Chapter 32: Mysterious Dream

37 6 2
                                    

--Calem--

Nasa isang madilim na lugar ako, walang ilaw, walang tao. Ako lamang naririto.

Hindi ko malaman ang kasagutan, isa itong panaginip, pero tungkol saan?

"Calem"

Isang boses. Isang boses ang tumatawag sa aking pangalan.

"Calem, matagal tagal na panahon rin, malapit na tayo magkita."

Sabi iyon ng boses. Hinanap ko ito ngunit hindi ko matagpuan kung saan ito mismo nanggagaling.

"Makipagsapalaran ka muna, hihintayin kita. Hanggang sa makamit mo ang tagumpay upang matalo ang kadiliman."

Sabi iyon ng boses ng aking naririnig, at nag liwanag ang paligid, nasa isang open field ako. Naroon si Bia at ang kaniyang dark guardian na si Deimata.

"Black Aura!" Sigaw iyon ni Bia at umayake si Deimata, aatake na sana ako kaso napag alaman kong wala ang aking guardian.

"Open!"

Isang sigaw ang aking narinig, biglang naglaho ang aking kalaban at muling nagdilim ang paligid.

"Maiintindihan mo rin Calem kung ano iyon."

Iyon ang sabi ng boses, pero hanggang ngayon ay nakakulong parin ako sa panaginip, hindi ko alam kung paano ako gigising at kung paano ako makakatakas sa bangungot na ito.

"Huwag kang matakot. Mabuti ako. Ako si Isla."

Sabi ng boses, Isla ang pangalan niya, ngunit hindi ko sya nakikita, ubod ng kadiliman ang aking mga mata.

"Isla, maaari mo ba akong ibalik sa realidad?" Sabi ko at agad na may pagsabog akong narinig, nagising ako sa panaginip.

Madaling araw na pala at tulog pa sila Eri, Ren, Papa at Kuya Kyo. Nasa kani kanilang bato naman ang mga guardians.

Maya maya'y lumabas ang Psychic guardian na si Piriluk.

"Ano ang gumagambala sa isip mo binata?" Tanong ni Piriluk sa akin.

"Isang panaginip." Sabi ko sa kaniya.

"Sa aking pagkakaalam, ang mga panaginip na iyong nakikita bilang isang stone holder ay nangyayari sa hinaharap, isa siguro itong pahiwatig na ito ay mabuti o masama." Sabi ito ni Piriluk, sumang ayon naman ako sa sinabi niya.

"Calem! Maghanda ka! May nararamdaman ako!" Agad ba sigaw ni Areus at nagising lahat.

Lumabas kami at nakita namin ang isang itim na usok nabumabalot sa lugar namin. At maraming sigaw ang aming naririnig.

"Kagagawan ito ni Bia!" Sigaw naman ni Ate Eri.

Mula sa itim na usok ay lumabas si Bia na nakasakay sa kaniyang dark guardian na si Deimata.

"Anong pakulo ito Dark guardian?" Tanong naman ni Kuya Kyo, ngumiti lamang ang mga ito at nagsalita si Bia.

"Naghihintay ako ng laban natin, nang wala ng sagabal, sisirain ko ang lahat ng ito, at tayo lang ang matitira! Para malinis!" Sabi ni Bia na ikinagalit ko, huwag niyang idadamay ang mga inosenteng tao dito.

"Deimata! Assassinate!" Sigaw ni Bia, agad na sumugod si Deimata sa amin, hindi namin ito napaghandaan. Matatamaan na sana kami nang biglang tumalsik ang Dark guardian.

Pagdilat ko, isang tao ang nababalot ng itim na tela ang nasa aming harapan.

The Crimson StoneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon