-- Kyo --
''Sigurado ka bang kaya mong gawin ito?" Tanong ng isa sa mga keepers. Ang mga keeper ay ang mga sinaunang residente ng gumuhong bayan ng Mirenario, kung saan nakatayo ang Excalibur.
''Opo sigurado po ako, ako ang protector ng Crimson Stone ,tungkulin kong maprotektahan ito at mabuo muli ito.'' Pagpapaliwanag ko sa keeper habang ako'y nagaayos ng aking mga dadalhin sa aking paglalakbay.
''Mag-iingat ka Kyo, maging matagumpay sana ang iyong misyon.'' Sabi ng keeper habang hawak hawak ang aking kamay.
''Makakaasa ho kayo.'' Sabi ko at umalis na sa bayan.
Nagtungo ako sa isang magical field na kung tawagin ng mga keepers ay ang Acema, isang teleportation chamber, kaya nitong manipulahin ang space at dalhin sa lugar ang sinumang gumamit nito, ngunit kailangan ng maraming stardust upang mangyari iyon.
Inilagay ko na ang stardust sa ilalim ng aking mga tinatapakan at lumuhod, at ang Acema ay lumiwanag na nagpapahiwatig na sapat na ang stardust na kailangan nito upang makapunta sa lugar na aking nais na puntahan.
''Mundo ng mga tao.'' Sabi ko at ang Acema ay naging kulay asul at agad naman akong napunta sa aking ninanais, ang mundo ng mga tao.
-- Calem --
''Calem bilisan mo diyan at pupunta pa tayo sa Papa mo.'' Sigaw ni Mama sa baba, naghahanda na kami sa aming pag-alis.
''Opo Ma, andyan na po.'' Sigaw ko rin pabalik, andito ako sa taas sa aking kwarto, namimili ng aking dadalhin sa aming pag alis.
Ako si Calem, labing pitong taong gulang, kasalukuyang nag-aaral sa Automata Academy of Electronics, kasama ko sa aming bahay ang Mama ko samantalang ang Papa ko naman ay nasa ospital, nagpapagaling, sakitin kasi si Papa kaya ganoon nalang ang nangyayari.
''Ma, tara na po. Alis na po tayo.'' Pagaaya ko kay Mama, nagaayos siya ngayon ng aming babaunin at kakainin ni Papa sa ospital, lagi niyang hinahanda ang paboritong sandwich na Papa tuwing binibisita namin siya sa ospital.
Nang maayos na namin ang lahat ng kailangan namin, nagtungo na kami sa aming kotse at si Mama ang magmamaneho, hindi kasi ako marunong, sabi ni Papa tuturuan niya ako ngunit dahil sa sakit niya ay hindi na natuloy iyon.
''Nga pala, Calem. Maligayang kaarawan sayo anak.'' Pagbasag ni Mama sa katahimikan, ngayon ang araw na mag lalabing pito na ako. At gaganapin iyon kung saan nakaconfine si Papa.
''Salamat Ma, malapit na pala tayo.'' Sabi ko, at ipinark na ni Mama ang sasakyan sa parking lot ng ospital.
Umakyat na kami upang makapunta sa ika-anim na palapag kung nasaan ang kwarto ni Papa, at nang buksan namin ang pinto, kitang kita namin ang ekspresyon ng aming Papa na nakangiti at masayang nakahiga sa kaniyang higaan.
''Happy Birthday anak.'' Bati sa akin ni Papa na may hawak na isang maliit na puting kahon.
''Salamat po Pa, ano po ito?'' Tanong ko habang iniabot niya sa akin ang kahon.
''Regalo ko iyan sa iyo, buksan mo.'' Sabi niya sa akin habang nasa kamay ko na ang puting kahon.
Binuksan ko ang puting kahon, at ang laman nito ay isang puting bato, na parang may tali.
''Isang bato?'' Tanong ko kay Papa at ouno ng pagtataka ang aking isip, nakangiti lamang ito sa akin.
''Ang batong iyan ay sumisimbolo sa pagiging normal, Calem anak, sayo iyan, ingatan at pangalagaan mo.'' Sabi ni Papa.
''Opo Pa, makakaasa po kayo, si Mama nga pala dala niya yung paborito mo.'' Sabi ko at ibinigay ang sandwich, kinain niya naman ito, bakas sa kaniyang mukha ang labis na tuwa.
''Anak, bumili ka muna ng ating maiinom sa labas, nakalimutan ko kasing dalhin yung cola sa bahay, ito yung pambili.'' Utos sa akin ni Mama, kinuha ko na agad ang pambili at lumabas ng ospital.
Naglalakad ako ngayon para makahanap ng vending machine, nang may isang lalaking nakasobrerong asul ang nasa gitna ng daan.
''Akin na iyan.'' Sabi niya, ano ang ibig mong sabihin. Lumingon ako sa likod pero wala namang tao, ibig sabihin, ako ang kinakausap niya.
''Anong akin na iyan?'' Tanong ko pabalik sa kaniya, ano ang ibig niya bang sabihin?
''Ang bato, ibigay mo sa akin.'' Sabi niya, kailangan niya ang bato.
''Hindi pwede, bigay ito ng Papa ko sa akin.'' Sabi ko sa kaniya, bahagya siyang napayuko. At maya maya'y humarap sa akin.
''Pagsisisihan mo ito, bata. Ibigay mo iyan kay Bia!" Sigaw nito sa akin, at naging babaeng nakaitim ang anyo nito.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...