Chapter 43

7 3 0
                                    

Seraphina's POV




Hindi mawala wala ang ngiti sa mga labi ko. Kanina pa nga ako pinagkukunutan ng noo ni tito. Pagpasok ko dito kagabi ay mukha na akong tanga kakangiti. Pagtulog ay nakangiti, paggising, habang kumakain at kahit anong ginagawa ko ay nakangiti ako.




"Ate, mukhang may magandang nangyari ah? Kanina ka pa po kasi nakangiti."  ngiting sabi ni Kate na mukhang nahihiya.




"Hmm? maganda nga.. at matamis" uminit ang pisngi ko sa sinabi. I bit my lower lip. Tumawa lang si Kate at umiling.




Buong araw akong nasa bahay lang dahil hindi nga naman ako makalabas. Wala naman akong ginagawa kaya nagsound trip na lang ako hanggang sa nakatulog ako.




"Natutulog pa siya, hijo. Gusto mo bang gisingin ko siya?" rinig kong sabi ni tito kaya dahan dahan akong napamulat. Ginala ko ang aking paningin but my eyelashes keeps on falling.




"Kung ayos lang po sa inyo. Kailangan ko lang talaga siyang makausap." sabi ni Andrei na parang nagmamadali.




"Sige.. Kathallenna, pakigising ang iyong pinsan." utos niya kay Kate. Wala akong narinig na sagot ni Kate. But I can hear some footsteps.




"At ikaw Cornel? Ano ang sadya mo dito?" tanong ni tito, nagsisimulang mainis.




"Sinamahan ko lang po si Andrei.. at para na rin po makita ang anak ninyo." matapang na sabi ni Tristan.




Nakita kong bumukas ang pinto.




"Ate, nandito po sina Tristan at Kuya Andrei." mahinang sabi niya.




"Sige, susunod ako." sabi ko at umupo na. Tumango siya at lumabas. After two minutes, inayos ko na ang mukha ko at lumabas. Nakita kong nag-uusap sina tito at Andrei. Sa gilid nila ay sina Kate at Tristan na may sariling mundo.




"Hey.." si Andrei nang makita ako. Agad siyang tumayo at lumapit sakin. Agad siyang yumakap na ikinagulat ko. Napayakap rin ako pabalik.




"Hey.. is there something.. wrong?" litong sabi ko.




"I'm sorry, babe. I want you to stay here but you have to go back" sa bulong niyang iyon ay nanghina ako. Unti unting bumagsak ang kamay kong nakayakap sa kaniya.




"Sinabi ko ng hindi na ako babalik don." malamig kong sabi at pilit siyang tinutulak palayo sakin. Lumuwag ang yakap niya at hinawakan ako sa braso.




"You.. have to go back. Please.." sabi niya, napapapikit.




"Ayoko—" naputol ang dapat na sigaw ko nang sumigaw rin siya.




"Something happened, okay?!" sigaw niya sakin at inalog alog ako na parang ginigising niya ako. Napatitig lang ako sa kaniya. Pinakiramdaman ko muna ang sarili ko. Nabibingi ako dahil nangingibabaw ang pagkalabog ng dibdib ko.




"Mom.. is.. is she okay? What happened?" tarantang sabi ko. Nagsimulang maipon ang luha sa mga mata ko.




"They're both in the hospital. Your mom and grandad" sabi niya na naging dahilan ng pag-uunahan ng luha kong lumabas.




"You wait here. I.. I just have to take a shower and.. and.. I.." hindi na natapos ang sasabihin ko kakaiyak. Hinila naman ako ni Andrei payakap sa kaniya. Hinahaplos niya ng buhok ko at hinahalikan ang ulo ko. Tinatahan niya ako pero hindi matigil ang kaba at luha ko.




" Shh.. stop crying. Now, pull yourself together, take a shower and I'll pack your things, okay? Papunta na dito si Luke." sa ganitong sitwasyon ay malambing pa rin ang boses niya. Tiningala ko siya at tinanguan.




Ginawa ko ang sinabi niya. Habang naliligo ay umiiyak pa rin ako. Kaba at pag-aalala ang nararamdaman ko. Hanggang sa naisip kong ako ang dahilan kung bakit nasa hospital sila ngayon. Kahit hindi ko pa alam kung ano talaga ang nangyari ay alam ko sa sarili kong kasalanan ko.




Paglabas ko ay saktong naisarado na ni Andrei ang bag ko. Nang mapatingin siya sakin ay agad niya akong nilapitan. Yumuko ako para itago ang pamumugto ng mata kahit na nakita naman na niya.




"Babe.." mahinang bulong niya. He then cupped my face and stared at me most intently. I can't help but give him a bitter smile.




"Matagal pa ba si Luke?" nanginig ang boses ko.




"Hindi ko alam mga ilang oras na lang siguro. Chopper ang dala niya para mas mabilis daw." tumango ako sa sinabi niya at tinanggal ang kamay niya sa pisngi ko.




"Maraming mga puno at kuryente dito. Paano tayo makakasakay sa chopper?" tanong ko.




"Napansin ko nga rin yan kanina. Sa restaurant na lang tayo. May helipad don." sabi niya at hinawakan ang kamay ko. Dumiretso kami sa kusina kung saan namin naririnig ang tinig nina tito, Kate at Tristan.




"Tristan, ang sabi ko i-chop mo muna. Ang pangit naman kung isang buong sibuyas ang lumulutang sa sabaw." sabi ni Kate na chinachop ang sibuyas. Si Tristan naman ay namumula sa hiya. Dalawa silang nakaharap sa kaldero, nagtatalo. Si tito naman ay nakaupo at umiinom ng tsaa at napapangiti na umiiling.




"Uh.. tito, punta na po kami sa restaurant. Parating na po ang sundo namin." sabi ni Andrei.




"Ganon ba? Nagluluto pa kami eh." sabi ni Tristan, may dala pang sandok. Nagulat ang lahat nang humagalpak sa tawa si tito.




"Nagluluto? Parang naglalaro ka lang, Cornel. Puro mali ang iyong ginagawa." sabi ni tito at tumawa ulit.




"Sige po, mauna na kami tito, Kate, Tristan." putol ko sa tawa ni tito. Sumenyas lang siya, nakahawak sa tiyan at tumatawa.




"Gusto niyo bang ihatid ko kayo?" tanong ni Tristan.




"Manatili ka rito at tikman mo ang iyong luto." tatawa tawang sabi ni tito. Hindi na ako nakapaghintay at mabilis na hinila si Andrei palabas. Paglabas namin ay may iilang dumadaan at napatingin sa gawi namin.




"Shit!" mahinang sigaw ni Andrei at tinago ako sa likod niya. Pinasuot niya sakin ang cap niya. "Cover your face. Stay beside me. And focus your attention on the ground, okay?" sabi niya at inakbayan ako. Mabilis at malalaking hakbang ang aming ginawa. Swerte pa at may taxi agad. Agad na kaming sumakay at hindi nagtagal ay nakarating na kami sa restaurant.




"Matagal pa ba?" pang labing pitong tanong ko kay Andrei. Nasa office kami ng daddy niya at hindi na ako mapakali.




"Malapit na daw. Sit down, babe. Nahihilo ako sayo." sabi ni Andrei na hindi ko pinakinggan.




~~~




"Sabihin mo sakin, Luke. Anong nangyari don?" tanong ko kay Luke nang maging komportable na ako sa loob nitong chopper.




"Nakatanggap ng tawag ang daddy mo galing kay Andrei na nagsasabing nasa Pilipinas ka. Nung time na yon ay nasa hapag silang lahat. Nang marinig nila ito ay napahawak ang lolo mo sa kaniyang dibdib at nahimatay. Natigilan rin ang mommy mo at unti unting nawalan ng malay. Yun lang ang alam ko bago ako pinadala dito ng daddy mo." tuluyan na akong umiyak. Sinandal ako ni Andrei sa kaniyang balikat at tinahan hanggang sa makatulog ako.




"Babe.. wake up.." rinig kong sabi ni Andrei. Dahan dahan akong napamulat. Nasa chopper pa rin kami pero hindi na ito umaandar. Agad na akong tumayo at lumabas. Sinalubong ako ng sariwang hangin.


I'm back..

~~~

To be continued..

DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon