Seraphina's POV
Tahimik lang kami sa loob ng kotse. Nakatulala lang ako sa labas ng bintana at minamasdan ang malakas na ulan habang siya ay nagmamaneho. Hindi nagtagal ay bigla na lang akong bumahing. Tatlong bahing na magkasunod at halos makatulog ako sa pagod. Inabot niya naman sakin ang tissue.
"Ba't naman kasi nagpaulan ka?" nahihimigan ang konting inis sa boses niya.
"Kasalanan ko ba? I was having a moment with my mom and the rain ruined it. Epal.." sabi ko habang pinupunasan ang ilong ko.
Bumulong bulong siya na hindi ko maintindihan pero hindi ko pinansin. Maya maya ay nagsalita ulit siya.
"Kumusta ka na?" tanong niya.
"Okay na ko" alinlangang sagot ko.
"Dapat lang. Sa tagal mong hindi nagpakita samin malamang magiging okay ka na." may halong pagtatampo sa boses niya.
"Nagtatampo ka na ba?" pang-aasar ko.
"Hindi ah! Hindi talaga! Hindi ka lang naman tumawag. Hindi ko man lang alam ang kalagayan mo. Tapos nali-link ka sa mga lalaki, kay Luke at sa ibang artista tapos ngayon yung kasama mo sa banda! Kaya bakit ako magtatampo?!" gigil niyang sabi at hinampas hapas pa ang manibela. Tumawa ako ng malakas. Naputol lang ang tawa ko nang tumunog ang phone ko.
Benidict Bwi Calling..
"Hello?" panimula ko.
"May kasalanan ka sakin, libre mo kong dinner" napa-irap na lang ako.
"Pass. May kasama ako." sabi ko sabay tingin sa katabi ko.
"Sino yan?" tanong niya sakin na sadya niyang nilakasan para marinig ni Benedict.
"Ooh" rinig ko sa kabilang linya.
"Si Benedict" sagot ko at nagulat nang hatakin niya ang phone ko.
"Magkasama na nga kayo ng ilang taon tapos may patawag tawag ka pa." seryoso niyang sabi.
"Tristan!!" sigaw ko at kinuha ang phone ko.
"Dude, what the hell?" bulong niya.
"I'll call you back later." mabilis kong sabi at pinatay ang tawag. Tinignan ko ng masama si Tristan.
"Isusumbong kita kay Kate." banta ko sa kaniya. Kita ko ang agarang pagsama ng mukha niya.
"Like I care.." sabi niya.
"Ano?! Tatawagan ko siya." sabi ko at nagpipindot sa phone ko.
"Wag" sabi niya na napapakagat labi. Hindi ako nakinig at nagsimulang magring sa kabilang linya.
"Hello ate?" mahinghing sagot ni Kate.
"Kate! Busy ka ba? Pwede ka bang pumunta sa bahay?" ramdam ko ang pagbilis ng pagpapatakbo ni Tristan kaya lumingon ako sa kaniya. Sinesenyasan niya ako na patayin ang tawag pero hindi ako nakinig.
"Hindi naman po, may tinatapos na lang po ako. Bakit ate?"
"May kasama kasi ako na pasaway.. baka gusto mong pagalitan?" ngising sabi ko.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...