--Calem--
Nakausap na namin nang masinsinan si Nuel upang mahanap namin sya agad kung sakaling naharap kami sa isang peligro, malugod niya namang tinanggap iyon.
''Calem, saan na ang punta natin ngayon?'' Tanong ni Ate Eri sa akin.
''Hindi ko alam e, Kuya Kyo,, iyong Excalibur ba ay walang nakakaalam o anumang detalye kung ano ito sa mundo namin.?'' Tanong ko kay Kuya Kyo.
''Dahil nasa kabilang dimensiiniyon Calem, walang sinuman ang nakakaalam dahil tanging mga protectors lang ang nakakalakbay sa pagitan ng time and space.'' Pagpapaliwanag ni Kuya sa akin.
''Kung tangung mga protectors lang ang nakakapaglakbay sa pagitan ng mga dimensions, ibig sabihin isang protector din si Bia?'' Tanong ni Ate Eri kay Kuya.
''Si Bia ang napili ng dark element na maging holder ng bato nito, at kahit kailan ay hindi naging protector si Bia, parte ng Crimson Stone ang dark, kaya mayroong kasamaan ay dahil mayroong kabutihan, kaya nakatutulong narin ang dark sa balanse ng magkabilang mundo.'' Pagpapaliwanag muli ni Kuya.
''Ibig sabihin, kung hindi protector si Bia, at dahil ang dark element ay masama talaga, ang dark element rin ang mah dahilan kung bakit nasira ang Excalibur.'' Sabi ko, mukhang nagiging malinaw na sa akin ang lahat.
Ang aming kalaban dito ay si Deimata, kinokontrol niya si Bia upang makagawa ng masasamang bagay.
''Wala akong gaanong alam sa ksaysayan ng mundo ninyo, wala bang magkukuwento sa akin?'' Sabi ni Kuya Kyo bilang pag iiba ng usapan.
''History?, may public library malapit dito.'' Sabi ni Ate Eri habang nagtetext.
Tinahak namin ang daan papuntang library nang may isang papel ang napunta sa aking mukha dahil sa malakas na hangin.
''Ugh! Ano ba ito?!, isang brochure?, witness the true history of human beings here jn this book written by Marie entitled True Nature.'' Sabi ko habang bunabasa ang laman ng papel.
''Baka nandyan na ang lahat ng kasagutan sa lahat ng iyong katanungan Kyo!'' Masayang sambit ni Ate Eri habang nagtatatalon ito sa tuwa.
''Mukha nga Eri, saan yan?'' Interesadong tanong ni Kiya habang nakatingin ito sa aking hawak na papel.
''Tara na, para magkaroon naman ng ''knowledge'' si Kuya Kyo sa mjndo natin.'' Sabi ko at inunahan ko na sila sa paglalakad.
Naglakad kami at sinundan ang mapang nakasulat sa papel, dinala kami nito sa isang bahay na may electronic lock at may speaker. May doorbell din malapit dito. Pinindot ko ito.
''Uhm, hello?'' Patanong kong sinabi sa speaker.
''Yes?'' Sagot ng babae sa speaker.
''Marie?, writer ng True Nature, nabasa namin yung brochure mo.'' Sabi ni Ate Eri.
Maya maya'y wala na kaming natanggap na sagot ng babae mula sa speaker, bigla nalang bumukas ang pinto na nagpapakita na pinapapasok kami.
Pumasok kaming tatlo sa bahay, walang tao sa sala, tinahak namin ang taas kung saan may isang pintong bukas at sa pagkakaalam ko ay isa itong kwarto.
Binuksan ko ito ng marahan, may nakita kaming babaeng nagsusulat at ito'y nakatalikod sa amin.
''Nature, human beings, origins.'' Sabi ng babae habang patuloy sa kaniyang sinusulat.
''Ehem.'' Sambit ni Kuya at naging dahilan upang huminto ang babae sa pagsusulat.
Dahan dahan itong humarap sa amin, isang babaeng may maigsing buhok na nakasalamin at nakangiting humarap sa amin.
''Marie?'' Tanong ni Ate Eri sa babae.
Ngumiti ito sa amin at tumayo sa kaniyang swivel chair at nagsalita.
''Marie.'' Sabi ng babaeng nasa aming harapan na nagngangalang Marie. ''Kung nandito kayo dahil upang makuha ang aking first work for being a novelist entitled True Nature, you'll get it free.'' Dagdag nito.
''Ahh, ganun ba?, salamat. Mayroon talagang interesadong malaman ang history natin.'' Sabi ni Ate Eri habang turo turo si Kuya Kyo.
''Nakakatuwa namang marinug iyan, tara sa sala, ipagluluto ko kayo.'' Sabi ni Marie palabas ng kanitang kwarto. Sumunod naman kami.
''Ah! Ako nga pala si Eri, ito naman si Calem at siya naman si Kyo, masaya kami at nakilala ka namin Marie.'' Sabi ni Ate Eri habang pababa kami ng hanggan.
''Uhm! Ako rin! Masaya ako.'' Mahinahong sabi ni Marie.
Kumuha siya ng tinapay at maiinom at ibinigay sa amin, kaagad naman itong kinain ni Kyo at ako. Habang si Ate Eri ay inunang ubusin ang aking iniinom na tsaa.
''Ang sarap naman nito!'' Masayang sambit ko habang kinakain ang tinapay ''uhm!, oo nga!'' Dagdag ni Kuya.
''I'm glad you like it.'' Mahinahong sambit ni Marie, bakit ba ang linis ng boses niya?, ang aliwalas pakinggan.
Maya maya'y nagpaalam si Ate Eri na gagamit lang ng banyo, kaya kaming tatlo ni Kuya at Marie ang naiwan sa sala.
''So..'' sabi ni Marie sa amin at naghihintay ng aming isasagot.
Ngunit bago pa man kami makapagsalita ni Kuya ay biglang nanlabo ang aking paningin at gayun din si Kuya na bumagsak sa sahig ag hinanghina, parang may isang uri ng drug ang aking nakain, hindi ba galing iyon sa tinapay?, nanghihina ako.
Tumingin ako kay Marie at ito'y naglabas ng nakakatakot na ngisi, tumayo ito at lumapit sa akin, at may ibinulong ito.
''Sweet dreams, stone holder.'' Bulong nito sa akin.
Umiikot na ang pakiramdam ko hanggang sa nawalan ako ng malay.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...