Seraphina's POV
(Hey! Just wanna warn you.. may part na SPG.. very very light lang naman.)
Para akong sinagasaan ng sampung ten wheeler truck sa narinig. Parang gusto ko na lang umuwing Pilipinas.
You're a hell of a manipulative bitch, Bethany.. Napakaaaaaaaahusay. Napapalakpak mo ako. Peste.
Alam kong kailangan kong matulog pero hindi ko magawa. Iniisip ko pa rin ang lintik kong pinsan. Ba't ko ba kasi nakakalimutang matatalino ang lahi ng daddy ko.
Kaya antok na antok ako habang minemake-upan. Muntik na nga akong makatulog. Tinapos muna nila lahat ng kailangan ko saka nila ako hinayaang matulog.
~~~
"Poor you, twinny.. I'm his first love. That's why he still have my name on his back."
Agad akong napabalikwas nang narinig kong ginigising na ako.
Argh! A freaking dream!
Ni-retouch naman nila ako. Para akong lantang gulay. As in wala akong ganang kumilos. Hindi pwede to.
Ayun nanood kami ng funny videos tas nagjumping jacks na rin kami. Mabuti naman at sinamahan ako ng make up artist.
"Standby for five minutes." paalala ng staff. Kabado na ako. Habang nasa lift ay hindi talaga ako mapakali. Lumapit sakin yung hair stylist at inayos ang buhok ko.
"Black looks good on you." sabi niya habang inaayos ang buhok ko. Yes, I dyed my hair black. Ayoko na kasing magkatulad pa kami ni Bethany.
"You think so?" tumango lang siya at ngumiti. Iniwan na niya ako at unti unti ng tumataas ang lift.
Nung nasa stage na ako halos hindi ko na marinig ang music. Puro sigawan at tilian. May mga posters and tarpaulins na may mukha ko. Wala akong nagawa kundi ang ngumiti ng sobrang lapad at kumaway sa mga tao. Oh my gosh! It feels like it's my own concert. Nahiya tuloy ako kay RARA.
Kahit busy ako kakakaway at ngiti sa mga tao, pasimple akong sumenyas sa mga staff na taasan ang volume ng ear piece ko. Hindi ko kasi talaga marinig. Nang makarinig na ako, tapos na ang second verse ng kanta at pre-chorus na.
"Good evening!!" sigaw ko habang sumisenyas na itigil ang music. Nagsitilian ang mga tao.
"They really want to see you, girl" sabi ni RARA na tinawanan ko lang.
"Wow! I like the energy guys. It's making my heart beat soooo fast! It's flattering guys. Thank you for the warm welcome. Now, allow me to sing a song." sabi ko at ngumiti. Nilingon ko ang banda kaya nagsimula na silang tumugtog.
Nakailang kanta na kami ni RARA pero sigawan pa rin ang mga tao. Hello? hindi ba kayo mapapaos? Teka.. sino yon? May nakita akong pamilyar na lalaki pero mabilis itong nawala. Hindi ko na lang pinansin at nagpatuloy sa ginagawa.
"Again.. Your Singer Sweetheart! Seraphina!" anunsyo ni RARA. Kumaway kaway muna ako saka nagbow.
"Thank you!! Thank you for coming to RARA's concert guys. Also, thank you RARA for choosing me to be one of your guest tonight. You even moved your concert. It's such a great honor. I feel so happy guys. Again, thank you. This is your Singer Sweetheart! Seraphina! Good night everyone!" at naghiyawan na naman ang mga tao. Pagbaba ko sinalubong agad ako ng ibang staff.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...