Chapter 33

9 3 0
                                    

Kate's POV



Kahit na hindi pa tumagal ng sampung minuto ay hindi na talaga ako komportable dito sa kotse nila. Nasa likod kami ni Tristan at yung mommy niya ang nagd-drive. Paano ako magiging komportable kung si Tristan ay panay ang pangungulit.



"Gaano na kayo katagal?" pagbabasag ng mommy niya sa katahimikan. Nagkatinginan kami ni Tristan.



"Ma.." kabadong sabi ni Tristan.



"Wag mong sabihing hindi ka pa nakakapagtapat?" bahagyang tumawa ang mommy niya.



"Ma naman.. anong pagtatapat yang sinasabi mo" pautal-utal niyang sabi.



"Kita mo na.. napakabagal mo talaga. Paano ako magkakaapo niyan?" malungkot na sabi ng mommy niya at tumatawa sa reaksyon naming dalawa.



"Anong pangalan mo hija?"



"Kate po" nahihiya kong sabi.



"Hindi ka pa ba nililigawan ng anak ko?"



"Po?.. H-Hindi po.. May ibang gusto po siya" nakayukong sabi ko.



"Sa ating dalawa ikaw ang may ibang gusto." nagulat ako sa sinabi niya lalo na sa paraan ng pagkakasabi niya. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakatiim bagang na siya and he's looking at me intensely!



"Gusto mo si ate Seraphina diba?" pagpupumilit ko.



"Noon yon! May boyfriend na yon oy!"



"Eh bakit kayo nagshare sa iisang mic noong contest? At bakit mo siya nilutuan ng carbonara kanina?" huli na ang lahat! Nasabi ko na! Kainis!



Biglang humalakhak si Tristan. Maya maya ay nilabas niya ang phone niya at may ginawa doon. Pagkatapos ay nakangiting tumingin sakin at umiling iling. Napatingin ako sa mommy niyang nakangiting sumusulyap sulyap samin.


Gawin nyo na akong bula please!!


~~~



Tristan's POV



Ako :

Seraphina ikaw na ang pangatlong pinakamagandang babae sa buong mundo! Akalain mo yon? May maganda akong best friend?


Seraphina :

Anong nakain mong unggoy ka?


Ako :

Ako? unggoy? Sa gwapo kong to?


Seraphina :

May nangyaring maganda no?


Ako :

Ikaw talagang babae ka napakataba talaga ng utak mo! Oo! Sobrang ganda ng nangyari!! Nahuli ko! Nahuli ko na! Nadulas! Nadulas!!


Seraphina :

Ano? Nadulas?! May nabagok ba? Sino?!



Napahalakhak ako at natigil din nang maalalang nasa kotse pa rin pala kami. Napatingin ako kay Kate at sobrang sama ng tingin niya sakin.



Ako :

Ibig kong sabihin nalaman ko na yung sagot. Nadulas si Kate. Nagseselos ang pinsan mo sayo!


DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon