--Bia--
Ang araw na iyon..
--Someone--
Crimson Stone, matahimik na nakalagay sa Excalibur. Maayos ang mga guardian sa kanilang tulog na umabot nang ilang milyong taon.
Ang labing pitong guardian ay tahimik na natutulog sa kani kanilang mga bato ngunit may isang naiiba, ang Dark guardian na tahimik na minamatyag ang mundo ng mga tao, at ang isang babae. Ang babaeng ipinagkait ang sayang dapat ipinagkaloob sa isang tao.
MUNDO NG MGA TAO
''Bia, kumain ka na, utos iyon ng iyong ama.'' Sabi ng katulong ni Bia at inihatid ang tray ng kaniyang makakain sa kaniyang higaan.
''Pwede ba akong lumabas?'' Tanong ni Bia, habang nakatingin sa bintana.
Maya maya'y dumating ang kaniyang ama na kagagaling lang sa trabaho, nakita niya si Bia na nakadungaw sa bintana at daling sumugod at sinampal ito.
''Sisante ka na! Hindi ka marunong magbantay!'' Sigaw ng ama ni Bia at ang katulong nila'y dali daling lumabas ng kwarto.
Nasa isang tabi si Bia na umiiyak habang hawak ang kaliwang pisngi nito, takot na takot siya sa kaniyang ama.
Kumuha ng cellphone ang ama ni Bia at may tinawag at ang sabi.
''Magtawag ka ng mga tao, takpan niyo ng mga semento ang mga bintana.'' Pagtapos sabihin ng ama niya iyon ay umalis na ito.
Bawat araw, unti unting dumilim ang kwarto ni Bia, walang liwanag na nakakapasok at tanging ang isang sinag ng araw na galing sa salamin sa itaas ng kisame ang nagbibigay kulay sa kaniyang madilim at malungkot na mundo.
Isang araw, isang libro ang nakita niya sa ilalim ng kaniyang higaan, isang itim na libro, binuksan niya ito at nakita ang isang imahe ng kagubatan.
''A-ano ito?'' Namamanghang tanong ni Bia habang hinihimas himas ang pahina ng libro. Maya maya'y nakatulog siya.
Nagising si Bia sa isang panaginip, nasa harap siya ng isang kastilyo at may higanteng pinto ang bumukas sa kaniyang harapan.
Pagpasok niya ay isang batong nagliliwanag ang nakalagay sa isang istanteng kukay itim ang tahimik na nagliliwanag.
''Ano ito?'' Tanong niya sa kaniyang sarili, hahawakan niya sana ang bato nang bigla siyang napaatras at isang imahe ang lumitaw sa kaniyang harapan.
''S-sino ka?'' Natatakot na tanong ni Bia, habang nakatingin ito sa itim na imahe.
''Huwag kang matakot.'' Sabi ng imahen.
Dahan dshang tumayo si Bia mula sa kaniyang pagkakaupo at kumaoit ito sa nilalang.
''Madilim, kasing dilim ng mundo ko.'' Sabi ni Bia at hinawakan ito.
Ang nilalang ay agad sumapi sa kaniya, napuno ng kadiliman ang Excalibur at ang ang bato ay nabasag dahilan upang ang iba pang kukay nito ay magkalabo labo, at sabay sabay lumabas sa kastilyo. Sumabay rito sa Bia at may isang pagsabog ang nangyari dahilan upang magising siya sa kaniyang pagkakatulog.
''Bia.'' Bulong ng kaniyang ama sa kaniya, dahan dahang idinilat ang kaniyang mata at nakita ang naoakadilim na paligid ng janiyang kwarto, wala nang mga bintana, tanging ang liwanag nalang sa lampara na hawak ng kaniyang ama ang nagbibigay ilaw rito.
''Ikaw. Lumabas ka.'' Sabi ni Bia na ikinagulat ng kaniyang ama, kaya sinampal niya ito.
Walang natanggap ang kaniyang ama na pagsagot mula sa kaniyang anak, imbis na masaktan pa ito, ay natuwa pa ito habang nakatingin sa kaniyang ama, ang kasunod niyang ginawa ay oinalutang niya ito sa ere at inihagis sa labas at sinara ang pinto ng isang misteryosong lakas.
Bumangon si Bia sa kaniyang higaan at tumayo sa gitna nang kaniyang kwarto, hindi niya pinakinggan ang kalabog na gawa ng kaniyang ama, tahimik lang itong nakatingala sa isang bintana sa kisame ng kaniyang kwarto.
Ngumiti lamang ito ant ang buong paligud ay nagsimulang magbago, ang mga pader ay nagsimulang magbalat, ang kaniyang kwarto ay nagiba ang anyo, at natunaw na parang isnag yelo ang kanilang bahay, naglakad siya sa isang magubat na parte at ang kaniyang itsura ay nag iba rin, mula sa isang puting night gown hanggang sa naging isang itim na bistida.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...