Seraphina's POV
Nagising ako nang marinig kong tumutunog ang phone ko. Idinilat ko ang isang mata at ang isa ay nakapikit pa rin. Hindi maliwanag ang nakikita ko dahil kakamulat ko lang at pinindot ko na ang phone ko.
"Hoy! Seraphina! Kailan ka uuwe ha? Hindi ko na nakikita si Kate!" gusto kong itapon ang phone ko nang marinig ang nakakabwisit na boses ni Tristan.
"Hindi marunog mag-hello? Kahit good morning? wala? Hinde ako uuwe! Tanga neto.." sigaw ko at pinatay ang tawag. Pumikit ulit ako at nagtakip ng unan sa mukha. Hindi pa naka-isang minuto ay tumunog ulit ang phone ko. Binalewala ko lang iyon at pumikit ng mariin. Ilang sandali ay inis kong dinampot ang phone ko at sinagot ito ng hindi tinitignan ang caller.
"Hindi nga sabe ako uuwe!!" malakas na sigaw ko. Tahimik ang kabilang linya, buntong hininga niya lang ang narinig ko.
"I know.. you don't have to yell at me" boses ni Andrei ang narinig ko kaya chineck ko ang caller.
My Babe
"Ah.. B-Babe. Uhm, I'm sorry akala ko kasi si Tristan yung tumawag. ehehe" utal kong sabi, kinakabahan.
"Oh, I see." walang gana niyang sabi. Hinintay kong sundan niya ang sasabihin pero ang paghinga niya na lang ang naririnig ko. Tahimik din ako dahil hindi ko alam ang sasabihin.
"I heard nag-away kayo ni tita? Sana nakinig ka na lang. Ayos lang—" agad ko siyang pinutol.
"No. Uuwi ako. Two weeks lang ang usapan, pagkatapos ay uuwi ako."
"No, babe. Makinig ka sa mommy mo please. Ayokong mapahamak ka. Pagpipiyestahan ka ng mga tao kapag lumabas ka."
"Eh uuwi nga ako!"
"Eh kung may na-inggit sa kasikatan mo at ipapatay ka?! May magagawa ba iyang katigasan ng ulo mo?! God, babe! Ba't ba ayaw mong makinig?!" gigil na sigaw niya sakin. Sa gulat ko ay hindi agad ako nakapagsalita. Bumunton hininga siya.
"Look, I'm sorry babe. I'm just worried. Ikaw lang naman ang inaalala ko—"
"Kaya nga gusto kong umuwi dahil inaalala rin kita!" huminga ako ng malalim bago magsalitang muli. "Ayaw kong nag-aalala ka sakin. Gusto kong panatag ang loob mo. At alam mong nasanay tayong hindi nalalayo sa isa't isa."
"Oo, nasanay tayong magkasama pero mas gusto kong hindi ka mapahamak kaya hindi ko hahayaang ikaw na naman ang mananalo." mahinahon niyang sabi at binaba na ang tawag.
I guess you win this time, babe.
~~~
Tahimik kaming kumakain ng breakfast. Sumusulyap si dad sa'kin tapos ay susulyap siya kay mom. Nang tingnan ko si mom ay tahimik lang siyang nakatutok sa pagkain.
"So.. uhm, baby?" pagbabasag ni dad sa katahimikan.
"Dad?" - ako
"Yes, daddy?" - Nathan
Gulat kaming nagkatinginan ni Nathan. Agad akong nag-iwas ng tingin at yumuko para matutukan ng pagkain.
"No, not you Nate." mahinahong sabi ni dad. "Seraphina, what's your plan today?" he said with a small smile.
"Stay in my room, of course." walang gana kong sabi at pinaglaruan ang kanin.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...