--Kyo--
''Magaling na ako.'' Sabi ni Aquos kay Eri.
Ang Normal guardian na si Areus ay may kapangyarihang nagmumula sa tubig,apoy at hangin. Nagiiba ang anyo nito kapag nagkakaroon siya ng contact rito.
''Ikaw Calem, alagaan mo ako.'' Sabi ni Areus kay Calem na hanggang ngayon ay manghang mangha parin rito.
Kaagad na naglaho si Areus at bumalik sa bato.
''Wala nang threat, nabigo si Bia makuha ang bato na matatagpuan sa templong ito, puntahan na natin at nang malaman natin kung anong stone ang nasa kaniya.'' Sabi ni Eri at nauna nang nagtungo sa loob.
May kalakihan din ang templong ito at napakaliwanag sa loob, mayroon rin itong walong palapag, siguro nasa itaas ng templong ito ang stone holder.
''Sino po kayo?'' Tanong ng isang babae na nasa aming harapan.
''Ahh ehh..'' nauutal na sagot ni Calem at ibinalong ang tingin sa aming dalawa ni Eri.
''We are tourists, mayroon bang ruler ng templong ito or is it just a replica?'' Tanong ni Eri sa babaeng nasa aming harapan.
''Its not a replica, tatawagin ko lang si Nu.'' Sabi ng babae at umalos sa aming harapan.
''Nu?, sino yun?'' Tanong ni Calem na punjo ng pagtataka.
Maya maya'y bumalik ang babae na may dalang tsaa, at inanyayahan kaming tatlo na pumunta sa ikawalong palapag dahil iyon daw ang sabi ng kanilang pinuno na nagngangalang Nu.
Nang makarating na kami sa nasabing kwarto, humingi ng ilang minuto ang babae sa amin upang hintayin ang kanilang pinuno.
''Baka babae yung Nu?'' Tanong ni Calem at iniisip kung ano ang itsura ng pinuno dito sa templo.
''Nagkakamali ka, bata.'' Sabi ng boses ng isang lalakki na umalingawngaw sa buong kwarto.
''Lalaki sya, Calem.'' Sabi ni Eri at hinahanap kung saan nangggaling ang boses.
''Ikinagagalak ko kayong makilala stone holders'' sabi nito at biglang nagpakita sa aming harapan, siya yata si Nu.
''Ah, Nu?'' Tanong ni Eri sa aming harapan.
''Kilala ako dito sa pangalang Nu, pero Nuel ang buo kong pangalan. Naramdaman siguro ng protector na may isang stone holder dito sa templo at ako iyon, tama?'' Tanong ni Nuel sa amin, nababalot ng misteryo ang taong ito.
''Ang batang si Calem, nasa kaniya ang Normal stone, samatalang na kay Eri naman ang Water stone.'' Pagpapaliwanag ko kay Nuel.
''Nagtataka ka siguro kung bakit kulay asul ang luamabas sa iyong kwintas tama?'' Tanong ni Nuel sa akin, tama siya, nagtataka ako.
''Ako si Nuel, Ice Stone Holder.'' Pagpapakilala niya sa amin, kaya pala kulay asul, sumisimbolo ito pareho sa water at ice.
''Ice?, sino ang guardian mo?'' Tanong ni Eri, at punong puno ng pagkamangha ang kaniyang mga mata.
''Glacieria. Iyon ang pangalan nya.'' Sabi ni Nuel, iyon ang pangalan ng Ice Guardian.
''Glacieria, matagal ko na siyang hindi nakikita.'' Sabi ko habang nagmumuni-muni sa tabi.
''Stone holders, maaari ko ba kayong imbitahan sa isang duel?'' Tanong ni Nuel sa kanilang dalawa.
''Duel?, ano iyon?'' Tanong ni Calem.
''Para itong isang laro para sa mga guardians, sinusubok ang kanilang mga lakas sa pamamagitan ng paglaban nila sa kanilang mga kapwa guardians.'' Pagpapaliwanag ni Nuel kay Calen tungkol sa duel.
''Wala bang masamang maidudulot ito sa amin?'' Tanong ni Eri.
''Walang masamang maidudulot ang mga guardians sa mga stone holders, dahil ang intensyon lang naman ng duel ay ang subukin ang kanilang angking galing sa pakikipaglaban.'' Pagpapaliwanag ni Nuel.
''May tanong ako, inatake kami ng Dark stone holder kanina, duel din ba ang tawag doon?'' Tanong muli ni Eri.
''Assassinate ang tawag doon, ang pagatake sa guardian pati narin sa stone holder nito, pero mga stone holders o guardians na may masasamang intensyon lang ang gumagagawa noon, at masasabi ko nang masama ang Dark stone holder dahil kinain na siya ng dark aura.'' Pagpapaliwanag ni Nuel.
''Lalaban ka ba Calem o ako?'' Tanong ni Eri kay Calem.
''Lalaban ako, nang makilala ko pa nang husto si Areus.'' Sabi ni Calem at humarap kay Nuel.
''Mahusay, ilabas mo ang iyong hawak na bato at ipagdikit natin ito.'' Utos ni Nuel.
Inilabas ni Calem ang Normal stone at inilabas naman ni Nuel ang kaniyang Ice stone, ipinagdikit nila ito at sumigaw si Nuel.
''OPEN!''
At ang buong paligid ay nabalot ng puting liwanag.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...