--Eri--
''Calem! Calem!'' Sigaw ko sa nakahandusay na si Calem.
''Hala hala! Electo! Anong ginawa mo?!" Tanong ni Lin sa kaniyan guardian na si Electo.
Hindi namin akalain na isa rin palang stone holder si Lin at ang batong nasa kaniya ay Electric. At nasampolan na si Calem ng kapangyarihan ng isang Electric guardian.
''Eh Linlin tsismoso, nakikiusyoso sa pinaguusapan natin kanina. Kaya dapat lang iyan sa kaniya.'' Sabi ni Electo.
''Electo! Ikaw!'' Sigaw ni Lin at hinahabol ngayon si Electo. Natutuwa ako sa kanila.
Nagkamalay na si Calem at napahawak sa ulo nito sabay ang sabi.
''Ugh!, anong nangyari?''tanong niya, mukhang wala siyang matandaan matapos siya atakihin ni Electo..
''Ahh wala walang nangyare Ca. Nakatulog ka ayun lang, ahahahh hahah-hahah.'' Sabi ni Electo at natatawa pa ito kaya binatukan siya ni Lin, may pagkamaloko rin pala itong guardian na ito.
Nabigla si Calem nang makita niya si Electo kaya napatayo agad ito, nanginginig ang buong katawan nito at papalit palit ng tingin kay Lin at sa guardian nito, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nalaman.
''Nashock siya Linlin, first time makakita nang tao----aray!'' Hindi na natuloy ni Electo ang sasabihin niya nang bigla muli siyang batukan ni Lin. ''Tumahimik ka dyan.'' Dagdag ni Lin.
''Paumanhin sa akin at sa aking stone holder, hayahay, sige tulog ka na ulit Ca.'' Sabi ni Electo, at saan naman nya nakuha ang pwedeng itawag kay Calem. Parang may tama yata itong guardian na ito.
''I-ikaw!'' Sigaw ni Calem sabay turo kay Lin.''siya.'' Dagdag ni Electo sabay tingin kay Lin.'' Che! Tumahimik ka nga.'' Sabi naman ni Lin, natwa nalang ako sa kanila.
''OPEN!'' Biglang sigaw ni Calem at nagliwanag ang paligid, kahit kailan talaga itong lalaking ito.
Narito kami sa open field, napapaligiran ng dilaw na aura ang panig ni Lin samantalang puti naman ang kay Calem.
''Linlin, ang lakas ng loob ni Ca, niyaya ako sa isang duel.'' Sabi ni Electo.
''Anung ikaw? Ikaw na ang stone holder ngayon at ako ang guardian, nabaliktad yata?'' Inis na tanong ni Lin.
''Pwede namang mangyari yun.'' Sabi ni Electo, natatawa nalang ako dahil sinasakal na ni Lin ang guardian niya.
''Areus, maghanda ka na.'' Sabi ni Calem at naghanda na, mukhang seryoso siya.
Nagsilitwan na ang mga letra, at naunang tumira si Calem.
''Rise! Hidden Power!'' Sigaw ni Calem at nagliwanag si Areus, at sumugod ito kay Electo.
''Rise. Rococo Boundary.'' Sabi ni Lin at lumikha ng isang higanteng pader na gawa sa kuryente si Electo at doon tumama ang atake ni Areus.
''Mukhang may alam itong si Lin sa pakikipaglaban.''sabi ni Kyo, at nakatingin ito kay Lin, inoobserbahan ang kaniyang mga kilos.
''My turn, Rise. Charge Pulse!'' Sigaw ni Lin, naglikha si Electo nang isang beam na gawa sa kuryente at parang ibinato ito kay Areus na parang sibat. Nasangga ito ni Areus ngunit nakatanggap ito ng mga minor injuries. Sa kuryenteng dala ng sibat na iyon.
''Areus, ayos ka lang?'' Tanong ni Calem, ''ayos lang ako, huwag kang mag alala.'' Sabi naman ni Areus at nagpatuloy ang laban.
''Full Mode! '' sigaw ni Calem at nag iba ang itsura ni Areus, at naghanda ito para sa susunod na command ni Calem. ''Mega Punch!'' Sigaw ni Calem at si Areus ay nagpakawala ng isang malakas na suntok at tumama ito kay Electo dahilan upang tumalsik ito.
''Very well, Full Mode!" Sigaw ni Lin at nagliwanag si Electo, nag iba ang itsura nito, lumaki ito at naging mas mukhang makapangyarihan. Ngayon ko lang nakita ang electric guardian na mag full mode.
Parang hangin lang ang nagawa na pag atake ni Areus, nabigla naman si Calem sa kaniyang nasaksihan.
''Sa pagsasara ng mga kurtina, Electo! Discharge!'' Nang masabi iyon ni Lin ay nagdilim ang paligid at naglabas si Electo ng kulay asul na boltahe sa kaniyang katawan at lahat iyon ay ibinato kay Areus dahilan upang biglang magliwanag ang buong paligid.
''High Voltage.''narinig kong sinabi ni Lin.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...