--Calem--
Black Aura, isang move na binigkas ni Bia ang tatapos sa aming lahat, naalala ko na, iyon ang narinig ko sa panaginip ko at may isang boses na nagngangalang Isla.
"Isla!" Iyon na lamang ang lumabas sa aking bibig.
Isang liwanag ang dunating na nagpatahimik sa buong kadiliman sa lugar.
"Ano ang liwanag na iyon?" Tanong no Ate Eri.
"Di maaari... Ang--" nauutal na sabi ni Kuya Kyo.
Isang magandang babae ang lumitaw sa aming harapan, lahat ng guardian ay lumuhod upang magbigay galang dito.
"Crystal Maiden, Isla." Sabi ni Deimata.
"Ikinagagalak ko kayong makilala, stone holders." Sabi ni Isla at nakangiti ito sa amin.
"Ikaw si Isla, ikaw ang nagpapakita sa aking panaginip." Sabi ko. Tumango naman si Isla.
"Hindi maaari!" Sigaw ito ni Deimata.
"Anong problema Deimata?! Ngayon ka pa ba matatakot?" Tanong ito ni Bia ngunit nakatulala lamang ang Dark guardian kay Isla.
"Deimata, hindi ako makapaniwala sa iyong nagawa. Papanindigan mo ang pagsuway sa batas ng Crimson Oath." Sabi ni Isla.
"Hindi mo naiintindihan!" Sigaw ito ni Deimata.
"Huli ka na, Dark guardian. Nasa huli ang pagsisisi." Sabi ni Isla at lumapit ito kay Deimata at hinawakan ang kaniyang noo.
"Hindi ko pa oras Isla! Hindi pa!" Pagmamakaawa ni Deimata ngunit hindi ito pinagbigyan ni Isla. Naglaho na parang bula si Deimata sa paningin ng nakakarami.
"Nabawasan na ang parte ng Crimson Stone, ibinalik ko na ang bagay na kinuha ko sa nothingness." Sabi ni Isla.
"Isla, totoo pala ang alamat mo. Ikaw ang lumikha ng mga bato." Sabi ni Kuya Kyo.
"Deimata! Hindi maaari!" Sigaw ito ni Bia at nagwawala ito.
"Bia kimalma ka---" sabi ni Angeli at akmang hahawakan na sana ni Angeli si Bia ay nagbago ang hitsura nito. Mula sa isang babae ay naging halimaw.
Naglaho na parang bula si Angeli sa kamay ni Bia. Wala namang nagawa si Isla sa nangyari.
"Isla.." Sabi ni Kuya Kyo.
"Simula palang nung una ay wala nang kinalaman sa kasamaan si Deimata. Dahil sa pagsuway niya sa Crimson Oath ay dapat siyang ibalik sa Brink of Nothingness." Pagpapaliwanag ni Isla.
Ibig sabihin ay hindi talaga masama si Deimata at ang puno't dulo ng kasamaan sa lahat ng bagay ay dahil kay Bia. Dala ng kaniyang emosyon noon. Naging isang stone holder sya dahil nais siyang baguhin ngunit iba ang nangyari.
"Ang Flying stone holder.." Tanging nasabi ni Ren.
"Dustos! Inuutusan kitang bumalik sa iyong bato." Utos ni Isla kay Dustos.
"Masusunod" tugon naman ni Dustos.
"Ano ang nangyari kay Angeli?!" Pasigaw na tanong ni Ren.
Nagpaliwanag si Isla sa nangyari. Dinala umano ni Bia si Angeli sa Brink of Nothingness, isang lugar kung saan nagtatapos ang kawalan.
"Kayong lahat!" Sigaw ni Bia.
Isang halimaw ang nasa aming harapan, mapula ang mga mata nito, dala ito ng mga negatibong enerhiya sa katawan ni Bia at tanging kami lang mga stone holders at guardians ang maaaring tumapos sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...