Chapter 16: Danger Awaits

149 11 0
                                    

--Eri--

Matapos ang mga nakakapagod na pangyayarikahapon ay heto nanaman kaming apat, na naglalakbay sa kawalan, si Xin kasi , mas pryoridad niya ang mga batang inaalagaan niya doon, at isa pa, kailangan siya roon.

''welcome to Lonia Bridge!" sabi ng babaeng nakatayo malapot sa kaniyang ipinagmamalaking tulay.

''may history ba ito?'' tanong ni Kyo habang nakatingala sa higanteng tulay na daraanan namin.

''oo meron, ito kasi ang kauna-unahang tuloy na itinayo rito isang daang taon na ang nakakalipas, ito rin ang tanging daan para makappunta sa kabilang ibayo.'' pagpapaliwanag ni Marie kay Kyo.

''Tara na bilisan natin.'' Nauutal na sabi ni Calem, hmm?, siguro may pagkaduwag sa mga matataas na lugar ito, magulat nga.

Tinulak ko siya ng pabiro, pawis na pawis ito at humarap sa akin.

''Ate naman! Mahulog naman ako sa ginagawa mo!'' Sigaw sa akin ni Calem, tama nga ang hinala ko, may acrophobia siya.

''Hahaha, takot ka pala dito Calem, e parang kahapon ang tapang tapang mo nung naglalaban kayo ni Xin ah.'' Pag aasar ni Marie kay Calem, na ikinainis lalo nito.

''Marie! Inaanyayahan kita sa isang duel!'' Pag aya ni Calem kay Marie. Samantalang si Marie naman ay natawa nalang.

''Easy lang, nagbibiro lang ako.'' Sabi ni Marie, inirapan nalang siya ni Calem, mabalik na sa realidad, ito kami, kasalukuyang tinatahak ang daang patawid sa kabilang ibayo.

Nakaramdam kami na parang saglitang lindol sa tulay.

''Naramdaman mo iyon?'' Tanong ko sa kanila.

''Oo, pero wala yun, ganito lang talaga ang nararamdaman kapag nasa tulay.'' Sabi ni Marie.

''Bilisan na natin, sumakay nalang tayo.'' Kinakabahang sabi ni Calem, kahit kailan talaga itong batang ito.

Maya maya'y may narinig kaming parang may pumutok, nagpalinga linga kami sa paligid, napansin naming nakatingala sa itaas si Kyo, at tinanong ko ito.

''Kyo, ano iyon?'' Tanong ko.

''Umalis na tayo, ngayon na!'' Sigaw ni Kyo, nang makita namin ang nasa itaas, tama siya, dapat na kaming umalis.

Ang nakita namin, ay ang mga kable ng tulay ay nagsisimulang mapigtal, kaya bahagyang umalog ang tulay at kanina'y kung saan kami nakatayo, ay umaalog na at nagbibiyak biyak ang sahig nito.

''Bilisan niyo! Marie!'' Sigaw ni Kyo, kaming tatlo ay malapit na, samantalang si Marie ay nahuhuli sa amin, pansin din naming may mali sa kaniya. Palinga linga ito.

''Yung salamin ko!, hindi ako makakita!'' Sigaw niya, para siyang bulag, kinakapa ang sahig at hindi alam kung ano ang gagawin.

''Ang kaniyang ginagapangan ay nagsimulang mabiyak at konting kilos niya ay katapusan na niya, kaya sumugod na si Kyo sa lugar kung nasaan siya.

''Marie! Ang kamay ko!'' Sigaw ni Kyo, samantalang si Marie naman sy hinahanap kung saan nanggaling ang boses.

''K-Kyo, na-nasaan k-ka?'' Utal na tanong ni Marie, bakas na sa kaniya ang takot na kung saan hahantong ang mga pangyayari.

Malapit sa kaniya ay isang kable ang napigtal dahilan nang pagbiak ng tuluyan ng kinatatayuan ni Marie.

''Ahhhh!'' Sigaw ni Marie.

Wala kaming magawa ay kundi titigan si Marie na nalalaglag habang nakaamba parin ang kaniyang kaliwang kamay para maabot ito ni Kyo, ngunit huli na, tuluyan na siyang nalaglag sa tulay.

Ang sigaw ni Marie ay umalingawngaw sa buong paligid, at bigla itong naputol, hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyari sa kaniya, maririnig ko ang mga sigaw ni Calem at Kyo sa akin, habang hatak hatak nila ako palayo.

''Kyo, Calem! Si Marie!'' Sigaw ko sa kanilang dalawa at pawang wala silang naririnig.

''Wala nang oras para humagulgol Ate, kailangan na nating makaalis dito bago pa tuluyang gumuho itong tulay, kaya bilisan natin!'' Sigaw sa akin ni Calem.

Patuloy lang kami sa pagtakbo at nararamdaman namin ang nagbabadyang malalakas na alog ng tulay, bumitaw ako sa pag kakahawak ni Kyo.

''Eri?, tara na!'' Sigaw sa akin ni Kyo, wala nang oras, hindi na kami makakaabot sa kabila.

''Hindi na tayo makaabot kailangan na natin ang tulong ng mga guardians.'' Sabi ko, at nilabas ko ang water stone, at lumabas si Aquos.

''Nakararamdam ako ng isang trahedya, at ito'y mangyayari ngayon.'' Sabi ni Aqous at nagpalinga linga sa palogid.

''Aquos, tulungan mo kaming makababa sa tulay na ito.'' Sabi ko, wala nang oras na dapat masayang, naglalaglagan na ang mga kotse na may mga tao oa sa loob nito, tumagilid narin ang tulay.

''Masusunod, Eri.'' Nang sinabi iyon ni Areus ay lumikha siya ng isang malaking pader ng tubig at lumapit kay Calem. '' palabassin, mo siya, kailangan ko ng kapangyarihan niya.'' Sabi nito kay Calem.

''Areus, tulungan mo si Aquos ngayon din.'' Nang masabi ni Calem, iyon, hinipan ni Areus ang tubig at ito'y tumigas, kaya ang ginawa namin ay nagpadulas kami.

Nang makarating kami sa ibaba, nasaksihan kami ang nakagiginbal na pangyauari, gumuho ng tuluyan ang tulay kung saan sinuportahan nito ang mga taong tumawid sa kabilang ibayo nang isang daang taon.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon