Chapter 64

5 3 0
                                    

Seraphina's POV



Naputol ang tawanan namin nang tumawag si Dad. Pinakita ko kay Andrei at natawa ako sa panlalaki ng mga mata niya.



"What? Hanggang kiss lang tayo! He won't send me a gift, right?" tarantang sabi niya. Hindi ko na siya pinansin at sinagot ang tawag.



"Where are you?" nagulat ako sa seryosong boses niya.



"I'm with Andrei" nag-aalinlangan kong sagot.



"Oh I see. I'll call you some other time." sabi niya at binaba ang tawag.



"Anong sabi?" tanong ni Andrei.



"That was really weird." tangi kong nasabi.



"Okay, this is the only time we can talk. Full na schedule mo by next week." seryosong sabi ni Andrei.



"Okay, saan ba ako magsisimula?"



"Kung bakit ka nakipagbreak" sabi niya at umirap.



"Totoo yung sinabi ni Bethany.. pero hindi lang yon yung rason." tinignan ko siya at tinaasan niya ako ng kilay. Nagpatuloy ako.



"Pagkatapos ng concert ay diretsong airport ako kasi nandon daw sina dad. Hindi ko nadala yung phone ko non kaya nagalit sakin si dad. Doon ko na nalaman na sinugod si mom sa ospital. So diretsong Pinas ako. Hindi ako natulog kasi sabi ko baka tumawag si Kate hindi pwedeng hindi ko sagutin. Pagdating sa Pinas nakilala ako ng mga fans, kinabahan ako non kasi what if matagalan ako ganito ganiyan, basta ang daming what if's sa utak ko. Then nung nasa van na kami may nagtext sakin.. at first, hindi ko pinansin. Tas nagsend ng video so pinanood ko. Si Bethany at ikaw yung nasa video. Sa totoo lang hindi ko na yon pinatapos hinintay ko lang na makita yung tattoo mo sa likod. " tumigil muna ako sa pagsasalita at tumingin kay Andrei. Nakakunot ang noo niya at parang hindi naniniwala sa sinabi ko.



"Continue" sabi niya.



"Doon na ako nagsimulang magalit sayo. Nung nakarating na kami sinabi ko kay mom na makikipag-break na ako pero pinigilan niya ako. Pero hindi ako nakinig kaya pumunta akong restaurant tas makikita kong magkasama kayo ni Bethany? Doon na ako naging siguradong hiwalayan ka. Pero nung umiyak ka? Gustong gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko. Gusto kong punasan ang mga luha mo. Gusto kong kalimutan na lang ang napanood kong video." natigil ako nang naramdaman ko ang pagpunas niya sa pisngi ko. Nang tignan ko siya ay umiiyak rin siya.



"Gusto kong hawakan ang pisngi mo at gamitin ang hintuturo ko bilang pamunas ng luha mo. Katulad nito" hinawakan ko ang pisngi niya at pinunasan ang luha niya.



"Noong naglakad ako palayo sayo, naisip kong mas mabuting pakawalan ka para sa ikabubuti nating dalawa. Pero hindi mabuti para sakin yon. Hindi ako nakakakain ng maayos dahil iniisip ko kung kumain ka na kaya? Kung okay ka lang, kung may nasasandalan ka. Ikaw lang at si mom ang iniisip ko noon. Pero halos mabaliw ako nang tuluyang nawala si mom. I was such a mess back then. Alam mo kung sinong nag-alaga sakin? Si Nathan. Siya lang ang hindi ko matiis kaya hinahayaan kong pumasok siya sa kwarto ko. Kaya siya galit sayo." sabi ko at tinawanan si Andrei.



"Para akong pinatay dahil sa lahat ng pinagdaanan ko. Hindi pa ako nakaka-move on noon sa pagcheat ni dad kay mom ay ikaw naman, ganoon ang ginawa sakin. I kept thinking na of all people bakit ikaw pa? Na alam mo naman ang nangyari kung bakit galit na galit ako kay dad noon. Tapos noong namatay si Grandpa, sinisisi ko pa rin ang sarili ko. Sinisisi ko rin ang sarili ko kung bakit mo nagawa sakin yon. Kulang ako sa oras, palagi tayong hindi nag-uusap—"



DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon