Chapter 25: The Show

105 9 4
                                    

--Kyo--

''Fashion Show?!'' Nagulat na tanong ni Calem.

''Yes, fashion show.'' Sabi ni Lin.

Fashion show? Ano yun?

''Teka lang ha, Lin, ano ba iyong fashion show na sinasabi mo?'' Tanong ko kay Lin, balot naman sa mukha nito ang pagtataka. May mali ba sa tanong ko?

''Malalaman mo nalang doon pag nakarating na tayo! Hihi!'' Natutuwang sabi ni Ren na may kasamang pagtatalon.

''Oo tama ka Ren kaya ikaw Kyo, alam kong kinakabahan ka lang kaya kung ano anong tanong ang nasa isip mo ngayon.'' Sabi ni Lin, ano ba kasi yung tinutukoy niya?

''We're here.'' Sabi ng nagmamaneho ng trak.

''Okay, guys ang mauuna sa pila ay ikaw Ate Eri, sunid ikaw Kuya Kyo, at ikaw naman ang susunod Calem at ang kaharap ko ay si Ren. Paglabas natin ay didiretso tayo sa isang puting pintuan, huwag niyong papansinin ang mga kumakausap sa inyo ha, diretso lang ang lakad.'' Sabi sa amin ni Lin at pumwesto na kami sa kung saan kami nakadestino.

Bumukas ang pintuan at nagsilitawan ang mga kumukutitap na liwanag na nakakasilaw, baka isang patibong ito?!

Lumakad na si Eri, sumunod ako na nakayuko lang, ang ingay ng bawat panig, nang iniangat ko ang ulo ko ay tumambad sa akin ang napakaraming tao. Napayuko nalang muli ako, sinundan ko lang ang yapak ni Eri at maya maya'y nakapasok na kami sa puting pintuan.

''Ang ganda ng grand entrance natin!'' Natutuwang sambit ni Lin.

''Mukhang hindi pa yata tapos, yun na ba yung fashion show na sinasabi mo Lin?'' Tanong ni Eri.

''Hahahahha! Intro palang iyon, ang fashion show ay magaganap diyan sa labas ng iyptim na ointuan na yan. Sabinni Lin sabay turo sa may itim na pintuan sa likuran.

''Makakaharap ko narin iyong babaeng iyon! Magdusa ka! Valerie! Hahahahaha!'' Sigaw ni Lin at patuloy ito sa pagtawa.

''Valerie?'' Tanong ni Eri.

''Yup, Valerie, siya ang aking karibal sa mundo ng fashion.'' Sabi ni Lin.

''Mukhang ang dami ng tao sa labas.'' Sabi naman ni Ren at halata rito ang pagkasabik.

Pinihit na ni Lin ang pintuan at lumantad ang napakaraming tao, na maiingay at nakatingin sa aming lima, gaya ng nakagawian ay pila kaming lumabas nang hindi sila pinapansin at dirediretso lang sa paglalakad.

''Ito nang fashion show, isa isa tayong aakyat at maglalakad ng paikot, hindi naman kayo magkakamali dahil may susundan naman kayo. Ren, mauna ka na.'' Sabi ni Lin at tinulak tulak si Ren sa hagdan.

''Yes sir!'' Natutuwang sambit ni Ren at umakyat na.

Nakikita si Ren sa isang malaing screen, nakangiti siyang naglalakad, naging agaw atensyong ang kaniyang kasuotan na kulay pink, mapasapatos man ito o damit, pandagdag narin sa atensyon ang ipit na kakulay rin ng kaniyang damit at sapatos na suot, nang makababa na si Ren ay ang sumunod ay si Eri, makikita muli sa screen ang naglalakad na si Eri, isang damit na may malaking palda na kulay asul ang suot nito, gaya ng nangyari ay agaw atensyon din ito, halos hindi na ito makita sa mga naglitawang puting liwanag na hawak ng mga tao.

''Grabe nakakasilaw doon!'' Sigaw ni Eri pagkababa niya ng hagdan.

''Boys, kayo na, sabay kayo.'' Sabi sa amin, nakaramdam naman ako ng kaba.

Nagtulakan kaming dalawa ni Calem, nag tatalo kami kung sino ang mauuna, maya maya'y lumapit si Lin kay Calem at itinulak ito sa unahan ng buong pwersa, natakot naman ako sa ginawa ni Lin kaya umakyat nalang ako, baka kung ano oa ang mangyari.

Sinusundan ko lang ang yapak ni Calem, naririnug ko ang mga boses ng mga babaeng nagtitilian, bakit kaya?

Nang makababa na kami, si Lin ay bihis na bihis na, nakasuot siya ng isang damit puro dilaw ang makikita. Ngumiti ito sa amin at umakyat na.

Nakita namin sa isang malaking screen si Lin na naglalakad, ilang segundo lang ang nakalipas ay hindi na namin siya mamukhaan gawa ng mga liwanag at sigawan ng mga lalaki, bakit ba nika ginagawa iyon?

Nang makababa na ito, sumalubong sa kaniyang mukha ang pagkabalisa.

''Lin, bakit?'' Tanong ni Ren.

''Wala siya! Wala si Valerie!'' Sigaw niya.

Mukhang importante sa kaniya itong araw na ito ang makaharap ang taong matagal na niyang karibal sa kaniyang trabaho. Nagpahinga na kami sa sinasabi ni Lin na ''trailer truck'', isa itong bahay na may gulong.

--Calem--

Nakakapagod din pala ang sumabak sa isnag fashion show, grabe naging instant celebrity ako roon sa entabladong iyon.

Andito kami ngayon, kumakain, sabi ni Lin may aasikasuhin siya, kaya nauna na kami, lahat kami ay pagud na pagod at nakasalampak kami lahat dito sa sala.

''Sandali lang, kukuha lang ako ng maiinom.'' Paalam ko at nagtungo sa kusina.

Binuksan ko ang fridge at kumuha ng inumin, may narinig akong nagtatalo sa labas.

''Humanda talaga sa akin iyong ibon na iyon, nakakarami na siya, hindi siya tumutuoad sa usapan!'' Sigaw ni Lin.

''Baka naman naghahanda lang siya Linlin!'' Sabi ng boses, LinLin?

Sumilip ako, parang wala naman akong makita kausap niya dahil isang anino lang naman ang nakikita ko.

''Huli tayo Linlin, Volt Strike!'' Sigaw ng boses at isang boltahe ang naramdaman ko sa aking katawan kaya bumagsak ako sa sahig.

Nakita ko si Lin na gulat na gulat at isang nilalang na lumulutang na nakatago sa kaniyang likuran.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon