--Areus--
"Isla, nasuway man nya ang nakasaad sa Crimson Oath, hindi niya kagagawan iyon, kagagawan ito ni Bia, dala ng emosyon niya." pagpapaliwanag ko kay Isla habang pinipigilan ko ang atakeng ginagawa nya.
Ibinaba ni Isla ang armas niya at bahagyang napaisip.
"Emosyon..." saad niya at napatingin sa halimaw. "Galit at pighati." muling saad niya.
"Tayo ang nagdala ng kaguluhang ito sa mundo ng mga tao. Ako ang may kasalanan, sana pahintulutan niyo akong tapusin ang lahat ng masamang nangyayari rito." sabi naman ni Deimata.
"TATAPUSIN ko kayong lahat!" sigaw naman ng halimaw.
"Bia! Alam kong naririnig mo ako!" sigaw ni Deimata.
"Isla, para sa mundo ng mga tao." sabi ko kay Isla.
"Simulan niyo na." sabi ni Isla at alam na naming lahat ang ibig sabihin nito.
"Deimata, Areus, kailangan muna nating matalo ang halimaw." sabi ng Psychic guardian na si Piriluk.
"Mga stone holders, maghawak kamay kayong lahat at ipapagkaloob niyong lahat ang inyong suporta sa pakikipaglaban ng mga guardians sa halimaw na nasa ating harapan." sabi ni Isla kila Calem, naghawak hawak naman sila bilang pagsunod.
--Deimata--
Dahil buo pa abg aking bato, ay nagkakaroon na muli ako ng dark power.
Nalalapit nang umatake ang halimaw kaya naghiwahiwalay kami.
"Arc Aura!" sigaw ko ito at naglabad ng itim na beam patungo sa halimaw at nakuha ko ang atensyon niya.
Hinabol ako ng mala higanteng kamay ng halimaw habang si Areus naman ay gumagawa ng kaniyang pag atake.
"Weather Ball!" sigaw ni Areus at itinama ito sa kamay na humahabol sa akin, naputol niya ito, ngunit nabuo rin ito.
"Mga mahihina!" sigaw ng halimaw, alam ko Bia na hindi ito ang ginagawa mo.
"Fusion Flare!" sigaw ng Fire guardian na si Ignitus. "Fusion Bolt!" sigaw naman ni Electo, ang atake nila ay nagsama at patungo ito sa kaliwang kamay ng halimaw. Naputol ito at hindi na nabuo.
"Piriluk! Patulugin mo!" sigaw ng Steel guardian na si Granitio sa Psychic guardian na si Piriluk.
"Hindi ko magagawa yan! masyadong nalaki ang kinakalaban natin at mukhang inposibleng mangyari yun!" sigaw naman ni Piriluk.
Maya maya'y nagsisisigaw na si Bia, tila nahihiralan na sya sa kaniyang nararamdaman at ang halimaw ay lumalaki na, mas malaki na ito kaysa noong una.
"Isla! anong nangyayari?" tanong ni Areus.
"Hindi na nakokontrol ni Bia abg sarili niya, nahihigitan na sya ng kaniyang emosyon at tanging ikaw lang ang sagot sa kaniyang paghihirap." sabi sa akin ni Isla.
Paano? saan ako magsisimula? kung hindi ko ginawa ang nais ko ng mga araw na pamamalagi ko sa Excalibur ay hindi sana mangyayari ang lahat ng ito, napakawalang kwenta kong nilalang. Nagdala pa ako ng problema sa iba.
"Patuloy siyang lumalakas dahil sa kapangyarihan mo Deimata, ang dark element." Dagdag pa ni Isla.
Tumingin ako sa mga stone holders, lahat sila'y nagliliwanag, ngunit isa sa kanila ay wala akong makitang bahid ng kadiliman.
May naisip ako, pero mukhang delikado ito para sa akin.
"Isla, kung sisisrain ko ang kasunduan namin ni Bia, mawawala ba ang halimaw na ito?" tanong ko kay Isla.
"Kapag sa oras na masira ang kasunduan o ang Guardian bond, wala nang magagawa si Bia sa kapangyarihan, isa ka na muling malaya." nang marinig ko iyon ay parang nakaisip ako ng nakakabaliw na ideya, alam kong ito na ang solusyon at hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.
--Calem--
"Kuya Kyo, anong ginagawa ni Deimata?" tanong ko kay Kuya Kyo.
Kaharap ni Deimata ang nalaking halimaw, pinagmamasdan niya lamang ito at hindi gumagalaw.
"Ang Guardian bond ni Bia, sisisrain niya ito." saad ni Kuya Kyo.
"At kapag nasira iyon, wala nang koneksyon na magagawa ang dating stone holder sa guardian nito." singit naman ni Arizza, ang Ghost stone holder.
"Gagawin niya iyon upang humina ang halimaw at mailigtas niya ang dark stone holder." sabi naman ni Valerie, ang Fairy stone holder.
"At kapag nanguari ito, ang Guardian na sumira ng koneksiyon sa kaniyang stone holder ay mahuhulog sa isang walang pagkagising na pagtulog." sabi naman ni Ren.
--Deimata--
Handa na ako.
"Deimata, ang dark guardian, pinuputol ko na ang koneksiyon at pakikipag ugnayan ko kay Bia, na isang dark stone holder!" sigaw ko.
Lumapit agad si Isla.
"Pibahihintulutan ko ang iyong hiling. Simula ngayon ay kailanman mahuhulog ka sa isang pagtulog hanggang sa makalimutan ninuman." sabi ni Isla.
Nagliwanag ang kinayatayuan ko, unti unting nabubura ang aking imahe sa kanilang lahat. Humarap ako sa kanila, sa mga stone holder, at mga kapwa kong guardians.
Isang matipid na ngiti ang aking binitawan, pumikit ako at gumaan ang aking pakiramdam.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...