Chapter 8: Normal Versus Ice

185 14 4
                                    

--Eri--

Nang sumigaw si Nuel ng open, ang buong paligid ay nabalot ng liwanag. Idinilat ko ang aking mata, nakita kong narito kami sa isang open field, nakatayo ni Calem kung saan puti ang paligid at si Nuel naman sa kabila kung saan asul na may halong pati ang kaniyang kinatatayuan. Nakita ko rin si Areus na nasa harapan ni Calem at ang gayon din si Nuel nasa harapan niya ang kaniyang gaurdian na si Glacieria.

''Ikinagagalak kitang makilala, Normal stone holder.'' Sambit ni Glacieria habang naka-vow ito sa direksyon kung nasaan sina Calem at Areus.

''Battle!'' Sigaw ni Areus at ito'y palutang lutang sa himpapawid.

''Magsimula na tayo.'' Sabi ni Nuel at may mga lumabas na letra sa kaniyang harapan, ito ay nagliliwanag.

''Anong gagawin?!, hala!, hindi ko alam ito!'' Pagmamaktol ni Calem at nagpapanic dahil hindi niya alam kung paano ang proseso ng isang duel.

''Calem. Nakikita mo ba ang mga letrang nasa harapan mo?, magisip ka ng isang atakeng posible kong gawin at nagmumula sa mga letrang iyan.'' Pagpapaliwanag ni Areus at agad namang nakuha ni Calem ang ibig sabihin nito.

''Ngayon lang ako muli makakakita ng isang guardian duel.'' Sambit ni Kyo at halatang naeengganyo siya sa kaniyang mga nakikita.

''Ako na ang mauuna, Glacieria, Rise!'' Sigaw niya at nabalot ng asul na may kasamang puti ito.

''Ikaw na Calem.'' Sabi ni Nuel habang turo nito si Calem.

''Rise, ang sinisigaw kapag maghahanda ka sa iyong pag-atake, ginawa lang idle ito ni Nuel ibig sabihin maghahanda si Glacieria sa ating pagatake.'' Paliwanag ni Calem.

''Ahh, Areus! Rise!'' Sigaw ni Calem at nabalot ng puting liwanag si Areus. ''S, ang napili ko, um.. Secret Power!'' Sigaw ni Calem na agad namang sumunod si Areus.

Naglabas ng isang puting sphere si Areus at ibinato ito kay Glacieria, ngunit bago man ito tumama sa kaniyang ay nahati ito sa tatlong kulay, ang pula na sumisimbolo sa apoy, berde na sumisimbolo sa hangin at asul na sumisimbolo sa tubig. Nadepensahan ni Glacieria ang nagawang pagatake ni Areus ngunit bahid sa kalagayan nito ang malaking pinasala na natanggap nito.

''Huwag kang mag-alala Nuel, ayos lang ako.'' Sambit ni Glacieria.

''Ang galing!, this is fun!'' Sigaw ni Calem at nagtatatalon sa tuwa.

''Mamaya ka na magsaya dyan, nanalo ka na ba?'' Pagbasag ni Areus sa tuwang nararamdaman ni Calem.

''Ako naman ang titira. Rise! Aurora Beam!'' Sigaw ni Nuel at naglabas si Glacieria ng isang liwanag na kulay bahaghari, at agad itong bumulusok papunta sa direksyon ni Areus, nasangga naman ito ngunit gaya ng kay Glacieria, ay malubha itong napinsala.

''Huwag kang magalala sa akin, Calem.'' Sabi ni Areus upang mawala ang pag alala ni Calem dito.

''Ako na anb titira. Rise! Tri At---'' naudlot ang sinabi ni Calem nang biglang nagdilim anb buong paligid.

Nagising kami, nasa loob na muli kami ng kwarto at nagsasalita si ang babae.

''Nu, may mga turistang naghahanap sa inyo.'' Sabi ng Babae kay Nuel.

''Sige, bababa na ako.'' Sabi ni Nuel.

''Anong nangyari?'' Tanong ni Calem.

''Naudlot ang ating duel dahil sa kaniya, dapat pala ay nilock nating ang pinto bago tayo magsimula.'' Sabi ni Nuel at napakamot ito sa ulo.

''Sa susunod nalang kayo muli magduel, Calem.'' Sambit ni Kyo at nagtungo na sa labas.

''Hanggang sa muli, Normal stone holder, kakampi niyo ako, pero may tungkulin ako sa temlong ito at kailangan kung tuparin iyon at sana maunawaan niyo.'' Sabi Nuel at nakangiing lumabas sa kwarto.

''Isa, dalawa, tatlo! Tatlo na tayo!'' Sigaw ni Calem at nagtatalon na lumabas sa kwarto, at malaya namin siyang sinundan ni Kyo palabas.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon