--Marie--
Simple lang ang aking buhay noon, at nagbago ito dahil sa isang pangyayari.
Gabi noon, naglalakad ako pauwi sa aming bahay, naisipan kong dumaan muna sa convenience store upang bumili ng pagkain para kahit papaano'y may nginunguya ako habang naglalakad.
Nang makalabas ako, biglang nawalan ng kuryente ang tindahan at isang nakkabulag na liwanag ang bumagsak mula sa kalangitan, napansin kong bumagsak ito sa likod ng tindahan kung nasaan ako nakatayo.
Dahil sa curious ako, agad ko itong pinuntahan, nakita ko ang napakakapal na usok, at lumikha pala ito ng napakalaking crater. Nilapitan ko ito at nakita ko ang isang batong kulay violet na nagliliwanag, sinubukan ko itong hawakan ngunit hindi ako nagtagumpay, napasok ang mga daliri ko sa aking ginawa.
''Marie.'' Isang boses ang tumatawag sa aking pangalan.
Nagpalingalinga ako sa paligid ngunit wala naman akong nakitang tao ni isa.
''Marie, nasa bato.'' Sabi ng boses, at lumingon ako sa bato.
Nakita ko sa loob ng bato ang isang nilalang, napakamisteryoso nito at napakaganda dahilan para makalikha ako ng isang matipid na ngiti sa labi.
''Kunin mo.'' Sabi ng boses, ginawa ko ulit nang mahawakan ko ito, hindi na ako kailanman napaso, narafamdaman ko ang malakas na enerhiya mula rito.
At lumabas ang nilalang mula sa bato at nagsalita..
''Milulun, ang poison guardian, ikinagagalak kitang makilala Marie, poison stone holder.'' Pagpapakilala ng nilalang na nasa aking harapan na si Milulun.
''Milulun..'' nasambit ko na lamang at bigla siyang bumalik sa bato, tumayo na ako, at naglakad palayo.
Nang makauwi na ako sa aking apartment, agad akong dumiretso sa aking kwarto at inilabas ulit ang bata mula sa aking bulsa.
''Nakakapgsalita ka?'' Tanong ko sa bato, nagliwanag ito.
''Hindi ka natakot sa akin na isang nilalang mula sa ibang kalawakan.'' Sabi ni Milulun sa akin.
''Hindi, sa totoo nga niyan ay ikaw lang ang kumakausap sa akin eh.'' Sabi ko sa kaniya.
''Ano ang ibig mong sabihin Marie.?'' Tanong sa akin ni Milulun.
''Kahit kailan simula nang mabuhay ako sa mundong ito ay wala akong nakilalang kaibigan.'' Malungkot na sabi ko sa kaniya.
''Ako, kaibigan kita.'' Sabi ni Milulun sa akin.
Nang marinig ko ang mga sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng tuwa, kaya kahit papaano'y nakaramdam ako ng tuwa sa aking buhay.
Ang aking buhay ay papasok lang sa eskuwelahan, at ang gagawin ay ipasa ang mga subjects ko, nangunguna ako sa klase, pero ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala akong mga kaibigan. Kahit kailan wala nakikipag usap sa akin.
Dahil doon, ang ginawa ko nalang ay magsulat ng magsulat ng mga kuwento, iba't ibang genre, nakasulat na ako ng mahigit dalawampung kuwento at iyon ay nasa kwarto ko, balak kong maging isang awtor pagdating ng panahon, dumating sa aking buhay ang poison guardian na si Milulun, nagkaroon pa ako ng inspirasyon sa aking pagsusulat. Gumawa pa ako ng isang storya na hango sa pakikipag kaibigan naming dalawa na pinamagatan kong ''My Nature'', nais ko sana itong ipadala sa isang publishing company dahil naghahanap sila ng mga freelance writers.
Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at ipinadala ko ang mga drafts nito sa nasabing kumpanya at malalaman ko daw ang resulta nito sa loob ng limang araw.
Araw araw ay ipinagdadsal namin ni Milulun na sana matanggap ang aking gawa dahil pinaghirapan ko iyon at iyon ang matatawag kong masterpiece.
Isang araw nalang at maku,uha ko na ang resulta ng aking gawa pero bago iyon ay may di ako inaasahan.
''Marie, ang papa mo, nakasaksak siya, nagtatago siya ngayon.'' Sabi ni Mama sa telepono.
Wala akong ginawa kundi ang umiyak magdamag sa aking kwarto, absent ako sa aming eskuwelahan.
Araw ng pagkuha ko sa results ng aking ginawa, nandito ako ngayon sa isang park at tahimik na tinititigan ang papel na aking hawak.
Consign Publishing Inc.
Title: My Nature
Author: Marie18
Status: DENIED
Iyon ang sabi sa papel, di ko namalayan na umiiyak na pala ako, at halos mabasa na ang papel.
''Marie..'' boses ni Milulun.
Tumayo na ako sa aking pagkakaupo at parang wala akong naririnig, maglalakad na sa ana ako nang biglang may isang babaeng lumitaw sa aking harapan.
''Marie.'' Sabi ng babaeng nakaitim.
''Sino ka?'' Tanong ko sa kaniya.
''Bia nga pala, kaibigan mo ako.'' Sabi ng babaeng nagngangalang Bia.
''Bia.'' Sabi ko.
''Isa siyang stone holder, Marie.'' Sabi ni Milulun na biglang lumabas sa bato.
''Tama ka, isa akong dark stone holder.'' Sabi ni Bia.
''Bakita ka nandito?'' Taning ko sa kaniya.
''Napansin kong nahaharap ka sa isang pagsubok.'' Sabi niya.
Sinabi niya sa akin ang isang uri ng samahan, na kapag napatupad ay magkakaroon ng isang mundong walang hirap at pighating nararamdaman, isang mundo na masasabi kong isang malaking paraiso.
''Milulun, papayag ba ako?'' Tanong ko kay Milulun.
''Kung iyan ang desisyon mo, oo.'' Sagot ni Milulun sa akin.
---
''Marie, ano bang nangyayari sa iyo anak?, nagaalala na ako.'' Sabi ng kaniyang ina sa telepono.
''Hayaan mo na sya mama, wala na siyang magagawa kasi huhulihin siya ng mga pulis! Kasalanan niya yun!'' Pasigaw na sagot ni Marie.
Matapos makilala si Bia sa park, ay nag iiba na ang pag uugali nito, mula sa mabait at tahimik na babae, naging mapagmataas at nagiging masama ito, minsan ay sinisigawan niya si Milulun, at nagbanta pang kapag hindi ito sumangayon ay babasagin niya ang bato.
Tinandaan niya ang mga sinabi ni Bia na lupang pangako nito, at gagawin niya ang lahat upang matupad iyon, kahit masama ito.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...