--Angeli--
Nasaan ako? Hindi ko na alam ang nangyari matapos ang naganap kanina sa amin ng isang higanteng halimaw, anong lugar ito?
Naglakad lakad ako, walang katapusang paglalakad, puti lamang ang nakikita ko.
Maya maya'y may naaninag akong isang itim na imahe na nakabilagta sa lupa.
At nagkaroon ng kulay ang lahat.
"Deimata!" Sigaw ko sa kaniya.
"Angeli... Si Bia, kailangan siyang mapigilan nila." Nanghihinang saad ni Deimata.
"Paano? Nasaan tayo?" Tanong ko sa kaniya.
Ipinaliwanag sa akin ni Deimata, nasa Brink of Nothingness kami. Isang lugar kung saan matatagpuan ang walang katapusang kawalan. Dito raw siya nanggaling. Si Isla ang gumawa sa kaniya na sumisimbolo sya bilang kalingkutan. Sumisimbolo lamang sya rito pero malinis ang kaniyang kalooban.
"Paano tayo makakalabas dito?" Tanong ko.
"Nararamdaman kong hindi pa nasisira ang bato ko. Kailangan kong makabalik at sumapi kay Bia at makatulong ako sa pagpigil sa kaniya." Sabi ni Deimata.
Hindi ko alam kung ano ang maititulong ko sa kaniya, wala akong kapangyarihan. Ni hindi ako makalipad at hindi ako makalabas sa lugar na ito.
"Ito ang gagawin natin Angeli. Dahil itinapon ako ni Isla. Ang gumawa sa amin, tatawagin ko ang lahat ng guardians na si Isla mismo ang nagturo sa akin kung paano gawin ito." Sabi sa akin ni Deimata.
"Paano?" Tanong ko. Hinawakan ko ang noo niya. At nagliwanag ito. Sinabi ko ang mga katagang starburst.
"Shell Cast!" Sigaw ni Deimata at iba't ibang kulay ang naglabasan.
SA ISANG GUBAT
--Aaron--
"Zygardier, tara na. Tapos na ang paghihuli natin. Umuwi na tayo." Sabi ko kay Zygardier. Bug Guardian.
"Aaron, may liwanag. May gumamit ng Shell Cast." Sabi sa akin nito at sinundan namin ang ilaw.
Sinundan namin ito at nakarating kami sa isang tahimik na lugar, may babae at isang nilalang na kulay itim ang aming nakita.
"Dark guardian, ngayon pala ang ating pagkikiya muli." Sabi ni Zygardier.
"Bug guardian. Zygardier, nasa panganib ang mundo ng mga tao. Kailangan nating tapusin ang kaguluha na nagyayari roon." Pagpapaliwanag ni Deimata.
"Dahil dalawa na tayo, ituloy na natin ang ritwal." Sabi ni Zygardier.
"Ano ang ginagawa nila?" Nagtatalang tanong ko sa kanila.
"Shell Cast. Ito ang ritwal kung saan nagagawa ito ng guardian sa paghingibng tulong." Sabi ng babaeng nagngangalang Angeli.
"Shell Cast!" Sigaw nilang dalawa.
Bumukas ang isang lagusan at ito'y kulay dilaw. Malapit na ang pagdating ng susunod na stone holder.
--Jelle--
Malapit nang magsimula ang pagdinig tungkol sa kaso ng isang mag asawang may hindi pagkakaunawaan.
"Mam, heto na po ang case folder nila." Sabi ng aking assistant na si Roma.
"Thank You Roma." Pagtugon ko sa kaniya at kinuha ang aking folder.
Narinig ko na ang sirena, at paglapit ng mga tao sa courtroom.
Pumunta na ako sa harapan nila at nagsimulang magsalita.
"Sino ang---" hindi ko na naituloy ang aking sasabihin nang biglang huminto ang oras, walang gumagalaw sa kanila maliban sa akin.
"Anong nangyayari?" Tanong ko sa aking sarili.
"Jelle, may tumatawag sa atin." Sabi sa akin ni Diantha, ang aking guardian.
"Ano ang ibig mong sabihin?" Tanong ko kay Diantha.
"May liwanag, tara sundan natin." Sabi ni Diantha.
Nakita namin ang liwanag at pinasok ito.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...