Chapter 29: Revelation

124 9 2
                                    

--Calem--

Andito kami, naglalakad at pauwi sa amin kasama si Kuya Kyo, napagdesisyunan namin na kaniya kaniya muna kaming umuwi sa aming mga tahanan upang magpahinga mula sa napakahabang paglalakbay patungo sa paghahanap ng iba pang mga stone holders.

Nakarating na kami sa aming bahay at binuksan ang pinto, bumungad sa amin si Mama at niyakap kami, naghanda siya ng makakain at sabay sabay kaming kumain.

''Ma, nasaan po si Papa?'' tanong ko kay Mama, hindi ko kasi nakita si Papa.

''Andun sa taas, pahinga na lang daw muna siya, tapos na siapyang kumain, huwag ka na mag alala, ang mahalaga ay makapagpahinga kayo ni Kuya mo.'' pagpapaliwanag ni Mama.

Napatango na lamang ako bilang pagsagot at nang matapos na kaming kumain ay nagtungo na kaming dalawa ni Kuya Kyo sa aming kwarto.

''Ano na kayang susunod na mangyayari?'' tanong ni Kuya Kyo.

''Hindi ko alam, mas mabuti na muna siguro na dumito ako sa bahay, dahil ilang araw din tayong nawala, Kuya.'' sabi ko sa kaniya.

Pinatay na namin ang ilaw at nagsimula nang magpahinga.

Nagising ako sa isang ilaw, at yapak ng mga paa, na nanggagaling sa labas ng aming kwarto, lumingon ako kay Kuya Kyo, mahimbing ang tulog nito, kaya ako nalang mag isa ang bumangon.

Lumabas ako ng kwarto at nakita kong nakabukas ang ilaw sa may sala.

Bumaba ako at nakita ko si Papa na nakaupo sa sofa at umiinom ng kape.

''Calem, bakkt gising kapa?'' tanong niya sa akin, ang laki ng pinagbago ni Papa, ang laki ng pinagbago nito.

''Nagising po ako, naalimpungatan.'' sabi ko nalang, hindi ako makaisip ng idadahilan ko.

''Ahh, kamusta na Areus?'' biglang tanong ni Papa at hindi ko inaasahan ang susunod na mangyayari.

Lumabas sa bato si Areus at naupo sa lap ni Papa, hinimas himas ito ni Papa at nakangiting napatingin sa akin.

''Isa kang mabuting stone holder, Calem.'' sabi sa akin ni Papa.

''I-isa kang?!'' pasigaw na tanong ko.

Lumabas si Kuya Kyo at nabigla din sa nakita, nilabas niya ang kaniyang staff at itinutok ito kay Papa, nagpatunig lang ng mga daliri si Papa at ang hawak na armas ni Kuya Kyo ay naglaho kasama ang mga usok.

''Kailangan mo pa ng ensayo, Scribe.'' sabi sa kaniya ni Papa, scribe? ano iyon.

''Tinawag mo akong scribe, tama ka, isa akong scribe, maaari mo bang sabihin sa akin kung anong class ka? isa kang protector gaya ko tama ba?'' tanong ni Kuya Kyo.

''Ganyan ba makipag usap ang isang Scribe sa mas mataas sa kaniya?, sasagutin ko ang tanong mo, tama ka, isa akong protector gaya mo at ako ay isang Catharsis.'' sabi ni Papa, nabubulol na ako sa mga naririnig ko.

Nanlaki naman ang mga mata ni Kuya Kyo, at lumuhod ito sa harap ni Papa.

''Ipagpaumanhin niyo po ang aking ginawa, ipinapangako ko po ito na hindi na iyon mauulit.'' sabi ni Kuya Kyo.

''Pa, ano ba ang nangyayari dito?'' naguguluhang tanong ko kay Papa.

''Saka ko nalang ipapaliwanag ang lahat ng ito kapag nagtipon tipon na ang mga nagnanais marinig ang aking kwento.'' sabi sa akin ni Papa, ang tinutukoy niya ay ang mga stone holders.

''Bakit bigla kang naglaho sa palasyo?'' tanong ni Kuya Kyo kay Papa, nanahimik na lamang ako.

Tinuro ako ni Papa at agad namang naintindihan ni Kyo Kyo ang ibig sabihin, katahimikan ang nangibabaw sa akin, gulong gulo ako sa mga nangyayari.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon