Chapter 26

8 3 0
                                    

Seraphina's POV



"Seraphina, sorry na.. Nangangalay na talaga ako." mangiyak ngiyak na sabi ni Tristan.



Ginawa ko lang naman siyang cellphone holder. Mga sampung minuto pa lang siya nakahawak sa phone ko, ako naman ay nanunuod ng video- movie pala. Nakaupo ako, magkakrus ang paa at magkakrus ang braso.



"Nangangalay? Eh sampung minuto ka pa lang nakatayo dyan. Ahh." sabi ko at ngumanga kaya sinubuan ako ni Andrei ng fries. "Eh bakit ito hindi nangangalay" sabi ko, nakaturo kay Andrei.



"Hindi nagrereklamo 'kamo. At tsaka yan lang naman ang ginagawa niya eh. Palit kaya kami?" agad akong umiling habang panay ang nguya.



"Eh kung pinaupo ko na lang kaya siya? Tapos ikaw na lahat gagawa? Puro ka reklamo. Magseselos ang isang yan kapag nagpalit kayo." bigla na lang humagalpak sa tawa si Andrei.



"BWAHAHAHA.. may gusto ka na talaga sakin!" sigaw niya at sunod sunod na nilagyan ng fries ang bunganga ko. Pinalo ko ang kamay niya.



"Daharn darharn namarn! Barsted kar 'pag nabulunarn akor!" sigaw ko.

(Dahan dahan naman! Basted ka 'pag nabulunan ako!)



"Titaaaa!! huhuhu.. nangangalay na po talaga ako, isang oras na akong nakahawak sa phone ni Seraphina" parang batang nagsusumbong si Tristan. Kaya naman palang parang kaawa awa na ng mukha niya nandiyan na pala si mom at Kate.



"Upo kayo Tristan, Andrei.. Seraphina naman, pwede namang ikaw ang humawak ng phone mo" hindi ko pinansin ang sinabi ni mom dahil napako ang mata ko sa nalilitong mukha ni Kate na  palipat lipat ang tingin sakin at kay mom.



"Wag mong sabihing hindi mo rin ako nakikilala, Kate. Ikaw ang papalit sa pwesto ni Tristan" sabi ko habang sinasamaan ko siya ng tingin.



"A-Ate.. d-dala ko po y-yung mga d-damit mo." agad ko siyang nginitian at nilapitan.



"Aww, thank you Kate! Oh eto fries oh, pakabusog ka ha" sabi ko at binigay sa kaniya ang fries saka ko kinuha ang mga damit ko.



"Buti pa si Kate! Nakilala ako. Eh 'tong dalawang to! kung ano ano pang sinabi sakin! Hindi agad ako nakilala!" sabi ko habang sinasabit ang mga damit ko pagkatapos ay umupo sa tabi ni mom. Nagulat pa ako nang makitang nakapulupot ang mga kamay ni Tristan sa braso ni mom.



"Nakakapanibago po kasi ate hindi naman kayo naglalagay ng make up kaya sobrang ganda mo po talaga. Kung hindi nga po kita kilala ay mapagkakamalan na kitang artista o di kaya ay model" sabi ni Kate na ikinalaki ng ngiti ko.



"Oh my.. gusto mo ng ice cream?? Anong flavor gusto mo??" masaya kong tanong kay Kate.



"Chocolate po." agad akong kumuha ng pera sa wallet ko at humarap kay Tristan.



"Oh, bili ka ng ice cream.. chocolate flavor daw"



"Bakit ako?! Kaya niya namang bumili ah?!"



"Oh sige, magmomovie na ulit ako" agad niyang hinablot ang pera ko.



"Eto na! Ako na lang lagi.. Hoy! lika, samahan mo ko" sabi niya at hinila pa si Andrei. Pero natigilan kaming lahat nang pumasok si prof at may binigay kay Tristan saka siya lumapit sakin.



DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon