--Calem--
''Ibigay mo iyan kay Bia ngayon din!.'' Sigaw ng babae sa aking harapan, nararamdaman ko ang masamang aura sa kaniya, mukhang may masamang mangyayari.
''Hindi pupwede ang gusto mong mangyari dahil ang batong ito ay galing sa Papa ko.'' Pagpapaliwanag ko sa babaeng kung hindi ako nagkakamali ay nagngangalang Bia.
Dahan dahan siyang lumalapit sa akin at dahan dahan rin naman akong umatras, nakakatakot ang presensya ng babaeng ito, nakangiti siya at alam kong may balak siyang masama.
''Ibigay mo iyan kay Bia bago ka mawala sa mundong ibabaw!'' Sigaw nitpya sa akin, patuloy ang paglapit niya habang nakalapat ang kaniyang kamay, tatakbo na sana ako nang may biglang may usok sa aking mga paa at hindi ako makawala.
''Tatakas ka?, kung gusto mong makaligtas sa kapangyarihan ni Bia, akin na yang bato.'' Sabi sa akin ni Bia, pilit niyang binubuksan ang aking nakasarang kamay kung saan nasa loob nito ang batong niregalo sa akin ng aking Papa.
Nanlaban ako, nararamdaman kong humihigpit at kumakapal ang usok na nasa aking mga paa, napasigaw rin ako sa sakit na aking nararamdaman. Tumawa nang malakas si Bia dahil malapit niya nang makuha ang bato nang bigla itong magliwanag. Dahilan ng kaniyang oag atras.
''Normal stone, grrrr!'' Sigaw ni Bia at nanggigil sa kaniyang nakita, maging ako ay gulat na gulat sa aking nakikita.
Ang aking hawak na bato ay nagliwanag, nakakabulag na puting liwanag, nakakasilaw ito dahilan upang takpan ni Bia ang kaniyang mga mata, maya maya'y naglabas ng isang ray ng liwanag ang bato at ito'y patungo kay Bia.
''Ang liwanag na iyon.'' Tanging nasambit nalang ni Bia matapos siyang matamaan ng liwanag na nanggagaling sa bato na aking dala.
--Bia--
Hindi nga ako nagkakamali, ang batang iyon, nasa kaniya ang Normal stone. Nabigo akong makuha iyon dahil sa lakas na tinataglay ng batong iyon.
''Hanggang sa muli, Bata.'' Sabi ko sa kanya, at umalis na, hindi ako pwedeng magtagal dito, alam kong papalapit na ang protector, hindi pwedeng maabutan niya ako ng ganitong kalagayan.
--Kyo--
May nararamdaman ako sa lugar na ito, ang presensya ng aura ng Normal stone, nasaan?, kailangan ko itong mahanap.
May nakita akong isang binata, hawak nito ang puting batong nagliliwanag, sa tingin ko iyon ang Normal stone.
''Ang Normal Stone.'' Nasambit ko sa harap ng binata, agad naman siyang napatingin sa akin.
''Teka, at sino ka naman?.'' Tanong niya sa akin.
''Ang pangalan ko ay Kyo, isa akong protector.'' Pagpapakilala ko sa kaniya, samantalang siya ay puno ng pagtataka.
''Pffft!, hahahaha!, ano nanaman ba ito, kanina may weirdong babae akong nakaharap tapos ngayon naman isang lalaking nakacostume, hahahaha! Anong trip mo?'' Sabi niya sa akin, nakacostume?, ano iyon, hindi ko alam kung ano ang ibig niyang sabihin.
''Ikaw pala ang nakakuha ng Normal stone, ibigay mo na iyan sa akin ngayon di---''. Naputol ang aking sasabihin nang bigla siyang tumakbo palayo.
''Wala na akong time makipagusap sayo, may bibilhin pa ako, ang weird talaga nang araw na ito.'' Sabi niya habang paakyat sa isang hagdan.
--Calem--
Kung ano anong klase ng mga tao ang mga nakakaharap ko ngayon, at astig rin tong binigay ni Papa sa aking bato, napakamisteryoso.
''Isang malaking cola po.'' Sabi ko sa babaeng nasa cashier at agad ko itong kinuha at iniabot ang bayad saka umalis.
Tinignan ko ang oras, oras na pala ng tanghalian namin, mukhang sesermunan nanaman ako ni Mama sa tagal kong dumating, bahala na.
Nang nasa entrance na ako ng ospital, tinakbo ko ang hagdanan, at hingal na hingal ako sa harap ng pinto ng ward ng Papa ko kung saan siya naka confine.
''Kaya mo yan Calem, huwag kang kakabahan.'' Sabi ko sa aking sarili habang mabagal na pinipihit ang doorknob.
Nang tuluyan ko nang mabuksan ito, nakita kong nasa harapan ko si Mama, at nararamdaman ko ang masamang aura sa kaniya, Calem dapat ka nang kabahan.
''Saan ka nanggaling bata, bakit ang tagal mo?'' Mahinahong tanong sa akin ni Mama, nakangiti ito sa akin, ano ba itong gulong pinasok ko, sa mga tingin sa akin ni Mama parang sa anumang oras ay kakainin niya ako ng buhay.
''Kanina pa kami nauuhaw ng Kuya mo.'' Sabi niya sa akin. Te-teka?!, Kuya?! Kelan pa ako nagkaroon ng Kuya?!
''Kuya?'' Matipid kong tanong kay Mama at tumango lamang ito, hindi siya nagbibiro.
''Calem bakit ngayon ka lang?'' Tanong ng isang lalaki sa likuran ni Mama, matangkad ito, teka lang, parang may mali dito.
''Ikaw!'' Sigaw ko sa kaniya, kilala ko ang lalaking nasa aking harapan.
Sya yung lalaking nakacostume kanina.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...