--Eri--
''Hoy! Calem!, ano ba ang nasa loob ng mga kahon na ito?!'' Naiirita kong tanong kay Calem, kanina pa kami naglalakad samantalang siya ay hindi namamnsin at nakadungaw lang ang atensyon sa mapang kaniyang tinititigan.
''Oo nga!, kanina pa nakasalampak yang mukha mo dyan.'' Dagdag ni Marie at may hawak din itong maliit na kahon na sobrang bigat.
Inutusan si Calem ng kaniyang Mama na pumunta sa isang bahay ampunan upang ibigay ang isang kahon na hindi namin alam kung ano ang nilalaman nito, hindi raw kasi nito maihatid ng kaniyang Mama ang mga ito dahil may importanteng inaasikaso.
''Calem, nasaan na ba tayo?'' Tanong ni Kyo habang nangangawit na sa kaniyang bitbit na dalawang magpatong na kahon.
''Andito na tayo.'' Tipid na sagot sa amin ni Calem, kanina pa seryoso ito.
Nasa harap kami ng isang malaking mansyon, ito na ba ang sinasabi ng kaniyang Mama?, mabuti naman sana kung ito na yung lugar, kasi ang sakit na ng braso ko.
Kumatok si Marie sa malaking gate, maya maya'y may narinig kaming mga yapak at pansin namin parang ang ingay sa loob. Isang lalaki na may buhat buhat na anim na bata, bilib ako kay Kuya, ang lakas niya.
''Ano po iyon?'' Tanong ng lalaki sa aming harapan at parang hindi siya nahihirapan sa mga batang nakasabit sa kaniyang mga kamay, braso at may nakabakay pang dalawang batang lalaki sa kaniya, hindi kapanipaniwala ang mga nakikita ko ngayon.
''Ah!, ako po si Calem--'' hindi na natuloy ni Calem ang kaniyang sasabihin dahil bigla siyang hinatak papasok ng lalaki, nagawa niya pa iyon habang marami siyang bitbit?!
''Pasensya na, kasgsagan pa kasi ng social work ko ngayon, doon muna kayo maupo sa mahabang sofa, tapusin ko lang itong ginagawa ko.'' Sabi ng lalaki at itinuro ang mahabang upuan at umalis na siya.
Naupo kaming apat sa mahabang upuang iyon, tumagal din ng kalahating oras ang aming paghihintay at sa wakas ay dumating narin siya, naupo siya malapit kay Marie habang nagpupunas ng pawis gamit ang kaniyang bimpo.
''Ito po yung parcel na pinapabigay ni Mama.'' Sabi ni Calem at sabay sabay naming iniabot ang mga naturang kahon sa lalaki.
''Salamat, Calem pala ang pangalan mo, hindi ka na kasi napakilala ng Mama mo sa akin.'' Sabi niya at nakipagkamayan kay Calem.
''Ako nga pala si Eri, ito naman si Marie, at nga pala, Kyo ang pangalan niya.'' Pagpapakilala ko sa grupo namin, nakipagkamayan naman siya sa bawat isa.
''Ikinagagalak ko kayong lahat makilala, ako nga pala si Xin.'' Pagpapakilala niya sa amin habang siya'y nakatayo.''pagtitimpla ko lang kayo ng maiinom.'' Dagdag pa nito at umalis saglit.
Habang kami ay naghihintay, katahimikan ang nangibabaw sa aming lahat.
''Wala pa akong ideya kung anong klaseng stone holder ang makakaharap natin itong mga susunod na araw.'' Sabi ko habang nagpalinga linga sa paligid.
''Dapat lagi tayong nakahanda anuman ang mangyari.'' Sabi ni Calem.
Maya maya'y dumating na si Xin dala ang apat na juice na may kasamang matatamis na biscuit at tinapay.
''Xin anong trabaho mo rito sa orphanage?'' Tanong ni Marie kay Xin habang kumakain ng tinapay.
''Isa akong social worker, part time lang ako dito pero dahil napamahal ako sa mga bata, full time na.'' Sabi ni Xin at ito'y nakangiti abot batok.
Maya maya'y napnsin namin na parang hindi mapakali si Kyo sa kinauupuan niya, at halatang pawis na pawis ito.
''Kyo, ayos ka lang ba? Naiihi ka ba?'' Tanong ko sa kaniya, lumapit siya sa akin at parang may ibubulong.
''Ang bato, nagliliwanag.'' Bulong niya sa akin, pati ako ay nakaramdam ng kaba.
''Ano yang umiilaw sa bulsa mo?, baka may tumatawag sa cellphone mo.'' Sabi ni Xin kay Kyo dahil halatado na umilaw na ang bato.
''Ah e-eto b-ba?'' Nauutal na sabi ni Kyo, nanginginig na ito sa sobrang kaba.
''Xin!'' Sigaw ni Calem at agad namang napaharap si Xin.'' Hmm?'' Takang taka si Xin ikinikilos ni Calem.
''Isa kang stone holder!'' Sigaw ni Calem.
''Bingo!'' Casual na sabi ni Xin at pumalakpak ng isang beses.
BINABASA MO ANG
The Crimson Stone
AdventureCrimson Stone, o kilala sa mga nakakatanda na ang ''Jewel of Life" ang may dahilan kung bakit mayroong uniberso at nagbibigay buhay sa mundo. Pinakaingat inagatan ito ng mag tagapagbantay sa isang kastilyong kung tawagin ay ang The Excalibur, isang...