Chapter 65

5 3 0
                                    

Seraphina's POV



Kasalukuyang nagkakagulo ang lahat. Kaliwa't kanang flash ng camera. Ang daming tao. Nagsisimula na akong kabahan. Tumunog ang phone ko at nakita kong si Andrei ang tumatawag.



"Babe" nanginginig kong bati.



"Are you okay? Do you want me to go there?" malambing niyang tanong.



"I'm nervous but I can manage. You don't have to come."



"Fine. But if you're not okay anymore please call me." puno ng pag-aalalang sabi niya.



"Okay."



"Okay, see you later." sabi niya at binaba na ang tawag.



Pumwesto na ako sa stage at naupo. Kinuha naman ni Manager Lara ang mic at nagsalita.



"Good morning, everyone. The door will be closed in 5, 4, 3, 2, 1! Time's up. Please take your seat and we will now start. Thank you" sabi niya at pumwesto sa gilid ko.



"Good morning, ladies and gentlemen. I am Seraphina Jaiz Higdleberg and I will answer your questions. But if I find your questions rude, I will not hesitate to open the door and throw you out." galit kong sabi at tinignan silang lahat. Maya maya ay nagsimula na silang magtaas ng kamay. Si Manager Lara naman ang pumipili kung sino ang uunahin.



"Miss Higdleberg, napakaganda po ninyo ngayon pero halata sa mukha ninyong wala kayo sa mood." sabi ng babaeng reporter. Sarkastiko akong tumawa.



"You expect me to be happy despite of all the issues I have? Also my family is affected. I don't know why you people are so mad without hearing my side. Wala naman sana akong pakialam pero dinamay ninyo ang pamilya ko. Sinong hindi magagalit, diba?" sabi ko at tignignan ng mariin ang nagtanong.



"Miss Higdleberg, totoo po ba ang bali-balitang buntis kayo?" tanong ng isa pang reporter.



"If I'm pregnant.. I'm sure stressed din ang baby ko but no, I'm not pregnant. I'm not yet married. I'm also a virgin — I am proud to say that." sabi ko sabay ngiti sa reporter.



"Bali-balita rin po na asawa ninyo si Mr. Dominique." pahabol na tanong ng reporter.



"Uy Seraphina nagb-blush" mahinang tukso ni Manager Lara.



"Uhm.. Hindi, Hindi pa" nahihiyang sagot ko.



"So what's exactly your relationship with him?" tanong ulit nito.



"Huh? Ano.. We.. We just got back together." hiyang sabi ko at awkward na tumawa.



Nagbulungan ang mga reporter kaya nahihiya akong yumuko. Si Manager Lara naman ay pinipigilan ang sariling tumili at magtatalon. Pag-angat ko ng tingin ay nakita ko ang grupo ng mga lalaking pamilyar sa akin.



"Next question!" sigaw ni Manager Lara.



"Miss Higdleberg, nakita po ba ninyo ang video kung saan sinasaktan po ninyo ang kapwa trainee na nagngangalang Bianca? Totoo po ba iyon?"



"Oh, Bianca the bitch? Yes, totoo ang nasa video na yon." sabi ko at tumango tango. Nagsinghapan ang iilan sa mga reporter.



"That time, sobrang saya ko kasi kasama ako sa concert ni RARA. Nainggit ang walangya kaya yung tubig kong dapat na iinumin ay binuhos niya sakin. Palalampasin ko na sana, eh bigla ba naman nagsalita ng kung ano. So ayun sobrang nagalit ako kaya nagawa ko sa kaniya yun. I was also immature pa. Hindi naman kasi tama na bigla na lang siya mangbubuhos ng tubig na wala naman akong ginagawa sa kaniya. And hindi rin maganda ang ginawa ko, inaamin ko na mali ako sa part na iyon. So Bianca.. mag-sorry ka na para ok na tayo. Hindi yung mag-iinarte ka tapos—" magsasalita pa sana ako nang pinutol ako ni Manager Lara.



DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon