Seraphina's POV
"Andrei!!" paulit ulit na sigaw ko. Kanina pa ako lakad-takbo, nakasunod sa kaniya. Sobrang bilis ng lakad niya.
"Andrei!! Isa!!" sigaw kong may pagbabanta. Hindi pa rin siya lumiligon.
"Babe?" patanong kong sabi at pinigilan ang ngisi nang matigilan siya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad.
Hindi ko na alam kung paano siya palilingunin. Bigla ay lumiko siya patungong hagdan. Napangisi ako nang napatingin sa hagdan. Buong lakas akong lumundag kaya nakagawa ng ingay ang sapatos ko at umakto akong namimilipit sa sakit. Pinilit kong itago ang ngiti ko nang makita ko siyang kunot noong naglalakad palapit sakin.
"Aray" kunwareng daing ko.
"Hindi pa nga nagamot iyang tuhod mo kanina, ngayon ay madadagan na naman ang pasa mo." galit niyang sabi at walang sabi-sabing binuhat niya ako. Nataranta ako nang ang daang tinatahak namin ay papuntang clinic.
"Hey.. Hey! Put me down! I was just kidding! I can walk!" binitawan niya ako at tinignan ng masama. Nginitian ko lang siya pagkatapos ay tumalikod siya at dali daling naglakad. Tumakbo agad ako at hinawakan ang braso niya.
"Andrei, please.. let me talk first" mahinahon kong sabi. Mabuti naman at hindi niya pinilit kumawala.
"What you saw was just nothing" agaran ang ginawa niyang paglingon.
"Nothing? Seriously? He look like an idiot snaking his hands on your arm. At idinikit pa niya ang pisngi niya! Ngayon mo sabihing nothing yon!"
"Can't you just believe me?" I said slightly pissed.
"Umamin ka nga. May relasyon ba kayo non?" sabi niya sabat turo sa pinanggalingan namin kanina.
"So ganiyan ang iniisip mo? Ganiyan ang akala mo sakin? Ganiyan ang tingin mo sakin? Eh di sana hindi na kita pinayagang manligaw. Hindi na ako nagkagusto sayo pag nagkataon." malamig kong sabi at binitawan siya.
"I'm supposed to be the one who's mad here" sabi niya at bahagyang natawa.
"Alam ko. Sinabi ko ng wala lang iyon, kung pwede ko lang talagang sabihin ay nasabi ko na pero may respeto ako kay prof. Kung ayaw mong maniwala sakin, hindi ko na yon problema." sabi ko at tumalikod na.
"Wag kang aalis. Ayusin muna natin to." mahinahon niyang sabi.
"Parehong mainit ang ulo natin, saka na tayo mag-usap pag pareho na tayong malamig." hindi ko na siya hinintay na makasagot at umalis na ako.
~~~
"Oy" ngising sabi ni Tristan.
"Ano?" walang gana kong sabi.
"Ganda ng tuhod natin ah" sabi niya at humalakhak.
"Salamat ah?" sabi ko sabay irap.
"Hay nako, hanggang ngayon ba naman? Napakaclumsy mo talaga! Halika na sa clinic" sabi niya sabay hawak sa palapulsuhan ko. Pero inalis ko lang ang pagkakahawak niya.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...