Seraphina's POV
Natahimik ang lahat. Sa sobrang tahimik, rinig na rinig ang pagsinghot ko.
"Get out" malamig na sabi ni Andrei. Napatingin agad ako sa kaniya. Bigo akong umatras at aalis na sana nang sumigaw si Andrei.
"I said get out!" agad na kinaladkad nina Dun si Bethany. Paalis na rin sana ako nang magulat dahil nagsalita na naman siya.
"Where do you think you're going?" taas kilay niyang tanong. Tinuro ko pa ang sarili ko para makumpirma kung ako nga ang sinabihan niya. Tumango nga siya.
"Stay here, we'll talk" sabi niya at lumapit sa table niya. Umupo siya at mariin akong tinignan. Nailang ako kaya kung saan saan na ako tumingin. Kahit ang garbage bin ay hindi nakaligtas sa paningin ko.
"Come here" sabi niya na sinenyasan pa akong lumapit.
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Kinakabahan ako. Pano pag galit siya? Malamang magagalit yon! Akala ko ba naman ay matalino ka! Pagdating kay Andrei nabobo! Hay nako..
"What are you doing?" kunot noong tanong niya.
"Huh?" halata sa mukha niyang pinipigilan niyang tumawa.
"Bigla ka na lang pumikit at nagtakip ng tainga" pigil ang tawang sabi niya. Napapikit naman ako ng mariin at ibinaba ang mga kamay kong hindi ko namalayang naitakip ko pala sa tainga ko.
Ngumisi siya at sinayaw sayaw ang swivel chair niya.
"Care to explain?" biglang sabi niya. Lumapit naman ako sa kaniya at yumuko bago nagsalita.
"Sorry, Andrei! Sana nakinig ako kay mom! Sana kinausap muna kita! Lecheng Bethany naman kasi eh! Nilalandi ka habang wala ako! Kasalanan mo rin eh nagpapalandi ka! Tapos bigla ba namang nagsend noong video na ano.. na SPG! tapos Nagalit ka sakin kasi hindi ako tumutupad sa usapan. Pero kasi! Super full ng sched ko. Tapos.. tapos.. wala na. Sorry ulit" hiningal ako pagkatapos.
"Wow. Akala ko ba singer ka, ba't bigla kang naging rapper? Actually 'sorry ulit' lang ang naintindihan ko." natatawang sabi niya.
"Di kasi nakikinig eh" bulong ko.
"I heard that. Ang sabihin mo, kinakabahan ka." ngumisi na naman ang loko.
"Ako? Ba't naman ako kakabahan?"
"Kapag malapit ako. Kinakabahan ka kapag malapit ako." ngumisi siya
Confidence Level 999
"At sinong tangang nagsabi sayo?" unti unting nawala ang ngisi niya.
"Ah ganon?" sabi niya at tumango tango.
"Isusumbong kita sa daddy mo" parang batang dagdag niya.
"Na ano?"
"Na totoong buntis ka pero hindi ako ang tatay" nakangisi niyang kinuha ang phone niya.
"Ah okay" walang gana kong sagot. Binagsak niya ang phone niya at pinagkrus ang kaniyang braso.
"Akala ko ba nagso-sorry ka?" medyo inis niyang sabi.
"Uh.. kanina, oo" tatango tango kong sagot.
"Hindi ko tatanggapin sorry mo." parang batang sabi niya.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...