Chapter 28: Bush Monster

121 9 5
                                    

--Someone--

Sa isang dojo nageensayo ang isang lalaking nagngangalang Emmet, araw araw niya itong ginagawa, masasabi siyang isang pinakamalakas sa kaniyang angkan, kinakatakutan din ng ilan ang kaniyang apilyido dahil nanalo na ito sa iba't ibang uri ng labanan.

Gabi na iyon, nagliligpit ng mga kagamitang espadang gawa sa kahoy si Emmet, nang may marinig siyang kumakatok sa higanteng pintuan ng kanilang dojo, ibig sabihin ay may tao sa labas.

Binuksan niya iyon, ngunit wala siyang ni isang anino ng taong nakita, bago niya pa man maisara ang pinto ay may nakita siyang isang bagay na nakabalot sa tela sa sahig ng pintuan.

Binuksan niya iyon at nagpakita ang isang sanggol na babae na tahimik na natutulog, nagpalinga linga si Emmet ngunit hindi niya alam at wala siyang ideya kung sino ang nag iwan sanggol dito, may nakita siyang isang papel na nakasuksok sa tagiliran ng sanggol na babae, kinuha niya ito at binasa.

''Kristine.'' sabi niya at nakakuha siya agad ng kasagutan, gusto yata ng mga magulang ng sanggol na Kristine ang ipangalan niya rito.

Dahan dahan niyang binuhat ang sanggol papasok sa kaniyang dojo.

13 years later..

Nakatayo si Emmet sa isang patulis na bato gamit ang isang paa, habang ang isa nama'y malayang nakakagalaw.

''Kailangan mong magpokus sa paligid, anumang tunog ang iyong marinig ay maaaring magdala sa iyo sa kapahamakan.'' sabi ni Emmet sa isang batang babae.

''At kung malapit man ito, suriin ito at ilitis.'' sabi naman ng batang babae.

''Mahusay, Kristine. Dito nagtatapos ang ating pag eensayo, puwede ka nang maglaro kasama ang mga kaibigan mo.'' sabi ni Emmet kay Kristine, labing tatlong taong gulang na siya ngayon.

Lumabas ng dojo si Kristine at hinanap ang kaniyang mga kaibigan, nakita niya ito na nagkukupulan sa gitna ng daan.

''Sali ako!'' sigaw ni Kristine sa kaniyang mga kaibigan.

Ang kanilang lalaruin ay tagu taguan, si Kristine ang taya.

Naghanap ng naghanap si Kristine sa damuhan, ngunit walang senyales na na naroon ang kaniyang mga kaibigan.

''Andyan pa ba kayo?!'' sigaw niya ngunit walang sumagot sa kaniya pabalik.

Napadpad siya sa kadiliman ng gubat, hindi alintana ang pagkalayo niya sa kanilang dojo.

Hinanap niya parin hanggang sa kumagat na ang dilim, nilalamok na siya at hindi alam kung saan ang daan pabalik.

May narinig siyang kaluskos malapit sa madilim na parte ng kagubatan, kaya mariin niyang nilapitan ito at baka ito ang kaibigan niya.

''Labas ka na!'' sigaw niya sa dilim.

Ngunit bago oa man siya makalapit ay may biglang lumitaw na humawak sa kaniyang mga pisngi at hinila siya sa isang malaking halaman.

Napasigaw siya at nagsisisipa ngunit ang mga sipang iyon ay tumama lang sa hangin, nakita niya ang isang nilalang na humawak sa kaniyang pisngi na tumatawa, na ipinagtaka niya.

''Anong?'' nagtatakang tanong niya.

Ngunit pagtawa lang ang isinagot ng kaniyang kausap, maya mayy'y narinig niya ang mga boses ng mga nag aalala sa kaniya, lumingon siya, si Emmet ito at ang kaniyang mga kaibigan, nang lumingon siya pabalik, wala na ang nilalang sa kaniyang harapan at may nakita syang batong kulay kahel sa kaniyang kamay.

Tumayo siya, lumabas at niyakap si Emmet dala ang batong naiwan ng nilalang na nakaengkuwentro niya.

Pagkauwi ni Emmet at ni Kristine sa kanilang dojo, ay nagtungo agad si Kristine sa kaniyang kwarto upang matulog. Naalala niya ang malagintong bato na nakuha niya kanina, inilagay niya ito sa ilalim ng kaniyang unan at nagsimula ng matulog.

Nagising siya, nasa loob siya ng isang panaginip, at nakikita niya ang iba't ibang klase ng tao na nakikipaglaban, nakita niya roon ang nilalang na nakita niya sa kagubatan, ngumiti ito at gayon narin ang kaniyang ginawa, lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang kaniyang pisngi, parang tunay na anak ang trato nito sa kaniya at nagising muli siya.

Nakita niyang nagliliwanag ang bato, naramdaman niya ang nilalang sa loobnito, ang nilalang ni nilikha upang lumaban, ang Fighting Guardian.

''Huilen.'' tawag niya dito, lumabas ang nilalang mula sa bato at ngumiti sa kaniya saka bumalik ito sa pinanggalingan niya.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon