Chapter 12: That False Hope

137 12 4
                                    

--Calem--

Ang sakit ng ulo ko, umiikot parin ang pakiramdam ko, sinubukan kong gumalaw ngunit hindi ko magawa, hindi ako makagalaw.

Idinilat ko ang aking mga mata at nakita ko ang aking sarili na nakatali sa upuan, walang malay si Kuya. Nilibot ko ang aking paningin at nakita sa may bandang kusina si Ate Eri.

''A-te Eri..'' nanghihinang sabi ko sa kaniya.''

Lumingon siya sa akin, at agad siyang tumakbo papunta sa akin.

''Calem! Kailangan na nating umalis dito! Bago pa siya magising!'' Sabi ni Ate Eri, habang tinatanggal ako sa pagkakatali.

''Aray! Ate masakit!'' Sigaw dahil dahil parang hahatiin ang katawan ko sa higpit ng pagkakatali.

Maya maya'y bigla itong nawala dahil sa may humiwa rito, luingon kaming dalawa kung saan ito nanggaling.

Isang nilalang na may mga malalaking galamay ang aming nasa harapan, napasigaw ako, pero mamaya maya'y napansin kong nanghihina ito at uugod ugod na lumapit sa amin, at nagsalita.

''Ako na ang bahala sa kaniya, ang mahalaga ay umalis na kayo.'' Sabi nito, hindi ko man alam kung bakit, sumunod nalang ako.

''Salamat sa oagtulong kay Calem.'' Sabi ni Areus na biglang lumitaw sa kaniyang harapan.

''Normal guardian.'' Nasambit ng nilalang kay Areus.

''Ito na ang sukli sa iyong kabaitan, Poison guardian.'' Sabi ni Areus, siya pala ang guardian ng poison, pero iyon lang ang nalalaman ko sa ngayon dahil hindi ko talaga alam kung ano ang nangyayari.

Pumikit si Areus, nag iba ang anyo nito at ito'y nagmukhang hangin. Pumikit din ang poison guardian at nang dumikat ito, ang mga sugat nito ay wala na, gumaling na ang mga galos niya sa kaniyang katawan.

''Salamat Areus.'' Sambit ng poison guardian kay Areus.

''Walang anuman, Milulun.'' Sabi ni Areus sa poison guardian, Milulun pala ang kaniyang pangalan.

''Ngayon, habang may oras pa, umalis na kayo.'' Sabi ni Milulun sa amin matapos magising ni Kuya Kyo at mahiwa ang tali nito.

''Calem, huwag tayong aalis.'' Sabi ni Areus habang hila hila ang aking kwelyo.

''Huh?!, bakit naman, baka kung ano pa ang gawin ni Marie sa atin, kaya tara na!'' Pag-aaya ko sa kaniya ngunit ayaw niyang patinag.

''Tatlo kayo dito, parang kaya naman kayong talunin ni Marie e isa niya lang.'' Pagmamatigas ni Areus, kung tutuusin tama sya.

Huminahon na kaming tatlo nila Ate Eri at buinuhat namain si Marie at inihiga sa sofa, hinihibtay namin itong magising.

''Milulun, sino ba talaga si Marie?''tanong ni Ate Eri kay Milulun.

''May pangarap si Marie at matagal na niya itong gustong matupad. Iyon ay isang maging magaling na manunulat.'' Pagsagot ni Milulun sa tanong ni Ate Eri.''Pero nagbago ang lahat ng iyon dahil sa isang pangako, ng isang babae.'' Dagdag pa nito.

''Babae?'' Tanong ko, sinong babae?

''Puro problema ang nakaharap ni Marie nang mga araw na iyon, isang babae ang lumitaw sa kaniyang harapan, nagpakilala ito na kaibigan niya, pinangakuan siya nito ng isang paraiso, na kapag ito'y natupad ay makakaramdam siya ng ginhawa at hindi na mamomroblema pa.'' Pagpapaliwanag ni Milulun.

''Anong pangalan ng babae?'' Tanong Kuya Kyo.

''Bia ang kaniyang pangalan.'' Sabi ni Milulun.

''Bia!, ang dark stone holder!, ang sama niya, bakit hindi mo ba siya tinagkang pigilan?'' Tanong ni Ate Eri, napansin namin na hindi makatingin sa amin ng diretso si Milulun.

''Kinausap ko siya, ngunit hindi siya nakikinig sa akin, tinutulak niya palayo ang mga taong malalapit sa kaniya na gusto siyang tulungan, walang siyang ibang sinabi kundi ang lupang pangako, paraiso at anumang mga bulaklak na salitang sinabi sa kaniya ng babaeng iyon, isa akong guardian, wala akong magagawa kundi sundin kung anumang mithiin ng stone holder.'' Sabi ni Milulun habang nakayuko.

Maya maya'y nagkaroon na ng malay si Marie, napahawak ito sa ulo at nahihilo pa ito, nang makita niya kami, nagulat ito, sinubuksan niyang tumayo pero nawalan siya ng balanse at mabuti naman ay nasalo siya ni Kuya.

''Magbabayad ka, water stone holder!'' Sigaw ni Marie kay Ate Eri.

''Tutulungan ka namin.'' Mahinahong sabi ni Ate Eri.

''Si Bia lang ang tutulong sa akin, kaya ko ang sarili ko, para matupad ang aking munting paraiso!'' Pagmamaktol ni Marie, pilit na nagpupumiglas habang hawak hawak siya ni Kuya.

Nakatingin lang si Milulun sa poison stone holder, hindi ito gumagalaw, naaawa siya sa kaniyang itinuring na kaibigan na nilason ni Bia ang pag iisip.

''Calem.'' Tawag sa akin ni Areus.

''Bakit Areus?'' Tanong ko.

''May gagawin lang ako.'' Sabi nito.

Lumapit si Areus sa nagwawalang si Marie, hinawakan nito ang ulo ni Marie, at bigla itong natahimik, nakatulog ito, at inihiga ito sa sofa.

Mahimbing ang tulog ni Marie habang kami ay tahimik lang din siyang pinapanuod, maya maya'y nagsalita ito habang natutulog.

''Nung bata ako, pumupunta ako sa kwarto ni Papa, kung saan siya nagsusulat ng kaniyang mga business reports, nilalapitan ko siya at itatanong kung ano ang ibig sabihin ng mga malalalim na salita na hindi ko maintindiahan, kumukuha siya ng papel at itinuturo sa akin ang tamang pagsulat at kung papaano bigkasin ang mga ito.'' Sabi ni Marie habang ito'y natutulog.

''Ako ang nangunguna sa klase noon, dahil gusto kong maging proud si Mama at Papa sa akin, hindi ko pinanasin ang mga taong may ayaw sa akin, dahil ang iniisip ko noon ay ang umasenso.'' Dagdag niya.

''Masasagot din pala ang lahat ng problema, napagtanto ko na lahat ng tao ay may mga tinatagong problema, hindi lang ako.'' Sabi nito at dumilat.

Umiiyak ito na humarap kay Milulun at niyakap ito.

''Nakita ko sa isip mo na kahit kailanm si Milulun ang kinilala mong kaibigan, heto kami, gusto mo ba kaming maging kaibigan.?'' Tanong ni Areus kay Marie.

Naglabas ng isang malaking ngiti si Marie sa kaniyang labi, isang ngiti na puno ng kasiyahan. At nagsabing.

''Uhm!''

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon