--Eri--
Kakalabas lang namin sa ospital kung nasaan nakaconfine ngayon si Marie, ang sabi ng doktor ay kailangan niyang magpahinga para gumaling ng mabilisan ang mga galos na natamo niya.
Kaya hindi muna siya makaksama sa paglalakbay namin, sinabi niya naman na wala kaming dapat alalahanin, kaya niya naman puntahan kung nasaan man kami kung may masamang nangyari.
''Sino kaya yung babaeng kasama ni Bia?'' Tanong ni Calem habang naglalakad kami.
Isa pa ang nakakapagtaka, ano kayang pumasok sa kokote ng babaeng iyon at pumanig ito kay Bia. Alam niya naman siguro kung ano ang tama at kung ano ang mali.
''Dapat natin masolusyunan iyon sa lalong madaling panahon.'' Sabi ni Kyo.
''Siguro parang ganun siguro siya kay Marie na nalason ang pag iisip nang dahil sa mga sinabi ni Bia.'' Sabi ko naman.
''Siguro nga tama ka.'' Tanging nasabi nalang ni Calem.
Mahaba haba rin ang nilakad namin, hanggang sa makarating kami sa istasyon ng tren, nakabili na kami ng tiket at nagsimula naring umandar.
Nang makababa na kami, nakaramdam kami ng gutom, wala namang makakainan dito sa binabaan namin, puro saradong mga tindahan.
''Iyong malaking bahay kaya?'' Tanong ni Calem sabay turo roon sa malamansiyon na bahay.
''Ano ka ba?, syempre magtataka sila kung hihingi tayo ng pagkain.'' Sabi ko naman.
''E, kasi, uhm, m-masakit.'' Nauutal na sabi ni Calem, Calem, huwag na huwag mong sasabihin iyan!
''Kailangan niyang gumamit ng banyo, tinuloy ko na ang sasabihin niya, pagbigyan na natin baka mamaya magkalat pa yan dito.'' Sabi naman ni Kyo, itong batang ito talaga, kahit kailan walang hiya.
''Bahala kayo diyan, kayo ang kumatok, bilisan ninyo ha, ayokong naghihintay.'' Masungit na sabi ko sa kanikang dalawa, kahihiyan ito pag nagkataon, ano nalang kayang itsura namin, kung nakaharap na namin yung mga nkatira sa bahay na iyon.
Kumatok nang tatlong beses si Calem, pansin naming nanginginig na ito dahil hindi na niya mapigilan.
''Sandali lang.'' Boses ng isang babae ang narinig namin.
Pagbukas ng gate, isang babae, ito yata ang katulong ang nagbukas ng pintuan sa amin.
''Ano po iyon?'' Tanong ng babae.
''Ah, naligaw po kasi kami, puwede po ba kami makahingi ng direksyon o mapa?'' Mahinahong tanongnhi Calem, namumutla na siya, hindi na niya mapigilan.
''Ahh, sige, pasok kayo.'' Sabi naman ng babae, Calem, nakaisa ka.
Nang makapasok na kami, pinapunta niya kami sa sala, at ang sabi ay tatawagin niya langbdaw ang amo niya, nagpaalam narin si Calem kung puwedeng gumamit ng banyo, kaya kaming dalawa ni Kyo ang naiwan.
''Ang laki ng bahay na ito.'' Sabi ni Kyo habang nililibot ang paningin sa buong paligid.
''Oo nga, siguro sobrang yaman ng amo ng babae kung sino man siya.'' Sabi ko naman.
Maya maya'y dumating na si Calem na may ngiti sa kaniyang labi.
''Oh?, nakaraos ka na?'' Nag aasar na tanong ko.
''Shut up. Nakakahiya nga e, parang gawa lahat sa ginto ang mga nakita ko.'' Sabi ni Calem. Napakayaman nga talaga ng may ari nitong bahay.
Maya maya'y dumating na ang babae na may dalang maiinom at makakaing tinapay, sakto hindi pa kami kumakain.
''Kumain daw po muna kayo, bababa narin po siya mamaya.'' Sabi ng babae sa amin.
''Ahh, salamat po.'' Sabi ko naman at kinuha ang inuming mainit na tsokolate.
Ang sarap nito sigurado, sa amoy palang malalasap na ang minimithi kong lasa.
Sila Calem naman ay nilamutak na ang tinapay, iba ibang klase ito at masasarap.
Bumalik muli ang babae at mukhang may sasabihin ito.
''Andito na po siya.'' Sabi niya.
Ito na ang amo niya, ang may ari ng bahay, babae siya, at... at... ang buhok niya, sobrang haba!
Nakalaylay na sa sahig ang buhok niya, at ang kapal na kulot, paano kaya naliligo ang babaeng ito?, siguradong hindi siya kasya sa banyo ko.
''Andyan pala----aray!'' Hindi niya natuloy ang sinabi niya dahil naapakan ng kaniyang katulong ang buhok niya.
''Hah! So-sorry po!'' Paghingi ng paumanhin ng kaniyang yaya, nginitian niya lang ito.
''Ayos lang, sige pumunta ka na doon'' sabi niya, at dumiretso na sa amin.
Sa haba ng buhok niya, puwede niya nang gawing belo ito, parang siyang isang bride na naglalakad sa altar ng simbahan.
''Ikinagagalak ko kayong makilala, ako si----ah!'' Di niya natuloy ang kaniyangbpagpapakilala ng sumabit sa paa ng sofa ang kaniyang buhok. Kaya hinatak niya ito at siya'y napaupo sa sahig.
''A-aray.... si Ren.'' Sabi niya, siya pala si Ren.
''Ako si Eri, sila naman si Calem at Kyo. Ikaw ang may ari nitong bahay.''sabi ko sa kaniya.
Dahan dahan siyang tumayo at nakaupo narin siya sa sofa sa wakas. May pagkaclumsy rin itong babaeng ito.
''Oo, pasensya na ha, kakagising ko lang kasi.'' Sabi niya at sinabayan ng hikab.
''Ang haba ng buhok mo.'' Sabi ko, teka?, bat ko nasabi iyon?
''Ahh, humahaba talaga yan ng kusa, 22 hours kasi akong natutulog.'' Casual na sabi niya, nakakatakot naman itong babaeng ito.
''Ahh bale naudlot ang tulog mo nang dahil sa amin?!'' Nalungkot na tanong ko.
''Ahh! H-hindi! Nagpapasalamat nga ako at nagising ako e!'' Sigaw niya sa amin.
''Bakit? Ka nagpapasalamat?'' Tanong ni Kyo.
''Nagmamadali ba kayo?'' Tanong niya sa amin, mukhang magkukuwento siya.
''Hindi naman Ren, bakit?' Tanong ni Kyo.
''Doon tayo sa taas, may sasabihin ako ta-- aray!'' Hindi natuloy ang kaniyang sasabihin dahil pagtayo niya, ang kaniyang buhok ay naipit sa foam ng upuan. Natawa nalang ako nang mahina sa nangyari.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...