Seraphina's POV
Ang tahimik ng bahay. Wala kaming kibuan ni mom. Kaninang kumakain kami ay ang ingay lang ng kutsara't tinidor ang naririnig. Nang matapos ay ang aming mga yapak naman ang tanging naririnig. Nakakabingi ang katahimikan.
Pumunta akong kwarto nang maalala kong wala pa akong napipiling kantahin para sa contest. Hindi pa nakaka-isang minuto ang isang kanta ay pinindot ko na agad ang next hanggang sa lumipas ang isang oras na ganon lang ang ginagawa ko. Naibato ko ang phone ko sa inis. Tumayo ako at lumabas ng kwarto at dumiretso sa ref. Nagulat naman ako nang makita ko si mom. Nakapatong ang baba sa brasong magkakrus na nasa lamesa.
"Mom, why are you still awake?" tanong ko habang naghahanap ng maiinom sa ref.
"I can't sleep" sabi niya na papikit pikit ang mata, inaantok na.
"You should sleep now, mom. Hindi makabubuti sayo ang magpuyat. Let's go" sabi ko at nilapag ang kung anong bote ang nahawakan ko at inalalayan siyang tumayo at maglakad papuntang kwarto niya.
"Sleep now, mom. Goodnight" sabi ko at kinumotan siya hanggang tiyan.
"Goodnight, anak" sabi niya at pumikit na. Lumabas na agad ako. Nakita kong gatorade pala ang nakuha ko. Binalik ko ito at kumuha na lang ng sampung chocolate. Hindi pa ako nakakabalik sa kwarto pero tatlo na ang naubos ko.
Ehehehe.. sarap kase..
Nang makapasok ako ay nagulat pa ako nang makita kong may crack na ang phone ko. Napabuntong hininga na lang ako nang maalala ko kung bakit nagkacrack ito. Binuksan ko ito at dinial ang number ni Tristan. Wala na akong choice kundi humingi ng tulong sa kaniya.
"Hello, Tristan"
"Oh, hello.. anong atin?"
"May malaking problema ako"
"Gaano naman kalaki yan? Baka mas malaki pa sa akin ha? Baka hindi ko mabuhat"
"Should I laugh?" inis kong sabi kaya humagalpak siya sa tawa.
"Chill! Apaka seryoso mo naman! Oh anong problema mo?"
"Alam mo namang sa Biyernes na ang College Musical di ba?"
"Malamang! Kasali ak-.. K-Kasali ka kaya!"
Weird..
"Yun nga! Kasali ako pero hindi ko pa alam ang kakantahin!" sigaw ko sa kaniya.
"Asan ang malaking problema don? ha?" sabi niya at huminga. "Ano bang gusto mong kantahin?" mahinahon niyang sabi.
"Hindi ko nga alam diba?!"
"Ang ibing kong sabihin eh kung anong genre ang gusto mong kantahin! Makasigaw ka parang bobong bobo ka sakin! Yung totoo? Nanghihingi ka ba talaga ng tulong?!" gigil niyang sigaw sakin at diniinan ang huling salita. Mabuti na lang at inilayo ko agad ang phone sa tainga ko.
" Ah, ehehe.. yung genre? ah.. hmm? gusto ko yung chill lang na mapapasabay yung mga tao.. Yung tipong pang concert ang performance ko"
"Edi piliin mo kung anong gusto mo! Nakanood ka naman ng mga concerts diba?"
"Parang hindi talaga tamang sa'yo ako tumawag." bulong ko na medyo nilakasan ko para talagang marinig niya.
"Ah ganon?! Edi wag ka ng tumawag kahit kailan! Nakaka-inis ka!!" sigaw niya at ako naman ay tinakpan ang bibig para hindi niya marinig ang tawa ko. "Parang hindi ko naririnig yang bungisngis mo?"
BINABASA MO ANG
Dream
Teen FictionSeraphina Jaiz Higdleberg a 17-year-old girl who dreams to be a professional singer since she were a kid. But something's stopping her. Something heart breaking happened and she can't leave her sick mom. Her boyfriend-Andrei Dominique forced her to...