Chapter 5

17 5 0
                                    

Andrei's POV


Ilang linggo ang lumipas at mas napalapit ako kay Jaiz. Ang alam ko lang ay masaya ako kapag kasama ko siya.


"Jaiz.. psst!" tawag ko sa kaniya na nagccellphone. Nasa restaurant kami dahil dito na kami palagi kumakain. Pagttrippan ko sana siya kaso tinignan niya ako ng masama.


"Why didn't you tell me?" malamig niyang tanong. Alam kong lalaki ako pero kung kayo yung nakakakita sa mukha niya ngayon, kanina pa kayo tumakbo.


"Ang a- alin?" nautal pa ko.


"That you're a Dominique! That you own this restaurant!" she looks so pissed.


"HAHAHAHA.. Una, hindi ka naman nagtanong. Pangalawa, hindi pa sa'kin to. Kay dad 'to at mapupunta lang daw sa'kin to kapag nagseryoso na ako." paliwanag ko.


" Magseryoso sa pag-aaral o sa isang babae?" sumilay ang mapang-asar na ngiti sa labi niya.


" Hmm.. depende kung wala akong makitang magandang babae edi magseseryoso muna ako sa pag-aaral. Pero pwede ring both"


" Please make it fast. Naiinis na ako sa mga rumor na may boyfriend ako. Nakakatakot din yung mga fan girls mo, ang sasama makatingin sa'kin eh wala naman silang alam. " sabi niya tas umirap.


" Actually, nahanap ko na. Magkaharap kami ngayon " sabi ko habang nakatingin sa mga mata niya. Hindi niya narinig yung huli kong sinabi, ni hindi ko nga namalayan na naibulong ko yon.


Noong una akala ko naaalala ko lang yung ex-girlfriend ko sa kaniya. Parehas kasi sila ng accent at buhok. Kaso sa loob ng ilang linggo na palagi ko siyang kasama, masasabi kong gusto ko na siya.


Yung pag-aalala ko sa kaniya noong nakita ko siyang nahihirapang tumayo. Noong sinabi niyang 'Yes. Stupidly in love with you'. Yung pagtindig ng balahibo ko noong inamoy ko siya. Yung pag-iyak niya dahil sa ggo niyang best friend. Sa pag slow motion ng ikot niya.


Noong una denedeny ko pa pero ngayon alam ko na sa sarili ko na gusto ko na siya. Sigurado na ako na gusto ko siya. Gusto ko siya.

~~~

Seraphina's POV


Ilang linggo na kaming hindi nagpapansinan ni Tristan. Hinayaan ko na siya, bahala siya sa buhay niya. Buti na lang palagi akong iniinis ni Andrei kaya nakakalimutan ko na nawalan na ako ng best friend.


" Punta ka sa bahay sa sabado ha" sabi ko kay Andrei. Wednesday ngayon at sa sabado na pala yung birthday ko. Gagawin kong masaya yung birthday ko. I'm turning 18 and it will be a first time again after 5 or 6 years. Ayaw ko kasing magpahanda, ayaw ko ng masayang birthday simula noong umuwi kami dito.


" Bakit anong meron?" takang tanong niya. Oh! I remember.. Si Tristan lang ata ang nakakaalam ng birthday ko.


"Wala lang. Gusto ka lang makita at maka-usap ni mom." tumango siya sa sinabi ko. Hindi ko alam pero wala akong balak sabihin na birthday ko.

~~~


Naglalakad kami ni Andrei palabas ng gate at nahagip ng paningin ko si Tristan na nakatingin sakin. Wow ha! after how many weeks, tumingin siya sakin.


Nang napansin ni Andrei si Tristan ay bigla niyang hinawakan ang bewang ko. Bolta boltaheng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. I'm absolutely blushing!


Nilagpasan namin si Tristan at tuluyan ng lumabas ng school. Nagulat na lang ako nang may humila sa braso ko. Hindi ako tuluyang napaharap dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ni Andrei sa bewang ko.


" Seraphina, let's talk" mahinahong sabi ni Tristan. Take note hindi siya nagtanong. Bwisit. Marahas na inalis ni Andrei ang pagkakahawak sa'kin ni Tristan. Nung tinignan ko yung mukha niya feeling ko may nakapalibot na black aura. Tinignan ko din si Tristan. 'Tong dalawang to for sure nagpapatayan na to sa tingin.


" Hands off. You are holding 'my girl.' I am territorial." malamig na sabi ni Andrei. Hinila niya ako pero mabilis na hinawakan ni Tristan ang kamay ko.


"Hindi mo siya pag-aari, huwag kang makipaglokohan sa'kin" sabi ni Tristan at hinila ako pero sobrang higpit ng hawak ni Andrei kaya hindi ako nakawala.


"Uhm.. ano to tug of war? Ako yung lubid dito? Hello? Nasasaktan ako." sabi ko sa dalawang hindi man lang ako tinapunan ng tingin. Naiinlove na ba kayo sa pagtititigan niyo?


"Bitiwan mo siya." sabay nilang sabi. Hayyy kakastress!


"'Pag hindi niyo ako bibitawan, magpopost ako sa page ng school na naiinlove na kayong dalawa sa isa't isa at ako ang naging tulay ninyo." natatawa kong sabi. Lechugas! wala pa rin epek!


"ISA!" malakas kong sabi kaya napatingin silang dalawa sa'kin.


"'Pag umabot ng tatlo parehas kong sisipain yang nasa gitna ng hita niyo. Hindi ako nakikipagbiruan ah!" napapadyak sila sa sinabi ko.


"Dalawa!" pinigilan ko yung tawa ko dahil sabay nilang niluwagan ang pagkakahawak nila sa'kin.


"Tat-" ayun at tuluyan na nila akong binitawan. Pumara agad ako ng tricycle at nauna ng umuwi. Buti naman at natakasan ko yung dalawang yun! Ayaw naman pala nilang mabaog eh! HAHAHA

~~~

Pagdating ko sa bahay, nagtaka ako kung bakit type ng type si mom sa phone niya.


"What are you doing, mom?" tanong ko at humalik sa pisngi niya.


"Wala.. naglalaro lang" nakangiti niyang sabi.


"Ok mom. Bihis muna ako" sabi at tumalikod na. I'm still not convinced, mom.

~~~

Seraphina's debut


Napakaganda ng tulog ko, gising ang diwa ko nang narinig ko na bumukas yung pintuan pero inaantok pa din ako kaya nanatili akong nakapikit. Maya maya naramdaman ko na lang na hinahaplos niya ang buhok ko.



Napakasarap sa feeling. Ganito kasi dati yung ginagawa ni dad sa'kin, hahaplusin niya yung buhok ko tas hahalikan niya yung no-



Natigilan ako nang hinalikan niya yung noo ko at naamoy ko yung pabango niya.


Nananaginip lang ako. Please self gumising ka na.


Yan yung paulit ulit kong tinatatak sa utak ko. Imposible naman na nandito si-


"I love you, baby" malambing niyang sabi. Binuksan ko agad ang mata ko at nakita ko ang asul niyang mga mata. No. NO. NOOOO


Can someone tell me that I'm just dreaming?!

~~~

To be continued..









Hello! Happy reading!

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon