--Eri--
Nagloko bigla ang tiyan ko doon sa ininom kong tsaa kaya nagpaalam mjna ako sa kanilang upang makagamit ng banyo, ang sakit ng tiyan ko.
Dumiretso ako sa sink at hindi ko inaasahan na maisusuka ko ang nainom ko, naghilamos na ako at babalik na sana ako nang maya biglang nagsalita.
''Eri, huwag kang lalabas.'' Boses ni Aquos na bumubulong sa akin.
''Aquos, ano ang ibig mong sabihin?'' Tanong ko kay Aquos.
''May masamang mangyayari kapag lumabas ka.'' Sabi niya sa akin.
''Si Calem, si Kyo, anong nangyari sa kanila?'' Nanginginig na tanong ko kay Aquos, ano bang nangyayari sa labas.
''Sa ngayon ay hindi ko alam, hindi ko nararamdaman ang mga isipan nila, wala akong nadedetek na waves.'' Sabi ni Aquos. Kinakabahan na ako.
''Mayroon bang stone holder?'' Isang tanong na biglang lumabas sa aking bibig.
''Tama Eri, hindi natin alam kung ano ang ginawa ng stone holder na iyon kila Kyo at Calem, kailangan mag doble ingat tayong dalawa anuman ang mangyayari paglabas mo.'' Sabi niya.
''Kaya mo bang alamin kung anong klaseng stone ang nasa kaniya? Ano ba siya?, wag mong sabihing..'' nauutal na tanong ko sa kaniya, sana mali ang iniisip ko.
''Si Marie iyon, Eri, hindi ko matukoy kung anong bato ang hawak niya, pero may naaninag akong kulay mula sa aking pangitain, kulay violet ito.'' Pagpapaliwanag niya sa akin, hindi ko akalain na si Marie ay isang stone holder.
Matapos kong makipag usap kay Aquos ay mabagal kong inihit ang doorknob at dahan dahang lumabas, ang tahimik ng buong bahay, hindi ko naririnig ang pag uusap nila.
Dahan dahan akong dumiretso sa sala, nakita ko sila Calem at Kyo na walang malay na nakatali sa upuan, samantalang si Marie naman ay nakangiti habang pinapanuod ang dalawa, anong gagawin ko?
''Eri, kailangan nating lumaban.'' Bulong ni aquos sa akin.
Di ko nansin na nasa harapan ko na si Marie na nakangiti ng nakakatakot, nakaramdam ako ng kilabot sa mga ngiti, hindi ko alam ang mangyayari sa akin pagkatapos nito. Kinakabahan ako, nakakatakot siya.
''Eri, andito ka lang pala, naramdaman pala ng guardian mo. Mahusay.'' Mahinahong sambit ni Marie habang nakaharap parin sa akin.
Patuloy siyang lumalapit sa akin habang ako ay paatras ng paatras, nangangatog ako.
''Eri, oras na.'' Bulong ni Aquos sa aking isip.
''Anong oras na?'' Tanong ko.
''Wala ka nang ibang magagawa pa, kundi ang labanan siya.'' Sagot ni Aquos.
''May problema ba Eri, anung minumurmur mo dyan, natatakot ka ba sa akin?, natatakot ka ba sa kahahantungan nito?'' Mahinahon muling tanong ni Marie, hindi dapat ako matakot, gagawin ko na ito.
''Tch!, masyadong hindi lang nagiingat ang dalawang iyon.'' Sabi ko at humarap sa kaniya, nakangiti parin sya.
''Mukha nga, hindi nila alam, nalason na pala sila. Buti napansin mo iyon.'' Sabi ni Marie, nilason niya pala sila Calem! Kaya sila walang malay.
''Pagbabayaran mo to, OPEN!'' Sigaw ko at nagliwanag ang buong paligid.
Idinilat ko ang aking mata at narito kaming dalawa sa open field, nakatayo ako sa kulay asul samantalang si Marie naman ay napapligiran ng kulay violet na aura.
''Duel, niyaya mo ba ako sa isang duel water stone holder?!, pwes!, magbabayad ka! Matitikman mo ang magsik ng poison stone holder!'' Sigaw sa akin ni Marie, nagiba siya, mula sa mahinahong Eri hanggang sa nakakatakot ito, hindi siya ang Marie na nakilala ko kani kanina lang.
''Eri, maghanda ka.'' Dabi ni Aquos.
Maya maya'y may lumitaw nang mga letra sa aking harapan, gayun din kay Marie, hindi ko nakikita ang kaniyang guardian.
''Ako na ang mauuna.'' Sabi ko at namimili ng letra, hindi ako makapili dahil hindi ako makaisip ng gagawin kong pag atake.
''Eri, kaya mo yan, magisip ka ng isang salita na ginagamitan ng tubig, alam kong kaya mo yan.'' Sabi ni Aquos sa akin.
''Ang bagal naman!, Milulun! RIse!'' Sigaw ni Marie at biglang luamabas ang kaniyang guardian, naglabas ito ng violet aura.''Sludge Bomb!'' Sigaw ni Marie at naglabas ang kaniyang guardian ng isang itim na likido at iyinira ito kay Aquos, hindi ito nasangga ni Aquos kaya't malaki ang pinsala ng natamo nito.
''Aquos!, ahm ano..'' nauutak na sabi ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.
''Eri, kailangan mong maging seryoso, huwag kang matakot.'' Sabi ni Aquos sa akin.
''Oy! Oy! Oy!, isang guardian, dinidiktahan ang stone holder nya?! Kalokohan!, Milulun! Rise!, Poison Jab!'' Sigaw ni Marie at patakbong sumugod si Milulun sa amin. Gaya ng aking inaasahan ay matagumpay niyang natamaan si Aquos.
Anong gagawin ko, nahihirapan na si Aquos, kailangan kong maging seryoso, hindi ko alam kung anong gagawin ko.
''E-Eri, para sa kanila, at sa Crimson Stone.'' Sambit ng naghihingalong si Aquos sa akin. Hindi dapat ako padala sa takot ko, dapat tumayo ako sa aking sariling mga paa.
''Tama ka, Aquos! Rise! Rerfresh!'' Sigaw ko at nabalot ng tubig si Aquos at bumalik sa malusog na estado nito.
''It healed?!, Milulun! Rise!, Poison Sting!'' Sigaw ni Marie at si Milulun ay naglabas ng napakaliit na karayom at ibinuga niya ito kay Aquos, nakailag naman ito.
''Aquos! Rise! Water Pulse!'' Sigaw ko at lumikha si Aquos ng isang wave na gawa sa tubig, at natamaan si Milulun nito.
''Ikaw!, Milulun! Rise! Rise! Rise!'' Sigaw ni Marie ngunit napapansin kong parang hindi kumkilos si Milulun.
''Milulun! Laban!'' Sigaw muli ni Marie kay Milulun.
''Hindimko na kaya..'' nanghihinang sabi ni Milulun kay Marie.
''Mahina ka! Wala kang kwenta!, Riiiiiiiise! Sleep Poison!'' Pilit na sigaw ni Marie kay Milulun kaya wala nang nagawa ito kundi sumunid, naglabas ito ng itim na usok at mabagal na papunta kay Aquos.
''Eri, for the finishing blow.'' Sabi ni Aquos, at pinili ko ang letrang A dahil amy naisip ako, at matatapis na ang duel namin.
''Aquos! Rise! Aqua Sphere!'' Naglabas ng isang bilog na gawa sa tubig si Aquos at ibinato ito kay Milulun.
Nagawa nitong lampasan ang Sleep Poison attack ni Milulun at naglaho ito, hindi na nakakilos si Milulun at nakatayo nalang ito at pumikit nagsalita.
''Patawad.. Marie..''
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...