--Calem--
Sabay kaming bumaba ni Kuya sa aking kwarto at nagtungo sa pintuan, isang anino ng babae, pinihit ko agad ang doorknob at isang babaeng kulay orange ang buhok, nakasout ng sweater.
''Hello.'' Bati nito sa amin, nginitian namin ito bilang pagsagot.
''Yes?'' Tanong ko, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin, hindi ko alam kung ano ang kailangan niya sa gitna ng gabi.
''Oh, I'm Eri.'' Pagpapakilala ng babaeng nasa aming harapan na ang pangalan ay Eri, nakipagkamayan naman si Kuya sa kaniya.
''Ahh, Eri, anong kailangan mo?.'' Tanong ko sa kaniya, ano ba ang kailangan neto?, anong oras na, oras na talagang matulog ng mga tao.
''Oh, ahh!, bukas nalang, ito ang location, kita tayo jan.'' Sabi niya at iniabot ang calling card, Antaicu Cafe, anong meron dito?, ano ang paguusapan namin?
''Ahh.'' Tanging nasabi ko nalang, ''Salamat sa--'' naputol ang sasabihin ko ng bigla siyang nawala sa aking harapan.
Nasaan na iyong si Eri?, hindi ko naman narinig na naglakad siya palayo sa amin, that's weird.
''Isa siya.'' Sambit ni Kuya Kyo habang umiinom ng tubig.
''Anong stone ang nasa kaniya?'' Tanong ko.
''Hindi ko alam sa ngayon, kailangan mong malaman iyon bukas, sana naman nasa kaniya ang Dark stone.'' Sabi niya, inilabas niya ang kaniyang kwintas at umiilaw ito ng kulay puti.
Sinabi niya sa akin na ang kulay puti ay sumisimbolo sa Normal stone, at ang kulay itim naman ay sumisimbolo sa Dark stone, itinanong ko sa kaniya kung ano ang kulay na nakita niya nang nag ilaw ito ngunit ang sagot niya ay hindi niya alam dahil hindi niya ito nakita dahil agad niya itong inilagay sa kaniyang bulsa.
''Dapat ka nang matulog at para kinabukasan, handa kang harapin siya anuman ang mangyari.'' Sabi ni Kuya at pinatay na ang ilaw ng aking kwarto, maya maya'y nakatulog narin ako.
--Eri--
''Mabuti naman at nakakita ka na ng kapwa mong stone holder.'' Sambit ni Aquos.
''Mabuti naman, at sana makatulong siya sa atin, ang batang iyon, Calem ang pangalan niya.'' Sabi ko.
Ako si Eri, isang swimming instructor, dalawamput-tatlong taong gulang, isa rin akong stone holder gaya ni Calem at nasa aking pangangalaga ang Water stone, kung saan namamalagi ang water guardian na si Aquos.
''Sana naman makuha natin ang loob niya at nang makatulong sa ating paghahanap sa mga kapwa mong stone holder.'' Sabi ni Aquos habang nilalaro ang aking buhok.
''Alam kong si Bia ay kumikilos na, kailangan natin siyang maunahan sa mga plano niya, bago masira at tuluyang mawala ang balanse dito sa ating uniberso.'' Sambit ko kay Aquos.
''Bia?, ahh, siya yung babaeng nakaharap ni Calem, yung Dark stone holder, hindi natin alam ang plano niya at kung anuman iyon, masama ang kutob ko.'' Sabi ni Aquos, habang ningangatngat ang buhok ko.
''Hmm, sana mapigilan natin iyon sa lalong madaling panahon at Aquos? Anong ginagawa mo sa buhok ko?'' Tanong ko sa kaniya, kanina niya pa nginangata at buhok ko at mukhang ayaw niyang papigil kaya tinutulak ko siya palayo sa akin.
''Hmm, hayaan mo na ako Eri, ang sarap sa pakiramdam e.'' Sabi ni Aquos at labis na natutuwa sa kaniyang ginagawa.
''Bitaw!, Revert!'' Sigaw ko at si Aquos ay bumalik na sa loob ng Water stone.
Gabi gabi niya iyan ginagawa sa buhok, hindi naman ako naiinis sa totoo nga ay natutuwa pa ako, dahil kapag nandiyan si Aquos sa aking tabi, nawawala ang mga problema ko.
FLASHBACK
Gabi na at magsasara na ang Swimming club.
''Mam Eri, magsasara na po ako, hindi pa po ba kayo uuwi?'' Tanong ni Manong Guard, hindi pa kasi ako tapos ligpitin ang mga salbabida, inaabot ko pa ang isang maliit sa may dulo ng pool.
''Sandali lang po, akin na po yung susi at ako nalang po ang magsasara.''sabi ko at puamyag naman siya, iniwan niya ang susi sa may mesa malapit sa entrance ng swimming club.
Nang makuha ko na salbabida, may napansin akong nagliliwanag sa ilalim ng tubig, masyadong maliwanag ito, matingkad na kulay asul.
Dumungaw pa ako para makita kung ano ito, ngunit nang makalapit na ako ay may biglang may lumabas na nilalang at hinatak ako pailalim sa tubig.
''Ahh, tulong! Ahh!'' Sigaw ko ngunit huli na, pumailalim na ako sa tubig.
Ipinikit ko ang aking mga mata at napapansin ko na parang nakakahinga ako sa tubig, idinilat ko ito at nakita kong nasa loob ako ng isang malaking bula, nakita ko ang nilalang at ito'y masayang lumalangoy sa swimming pool, nakita ko ang nagliwanag na bato, isang batong kulay asul na parang dyamante sa hugis at nagliliwanag ito.
''Kunin mo.'' Sabi ng isang boses at iyon ay nanggagaling sa nilalang.
''Sino ka?'' Tanong ko, nakatingin lang siya sa akin, ang mga itim na mga mata nito'y mahigpit na inoobserbahan ang aking mukha at ang nakangiti nitong labi ay parang wala itong balak na masama.
''Aquos.'' Sabi nito at maya maya'y nandilim ang aking paningin.
Nagising na lamang ako sa aming club clinic, sabi sa akin ng kasamahan ko na natagpuan nila ako linaumagahan na walang malay na lumulutang sa gitna ng pool at dinala nila ako. Nawalan pala ako ng malay nang gabing iyon.
END OF FLASHBACK
''Eri, handa ka na ba bukas?'' Tanong ni Aquos sa akin, at umiilaw ang bato.
''Oo, haharapin nating dalawa ito.'' Sabi ko, at pinatay na ang ilaw.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...