dahilan upang mabasag ang open field at nabalik kami sa loob ng mansyon, ang babaeng nasa aking harapin ay nag iba ng anyo, humaba na ang buhok at si Ren ito, ang tunay na Ren.

''Sabi ko sayo e.'' Yun na lamang ang nasabi ni Ren nang bigla itong mawalan ng malay.

Si Piriluk naman ay may inilalabas, isang itim na usok sa kaniyang bibig, at nagising narin ito, alalang kinakalabit si Ren, ang kaniyang Stone holder.

--Kyo--

''Ahhhhh!'' Sigaw ni Deimata at napahawak sa ulo nito. Ang buong open field ay nagdidilim, at nabalik kami sa loob ng mansyon, si Bia ay nakita naming hinahatak ng isang anino pailalim.

''Tulong!'' Sigaw ni Bia, ito yata ang tunay na Bia, kukunin ko sana ang kamay nya ngunit huli na, nakuha muli siya ng itim na nilalang.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon