Seraphina's POV
"Oh my gosh! Girls look! Do you know her?"
"Baka artista yan"
"Baka nga, pero maliit na program lang naman to bakit may artista"
"O baka naman contestant yan?"
"No way.. contestant yan? There's no way. Yang damit na yan? masyadong bongga para sa isang contestant lang. Baka artista talaga yan o di naman kaya ay model. Look how tall she is!"
Natawa ako sa pag-uusap nila. I did not expect that they won't recognize me. Nagmake up lang ako, hindi na nila ako nakilala? Hindi ko na sila pinansin at dumiretso na sa room 22. Doon ko nakita si Prof Grey/Grace.
"Hi prof" sabi ko pagkatapos kong kumatok. Nanatili lang akong nasa pinto habang si prof ay titig na titig sa'kin. Maya maya ay nangunot ang noo niya.
"Ah yeah, Hello. But the visitors are welcomed at the dean's office, not here in my room." masungit niyang sabi. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Nagmadali akong lumapit sa kaniya.
"What the heck, prof?! It's me!"
"Watch your mouth, lady. I don't know you. Now get out of my room" masungit niyang sabi at tinuro pa ang pinto.
"It's Miss Haydelbuhdj! Argh! Hindi na lang ako sasali sa contest mamaya!" inis kong sabi at tinalikuran siya. Narinig ko naman ang tunog ng sapatos niya, tumatakbo siya.
"Oh my gosh! Seraphina! I-Ikaw ba talaga yan?" inirapan ko lang siya at tinawanan niya lang ako.
"Sorry talaga beh HAHAHA.. Taray mo naman kase! Sexy black dress with matching make up! Pano kita makikilala?! Ito na ba ang isusuot mo mamaya?"
"Hindi"
"Ay sosyal! Ngayon pa lang bongga na ano pa kaya mamaya?!" sigaw niya at pumalakpak pa.
Bumalik na kami sa room at doon ako nag-vocalization. Nagpractice din ako ng dalawang beses. Hindi nagtagal ay nakita ko si Andrei na naglalakad palapit samin. Everytime he sees me, he will immediately smile like an idiot but today's different dahil magkasalubong ang kilay niya.
Don't tell me you can't recognize me? I'll dump you, I swear!
"Hi prof! Wala pa ba si Jaiz? Tumawag kasi ako kaninang umaga at kagigising niya lang, tsk! baka natulog ulit yon!"
"Uh.." hindi nakapagsalita si prof.
"And who's this? Representative ng anong year? I think I saw your dress months ago?" sabi niya at ngumiti pa sakin. Sinamaan ko siya ng tingin.
"It's me." I said while clenching my teeth. Nangunot na naman ang noo niya.
"I'm sorry, miss. I really don't know you. I think we haven't met before. Excuse me, I'll just call my girl" sabi niya at kinuha ang phone niya at medyo lumayo samin at nagdial. Ako naman ay lumapit sa table ni prof dahil nandon ang phone ko na nakasilent. Kinuha ko agad yon at pinindot ng pinindot ang volume hanggang sa mafull yon. At yun nga! Tumunog ang phone ko, dahan dahang lumingon si Andrei sa gawi ko. Si prof naman ay palipat lipat ang tingin saming dalawa. Sinagot ko ang tawag at inilapit ito sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...