Seraphina's POV
Naloka ako sa biglang pagdating ni Dad. Mas naloka ako sa pag-amin ni Tristan. Pinakanaloka ako dahil nagpaalam si Tristan kay Mom and Dad na nililigawan niya ako.
Kasalukuyan akong naiinis kay mom. Nakaupo kami sa garden at sinadya talaga ni mom na pagtabihin kami ni Tristan. Walang nagawa si dad kahit na tutol siya. Hindi payag si dad na manligaw si Tristan sakin pero umangal agad si mom. Hindi na nakipagtalo si dad, hindi naman siya mananalo kay mom eh.
"Kailan po tayo magsstart magdecorate? Bukas?" inis na tanong ko kay mom.
"Hindi tayo magdedecorate anak, tayo tayo lang naman eh"
"Oh.. o-okay" malungkot kong sabi. Nag-expect akong maghahanda kami. Hindi pala.
Natahimik na lang ako at nagselpon na lang. Busy ako kakanuod ng mga music video ng iba't ibang kpop girl group nang biglang nag message si Andrei.
Andrei:
Jaiz, pasyal tayo. Sunduin kita after 15 mins.
Ako:
Di pa nga ako pumapayag eh. Sige bihis lang ako.
Andrei:
Di naman kasi ako nagtanong.
Napairap na lang ako sa reply niya.
Nagpaalam na ako kay Mom at Dad. Gusto sanang sumama ni Tristan kaso alam kong mag-aaway lang sila. Nasa labas na kami ni Tristan at natatanaw ko na si Andrei na sakay ng kanilang sasakyan. Bumaba na si Andrei at nagsalubong agad ang kilay niya dahil sa kamay ni Tristan na nasa balikat ko. Uh-oh I smell trouble."Hi babe" sabi niya sabay hila sa'kin. Ngumiti pa siya nang nakitang wala na ang kamay ni Tristan sa balikat ko. Nagulat na lang ako nang niyakap niya ako at.. at.. at hinalikan sa noo. Naramdaman kong may humawak sa braso ko.
"Hindi mo siya pag-aari. I'm her best friend.. and her suitor now." sabi ni Tristan at hinila ako palayo kay Andrei pero hinawakan din ni Andrei ang kamay ko.
"Excuse me? maglalaro ulit kayo ng tug of war? Please wag nyo na akong isali" sabi ko sabay bawi ng braso't kamay ko.
"What is he talking about, babe? You're mine. Walang pwedeng manligaw sayo." sabi ni Andrei na nagpipigil ng galit. Ba't ba galit sila sa isa't isa?
"Can't we just go?" hindi ko na siya hinintay at nauna na akong maglakad papuntang sasakyan. Tumakbo silang dalawa para pagbuksan ako. Tinignan ko silang dalawa pero busy sila magpatayan sa isip nila kaya pumasok na ako.
"Anong sinabi ng ggong yon? Anong nanliligaw? Pinayagan mo talaga?" sunod sunod na tanong niya nang makaupo na siya sa tabi ko.
"Ano ba?! Anong pinayagan? Hindi siya nagtanong at nagpaalam siya kay mom at dad."
"Dad? akala ko ba wala dito ang daddy mo?"
"Malamang pumunta siya dito." napairap na ako.
"Eh akala ko ba magkaaway kayo"
"May sinabi ba akong nagkaayos na kami?!" napairap na naman ako. Yung feeling na birthday ko pero nababadtrip ako. Ang saya - _-
"Why are you mad, babe?" halos manlambot ako sa paglalambing ni Andrei.
"Andrei-" natigilan ako dahil sa biglaang pagyakap sakin ni Andrei. Hindi pa siya nakontento at hinalikan niya pa ang gilid ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...