Chapter Twenty Eight

261 72 21
                                    

CHAPTER TWENTY-EIGHT: A TALK

'Sorry I had to go early, I needed some time and I was exhausted kaya let's call each other later! Ily.'

Sinend ko yung message kay Ares, hindi ko nasabi sa kanya na uuwi ako agad at hindi ko siya sasamahan pag-uwi or anything. Medyo nacoconfuse ako sa mga nangyayari at medyo naiinis din ako.

Ano ba 'tong mga pinagsasabi ni Quinten? About me and Alex? Ano bang meron ang mga Cardoza? Ano ba talaga sila? Ano bang meron about kay Ares... too.

Masyado kong nakakasama si Ares, we only had two dates so far dahil lagi naman kami nagkikita sa school so mas madami kaming ginagawa na magkasama kami.

I need to prepare my college applications and resume first bago ko isipin siya mamaya at bukas. My dad is probably just waiting for my full college application and kung anong desisyon ko.

Kung kailan ako nag-senior kung kailan ako natakot sa college. That's when I realized na nangyayari na talaga 'to. I am scared. I'm surprised wala ding pake si Quinten, kung wala pa rin sa college kahit na grumaduate siya this year last March then magiging kaklase ko siya?

Ew! He better not choose fashion designing.

Mababaliw ako.

"Welcome home, Genevieve." The moment I opened the door of our house ay narinig ko agad yung pag-greet sa'kin ni daddy. He's sitting in the sofa with nothing but taking a sip of his classic black tea.

He's not even wearing his tuxedo or work clothes pero his casual clothes. Mas mukha siyang gumagwapo sa itsura and dahil sa gaano ka-natural ang mukha niya. Daddy was one of the hottest and richest bachelors back then, yep... that's my father.

The fact that Quinten also looks like him, jesus... it's scary.

"Yes po dad, good afternoon po." I told him, tumayo siya at ngumiti nang malaki sa'kin.

Naglakad siya papalapit sa direksyon and then he stopped in front of me, "I want to have a talk with you at my office..." he said.

Office? May pag-uusapan nanaman ba about sa college? Maybe... that's it. I need to act mature but naaalala ko tuloy na kailangan ko lang bilisan 'tong pag-uusapan naming ni dad because the earlier I call Ares the better, I miss him way too much.

I'm already obsessed or I've always been.

"Is there something funny?" I realized ko ang paglaki nang ngiti ko sa sinabi ni dad, I'm already thinking about him hindi ko pa nga siya natatawagan.

"No... ngayon na po ba, dad?" I asked him and nilagay yung backpack ko sa couch.

"Yes, if you want." He said. Hindi ba talaga siya busy ngayon? As in? tsaka parang ang aga ni dad, wala ba siyang investment or meeting today with anyone?

Oh wait a minute...

Kung nandito siya ba't hindi niya in-attend yung meeting with the NEOA school? Ba't si Quinten ang pinapunta niya imbes na siya? What's happening?

Seriously? Hindi ko maintindihan pero tinatry ko na lang kumalma and to think straight. I'm out here stressing myself nowadays dahil kay dad, now Alex and Rina and then si daddy again.

Pumasok ako sa loob nang office ni daddy, it's much lighter than before. Before talagang alam mo na busy si daddy pero ngayon it's like it's better.

Soft Boy ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon